Chapter 50

1.9K 62 7
                                    

Chapter 50
Asterin’s POV

“Yup, that’s me, and for your question, no…”sabi ko at ngumiti.

“Oh, anak ka ni Ms. Niela Guanzon, Ae? Kapatid mo si Caroline Guanzon, ‘yong child actress? Nahihiya ka ba na nakakulong ang Papa mo o nahihiya ka na anak ka ng isang baliw?”sunod sunod na tanong ng mga ito.

“Hmm, it’s not like that. Bakit ko naman ikakahiyang anak ako ng isang magaling na aktres, hindi ba? Isa pa, my father is already spending time in prison, he’s changing. And to answer your question. Hindi po. I hide my identity because I want to know kung hanggang saan ang kaya ko without you knowing about my identity. Maybe, one of the reason ay gusto kong may mapatunayan, kay Mama, sa magulang, sa taong nasa paligid ko, kapatid ko at higit sa lahat sa sarili ko.”nakangiti kong saad.

“You see, I always live in my sister shadow, lagi’y kailangan sundan ang yapak nito. It was as if I can’t make my own path. Laging nakukumpara rito, hindi ko alam kung dahil ba mas maganda siya o dahil nga mas talentado, siya ‘yong tipong mapapansin agad kahit maraming tao. Maraming kaibigan, mabait na anak, and she’s always been the prettiest. Inggitera ako kaya ‘yon, gusto ko lang patunayan sa sarili ko na kaya ko rin.”sambit ko at ngumiti, tahimik lang naman silang nakikinig sa akin.

“For years, I was always scared to tell people how I look like when I was younger, I always doubt my self worth, always trying to compare myself to my but then I realize that I’m pretty. Hindi ako pangit, nasa mata niyo ang problema. If you heard this and you’re struggling to enter society’s unrealistic image that a women and men should have, you should realize first that you’re beautiful. You don’t have to impress anyone just by having that perfect body. Sabi nga ni bruno mars, you’re beautiful just the way you are.”ani ko at ngumiti sa kanila.

“Like what I said gusto kong patunayan ang sarili but you know what? Hindi pala masaya… hindi masayang ginagawa mo lang ang lahat para may malamangan. Maybe if I don’t envy my Ate, we probably close? I don’t know… I just regret being jealous with everything. Baka sana buo pa rin kami.”sambit ko.

“Lastly, I also want to thank everyone for being with me in this journey, 4 years is really fun with you guys, I felt love, thank you so much for being with me, hmm, I’ll quit being a celebrity and pursue my own dream. Thank you so much.”nakangiti kong saad at bumaba na habang nag-iingay ang lahat. Napangiti naman ako kay Mama Ella na siyang niyakap ako ng mahigpit.

“I’m proud of you…”pabulong niyang saad habang hinahaplos ang buhok ko. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil do’n. I’m proud of myself too.

Marami pa silang gustong itanong ngunit hindi naman na namin sila hinayaan pa lalo ba si Mama Ella. Hindi ko maiwasang mapangiti nang nasa labas na, para akong nakahinga ng maluwag, wala na ‘yong bigat.

Nagtungo kami sa bahay ngunit natigilan ako nang makita kung sino ang nakatayo sa may tapat.

“I’ll talk to her muna, Mama Ella.”sambit ko kay Mama Ella. Tumango naman siya sa akin dahil do’n.

“Anong ginagawa mo rito?”tanong ko kay Ate Caroline nang makita siya.

“If you’re going to tell me to break up with my boyfriend, don’t bother, you should talk to him instead, kapag tinanggap ka, edi sa’yo na.”sambit ko at tatalikod na sana ngunit nagsalita siya.

“Sorry…”pabulong na saad niya. Natigilan ako roon at napatingin pa muli sa kanya. Tila ba nabato balani sa kinatatayuan nang sambitin niya ang mga katagang ‘yon.

“Ano… I’m sorry for what I have done years ago, ‘yong ginawa kong pagkuha sa painting mo, ‘yong pagnanakaw ko ng comics mo, everything… Mama want me to be perfect para may gagayahin ka, para gawin mo rin ang lahat ng makakaya mo…”aniya, nakinig lang ako. Hindi alam kung anong dapat na maramdaman.

Shadow of PastOnde histórias criam vida. Descubra agora