Chapter 16: New Band Member

18.7K 98 9
  • Dedicated kay James Reid
                                    

 Add nyo new FB ko. Name ko? Oh Kaye (Wattpad)

Thanks! ^_^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 16: New Band Member


Lumipas na ang weekend, umuwi na ng Pilipinas si James. Monday na at pasukan na ulit nila. Habang magkakasama sila Sam, Ivan at Ryan ay nag-uusap sila tungkol sa nalalapit na Mini Concert.

“Pano na? ilang araw na lang. wala parin tayong vocalist.” Sabi ni Ivan. Pero biglang may umimik sa likod nila.

“Uh…” paglingon nila, si James pala. Halata sa tatlo ang pagkagulat.

“I just want to say na, I’ve changed my mind. Um… tatanggapin ko na ang favor nyo.” Dagdag pa ni James.

“Talaga!?” ang sabi nila Ivan at Ryan, halatang tuwang-tuwa sila at si Sam naman ay hindi makapaniwala. Nag-usap na sila ng meeting place nila para sa practices. At nagsialisan na rin sila.

~Fretzie’s POV


Pagpasok ko sa Chem class ay nakita ko si James. Tumakbo ako papunta sa kanya.

“Jaaaaames!” ewan ko kung bakit ako natutuwang makita siya.

“Ano?” sabi nya. Bakit parang ang lamig ng trato nya sakin?

“Salamat naman at pumasok ka na! hindi ko alam kung anong gagawin ko sa Chem nung wala ka eh!” ang sagot ko.

“Sabi na nahirapan ka eh. Pano ba naman, hindi ka nanonood pag gumagawa ako.” Sabi nya. Salamat naman at humaba din ang sinabi nya. Ngumiti nalang ako.

“Nga pala, pumayag na akong maging vocalist ng banda ni Sam.” Sabi nya sakin. Nagulat naman ako nung sinabi nya to. Di ako makapaniwala.

“Talaga?! Ano namang nakain mo?” tanong ko.

“Wala.” Pero kahit di nya sinagot ng ayos yung tanong ko ay natuwa parin ako dahil pumayag na sya.

“Salamat ha!” sabi ko. Pero tumalikod lang siya sakin at dumating na si Sir.

Pagkatpos ng klase, nakita kong nagmamadali si James. Bakit kaya? Hm. Masundan nga to. Sinundan ko siya, nakita kong papasok sya sa Music room. Nung nakapasok na siya sinilip ko yung room. Ow, totoo nga. Sumali na siya sa banda nila. Wow. Hahaha.

Naglakad na ako palayo, pero may narinig akong pamilyar na boses na may kausap. Pinakinggan ko muna.

She's Different, and that's why I love her. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon