The One With The Dreams

Start from the beginning
                                    

"Albert naman," sabay suntok ni Gabriel kay kuya.

"Pero tatanong ko ulit, one last time," sabi ni Kuya. "Masaya ka ba sa desisyon mo?"

"Oo," at di ko na napigilang tumakbo kay kuya at yumakap. "Sorry, kuya. Bakla na ako."

Napahigpit ang yakap ni Kuya sa akin at narinig ko siyang tumawa.

"Sa akin ka ba nagso sorry o sa sarili mo?" tanong ni Kuya.

"Hindi ko alam," nilito ako ni Kuya pero parang dapat ko ngang pag isipan ang tanong niya.

Bumitiw na lang ako kay Kuya.

"Bumigay na ako," sabi ko na lang.

Umupo ako at nakita kong nakangiti sa akin sina Kuya at Gabriel.

"Binigay mo lang sa sarili mo ang dapat," sabi ni Kuya.

"Ow," sabi ni Gabriel. "That's deep."

Nagsalang si Kuya ng DVD at iyun yung pinanood naming tatlo. Horror. Multo. Nang mapasigaw ako ay yumakap sa akin si Gabriel.

"Sinabi ko na okay lang sa akin yang relasyon ninyo," pansin ni Kuya. "But don't make me the third wheel in my own house."

"Sorry," sabi ni Gabriel.

Kahit ako ay napahiya.

"I'm kidding," bawi ni Kuya.

At napatawa kaming tatlo. Napahilig ako sa braso ni Gabriel na nakapatong sa likod ng sofa. Mula sa braso, napapa ako sa kanyang dibdib.

"But seriously, Alex," pansin ni Kuya. "Don't."

"Sorry," sabi ko.

"Go ahead, do your thing," sabi ni Kuya na natatawa pa. "Nagbibiro lang ako."

Pero hindi na ako masyadong dumikit kay Gabriel. Kahit pa sabay sabay kaming napasigaw nang magpakita ang multo sa pinapanood namin.

"Kapag nakakita ka daw multo," kwento ni Kuya. "Huwag na huwag kang titingin directly sa mga mata nila. They'll know that you can see them. And that's when they'll start to haunt you."

"Two things," sabi ni Gabriel. "Alex isn't looking at anybody's eyes anymore, living or dead because these beautiful eyes are enough."

At binigay ni Gab sa akin ang mapang-akit niyang titig.

"Well?" humingi ng confirmation si Gab.

"Oo naman," bigay ko.

"And second," tuloy ni Gabriel. "Ghost or not, wala nang makaka haunt kay Alex. Ako lang."

"Sige, sweet na kayo," sabi ni Kuya Albert. "Basta Gab, pinagkakatiwala ko sa'yo ang kapatid ko."

Tinuro ni kuya ang dalawa niyang mata at tinuro ang mga mata ni Gabriel. I'm watching you.

Hindi alam ni Kuya na nakatitig na ako sa mga mata ng multo at oo, parang babalikbalikan ako nito.

Una na sa panaginip. Nagising ako hindi dahil sa bangungot kundi dahil hindi ko gusto ang nakikita ko.

Nasa swimming pool ako ng campus. Pagkaahon ko ay iniangat ako ni Gabriel at isinandal sa isa sa mga pader ng locker room. Diniin niya ako doon hanggang sa daramdaman ko ang bigat ng katawan niya. Napapikit ako sa takot ngunit pagkadilat ko, ang tingin niya ay walang laman. Walang galit, walang saya, walang ekspresyon. Lumapit ang mukha niya sa akin at doon ako gumising.

Napadilat ako sa mukha ni Gabriel na nakaharap sa akin. Hinalikan ko si Gab. Napangiti siya. Hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya.

Huwag mo na ulit ako sunduin later, Nak. Hindi pa naman kita namimiss. Atsaka mo na sabihin yang hindi mo kayang itawag o itext. Next time na sa live na live nating chikahan, ha. I love you, though.

Oh Boy! I Love You!Where stories live. Discover now