“Libre mo?”

“Hindi. Libre ni Ace. Kaya order ka lang.”

“Wag na. Hindi pa naman ako nauuhaw,” pagdadahilan niya.

“Tanduay Ice?”

“Hindi ako umiinom,” tanggi niya.

“Yosi?”

“Hindi din ako naninigarilyo.”

“Sigurado kang boyfriend mo si Ace?”

“Hindi.”

Agad namang tinignan ni Ace si Ana ng nakakatakot.

“Joke lang!” Exag na tumawa si Ana at tinapik si Ace sa balikat. Napalakas lang yata pagtapik niya at naitulak niya ito. “Ay, sorry!”  Sinasadya ko!

“Mapagbiro pala itong si Ana mo Ace.”

“Oo, pangarap kasi niyang si Ana maging clown in the future.”

Akala mo ha!  Kahit nakangiti ay nakasimangot si Ana sa loob-loob nito.

“Wag kayong maniwala diyan kay Ace. Siguro hindi niyo alam ito, pero puwedeng-puwedeng maging politician yang si Ace. Pag tatakbo siguro iyan, mananalo for sure.”

“Ayaw mo ng maging architect Ace?” tanong ni Koreano.

“Malay ko diyan sa pinagsasabi ni Ana. Pero siguro nga mananalo ako. Dahil ba sa sikat ako?” baling nito kay Ana.

“HINDEEEE…”

“Kung ganoon, paano mo nasabing puwedeng-pwedeng maging politician itong si Ace?” takang tanong naman nung brown ang buhok.

“Because he’s a good liar! An excellent blackmailer! And an arrogant beast!”

Napatanga si Koreano at brown hair kay Ana. Si Ace naman ay hindi maipinta ang mukha. Kung lalaki lang siguro ang dalaga  ay nasuntok na nito ito.

“JOKEEEEEE! Kayo naman!” Dinig na dinig ang halakhak ni Ana. Nakabawi kasi siya kay Ace.

“ANA…” ani Ace. Bumaling si Ana kay Ace at damang-dama niya ang pagtitimpi sa boses nito.

“Galit na si ACE bebe ko," pang-iinis ng dalaga dito. “Pangarap KO ngang maging clown, di ba?” Ginawa pa niyang dahilan ang nireason-out nito kanina. It’s time for Ace to taste the dose of his own medicines.

Malakas na tumawa yung dalawa.

“Woot! First time na may makakasundo yata kaming GF mo Ace ha.” Komento nung Koreano. “Ako nga pala si Bob.” Inabot nito ang palad kay Ana.

Agad namang tinanggap iyon ni Ana at nakipagkamay. “Bob? As in short for Bob-oy? Hehehe…” Corny! Pero hindi mukhang baboy itong si Bob ha. Kahawig nga nito yung Korean actor na si Lee Jun Ki.

“You’re really funny. Bob as in short for Robert.”

“Robert? Bakit hindi Rob? Bert? Berto? Bakit BOB?”

“Mahabang kuwento eh. Sa susunod ko na lang ikukuwento.”

“Okay…” Bumaling si Ana sa kaibigan nina Ace na brown ang buhok na hindi pa rin niya alam ang pangalan. “At ikaw naman si?”

“I’m Kenneth. Just call me Ken.”

Woooooo! Gusto niyang ireto si Chichi dito sa Ken na ito eh. Kasi kung sakali, may Chi-Ken tandem na. Hohoho!

Bob-oy…Chi-Ken…Wahehe! Kumalam tuloy sikmura niya.

“Hoy, Ace, gutom na ako. Pakainin mo naman girlfriend MO!”

“Gutom na nga yata itong si Ana, Ace. Mukha na siyang mangangain ng tao!” panggagatong pa ni Bob.

“ANA….” Nanggigigil na bigkas ni Ace sa pangalan niya.

“Patience bebe ko…patience…” ginamit niya ang tono ni Ace nung time na sabihin nito iyon sa kanya. “Natutunan ko yan sa iyo.” She said in a sweet voice.

Hindi niya ineexpect, pero she’s enjoying tormenting Ace. Kaya siguro nag-eenjoy ang tukmol na Ace na ito na itorment din siya. Iba pala ang feeling.  Simula ngayon, hindi na siya patatalo kay Ace.

Well, pasensiyahan na lang. Because the table has turned.

Bahala si Ace na makunsimi dahil sa kanya. Kasalanan niya din eh.

Gusto nito ng girlfriend?

Eh di sige!

Bwahahahahahah!

=========================

A/N: Nahirapan ako sa pagpost nito dahil ang aming internet connection ngayon ay kay bagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaallllll. Sobra. Pero buti naman at napost ko na ito. Kung nababasa niyo na ito, successful ako! hehehe...

ComVo! Thanks! :)

Meet My Boyfriend: Ana's Ace (ON HOLD)Where stories live. Discover now