Chapter 2: He knows her name

25.7K 162 4
  • Dedicated kay James Reid
                                    

Chapter 2: He knows her name.

~James' POV.

Another day of classes. Papasok na naman ako sa University.

"Sir. Nakuha ko na nga po pala yung profile." Sabi ng driver ko.

 

"eeeh? Talagaaa?!" nakakatuwa naman at malalaman ko na pangalan niya. May inabot sakin na folder then tiningnan ko. Woah. Fretzie Joans Ruite Bercede pala pangalan niya. So beautiful.

"Thank you." Then I smiled.

~Fretzie's POV

Late na akong nagising! 7:30 na! almost 30 minutes na akong late. Tumakbo ako sa math building.

"Damn, late na ako." Tumakbo ako nang bigla akong natumba, may nabangga ako. "Ay, sorry po." Sabi ko pero hindi ko siya tinitingnan.

"Okay ka lang ba?" isang pamilyar na boses na naman, tinayo niya ako. Pero nakita kong si James ito, kaya tumakbo na lang ulit ako.

"Uy, wait! Same class tayo!" sumigaw na siya. Lumingon ako, nagulat kasi ako sa sinabi nya.

"Ano?!" sabi ko.

"Same class tayo. At late na tayo pareho, kaya bilisan natin." Lumapit siya sakin. Bakit ba lagi kaming pinagtatagpo nitong si James? Lord, ano bang gusto niyong iparating? Pinahihirapan nyo po ba ako?

"Ah, ewan ko sayo. Bahala ka diyan!" tumakbo na ako.

Nakarating na ako sa room namin, kaso kinakabahan ako, eh strict yung teacher na to. Pano ako makakalusot. Eer. Pero bahala na. pumasok na ako.

"Ma'am?" sabi ko.

"Ma'am! Sorry po we're late." Sabi naman nitong si James.

"Oh. James and Ms. Bercede. Why are you late for almost 30 minutes!?" wooo. Nakakatakot si Ma'am Anila.

"kasi poo---" naputol ang sasabihin ko nang biglang nagsalita si James.

"Ah, nabangga po kasi ng sasakyan ko si Ms. Bercede," what the hell is he saying. "kinailangan pa po naming siyang dalhin sa ospital para sure. Then, nalaman ko pong same class kami, kaya sinabay ko na po siya." Ano namang kalokohan ang sinabi nitong taong 'to.

 

"Oh? So anong nangyari? May masakit ba sayo Fretzie?" di ko akalaing naniwala si Prof. Anila sa kasinungalingan ni James.

"Ah.. Ma'am.." di ko tuloy alam kung anong isasagot ko.

 

"wala po. Konting gasgas lang po." Sabi ni James.

"salamat at ligtas kayo. Oh Fretzie. Okay ka na ba?" tanong ni Prof. Anila. Tiningnan ko si James ng masama pero siniko niya ako para sumagot.

 

"ah.. Yes, Ma'am." Sabi ko na lang.

 

"Ok, maupo na kayo." Sabi ni Prof. then nag simula na ulit siya magdiscuss ng lesson.

"ano naman yon?" tanong ko kay James.

 

"galing ba ng acting skills ko?" sabi niya. Ang yabang talaga nitong tao na to! Kala niya kung sino syang magaling na aktor!

"Tsk."

"It's only a white lie. Gusto mo bang mapahamak ka?" sabi niya sakin, mukha namang sincere.

"kahit na, dapat hinayaan mo na lang ako." Sabi ko. Ayaw ko kasi na I owe him something.

"Thank you." Sabi ni James.

"Huh?" nagulat ako at siya ang nagthathank you.

"You should say thank you in this kind of situation." Sabi niya sakin, mukha paring sincere. Ngumiti siya, then tumingin sa unahan. Ah... Mag thathank you ba ako sa taong to? Hm. Nag isip muna ako. Ok, malaki naman ang naitulong nya sakin dahil kung hindi dahil sa kanya, siguro may X mark na ako sa attendance.

"Thank you." Mahina ko lang na sinabi. Then tumingin na ako sa unahan. Nakita kong nagsmile si James, nung nag thank you ako.

After class. Nagkita-kita kami nila Tricia at Ann sa may bulletin board.

"Fretzie! Tingnan mo 'to!" sabi ni Tricia. "nag sosoccer ka pa ba?" sabi niya. Then I looked at the board. "mag try outs ka." Sabi niya sakin.

"sama ko si Ann!" sabi ko. Grabe, magvavarsity ako ng soccer sa University. Naeexcite naman ako.

"san mo ako isasama?" sabi ni Ann.

"Soccer try outs bukas." Sabi ko.

"sureee." Excited na sabi ni Ann.

She's Different, and that's why I love her. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon