Chapter 21

1.8K 58 1
                                    

Chapter 21
Asterin’s POV

“I know you’re not okay, but you’ll get there.”hindi ko magawang ngitian si Esai nang ikwento niya sa akin nagkasagutan ang Kuya at Papa niya.

“Mama’s still trying to make things work, pakiramdam niya’y siya ang nagkulang kahit na ang totoo? Wala siyang kahit na anong kasalanan.”sambit niya. Nakinig lang naman ako sa kanya bago tumayo.

“Tara.”sabi ko kaya nagtataka niya akong tinignan.

“I don’t actually have things to do today? Want to go in your Mom’s flower shop?”nakangiti kong tanong. Madalas kasi na nandoon pa rin si Tita dahil ‘yon lang ang place kung saan makakapagpahinga siya sa mga iniisip.

“Why? Are you busy?”tanong ko sa kanya.

“Well, I don’t really usually go in her flower shop unless I need something.”nakanguso niyang saad kaya napangiti ako.

“Then learn to hang out with her!”sabi ko naman. Wow, Asterin, coming from you talaga na hindi naman close sa parents niya, huh?

Hinila ko na lang si Esai at naglakad lang kami patungo sa flower shop ni Tita. Nasanay na kami na laging maglalakad na lang kapag magkasama, bukod sa ang dami naming napagkukwentuhan, it’s really fun walking dahil nakakapagexercise din kami kahit paano.

Maya-maya lang ay nakarating kami sa flower shop, nakita namin si Tita na tulala lang sa isang tabi habang nakatingin sa bulaklak. Nagkatingin naman kaming dalawa ni Esai roon. Nakita ko ang lungkot mula sa kanyang mukha kaya bahagya ko siyang tinulak para lapitan ang Mama niya.

“Welcom—“nakangiti si Tita ngunit agad nagulat nang makitang si Esai ‘yon. Agad naman siyang ngumiti ng mapatingin sa kanyang binata.

“Anong ginagawa mo rito? May kailangan ka no?”natatawang tanong sa kanya ni Tita. Hindi ko alam kung maskara lang ba ito para itago ang kalungkutan o ano.

“Hmm, nah, Ma, I’m with Elin. We’ll help you here.”sabi ni Esai at ngumiti pa sa kanya ina. Agad naman siyang pinanliitan nito ng mga mata.

“Anong kapalit?”tanong pa ni Tita Demi sa kanya.

“Nothing, we just don’t have anything to do..”sabi ni Esai na napakibit pa ng balikat.

“Fine. Sabi mo e.”natatawa pang saad ni Tita at agad akong nilapitan.

“Thank you.”sabi niya kaya nagtataka ko naman siyang tinignan.

“Po?”naguguluhan kong tanong. Nginitian niya lang naman ako at umiling. Katulad nga ng plano namin, tumulong lang din kami sa shop ng Mama niya.

Summer passed by just like that, mas naging madalas kaming makita ni Esai na magkasama, hindi ko na rin naman pinapansin pa ang mga kakilala naming nagtutungo sa flower shop kapag naroon kami. That summer din, sinubukang suyuin ng Papa niya si Tita, hindi naman sila naghiwalay o ano pero hindi naman maitatanggi ang panlalamig nila sa isa’t isa lalo na kapag kasabay namin silang magdinner. Ang mga anak niya naman ay lumayo na ang loob sa kanya. Hindi rin naman masisisi ang mga ‘to.

“Bye, Ma, I love you too.”nakangiting saad ni Esai kay Tita. Hindi ko naman maiwasang mapangiti roon, kung paanong lumayo ang loob nito sa ama, ganoon naman ang paglapit ng loob sa kanyang ina.

“Ingat kayo!”sabi ni Tita at kumaway pa sa amin. It’s our first day sa school at sabay kami ni Esai. Well, pumapayag naman si Mama, basta si Esai ang kasama ko.

“Huwag mo na akong ihatid, huh?”sambit ko sa kanya nang makarating kami sa school.

“Bakit? Don’t tell me hindi mo nanaman ako papansinin?”nakataas kilay na tanong niya.

“Of course not, sabay kami ni Macy, nagtatampo na ‘yon sa akin. Bye na!”sabi ko at kumaway pa sa kanya. Kinawayan niya lang din ako, hindi ko naman na siya tinignan pa nang makita ko si Macy na naghihintay sa may tabi ni Manong Guard. Agad nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin ako sa kanya.

“Hala, you cut your hair?”nagpaboy cut ito! She’s pretty kaya kahit ano babagay sa kanya. Hindi ko naman maiwasang mamangha habang nakatingin sa kanya.

“Mas lalo kang gumanda.”nakangiti kong sambit kaya agad niya akong hinampas ng pabiro.

“Ugh, I know that, ehe.”sambit niya pa kaya nailing na lang ako.

Hindi kami halos nagkita nitong summer dahil nagbakasiyon siya sa new york ngunit kahit na ganoon ay madalas pa rin naman kaming mag-usap kahit paano’y updated pa rin siya sa buhay ko.

“Hoy, let me tell you my chika, so I met this girl in my Kuya’s house, you know I don’t get attract with girls but she’s a hot chick,”pagkukwento niya.

“I kissed her.”sambit nito kaya agad akong napatingin sa kanya.

“Hindi ba ‘yan isa sa mga pantasiya mo, Macy? Ang bata mo pa! Tigil mo ‘yan!”natatawa kong saad na pinanliitan siya ng mata.

“She’s minor din naman!”sambit niya pa kaya nailing na lang ako. Pinakinggan ko na lang ang kwento nito, minsan ay tinitignan ko siya na hindi naniniwala kaya natatawa na lang siya sa akin kapag naiisip niyang iniisip ko na binubuladas niya lang ako.

“’Yon na nga e, minor pa kayo parehas.”sabi ko na nailing sa kanya. Iniba na lang din naman niya ang usapan naming dalawa.

“How about you? Kwentuhan mo naman ako, sobrang dami niyong picture ni Esai together, kita ko sa post ng Ate niya!”sabi niya kaya pinagkunutan ko siya ng noo, kahit kailan talaga’y kung saan saan napupunta ‘tong si Macy. Minsan naisip ko na pwede rin itong maging imbestigador e.

“Hmm, wala naman kaming gaanong pinuntahan, madalas na nasa bahay lang nila o ‘di naman kaya’y sa amin.”sambit ko. Mapang-asar niya naman akong nginitian at maya-maya lang ay tinitusok na nito ang tagiliran ko para lang mang-asar.

“Tell me, you like him na no?”nakangisi niyang saad sa akin. Hindi ko naman na pinansin pa ang pang-aasar nito hanggang sa makarating kami sa classroom. Magkaklase pa rin kami ni Macy na siyang pinasalamatan ko.

“Destiny talaga tayo!”nakangiti niyang saad at humawak pa sa aking braso. Kung ano ano lang ang napagkwentuhan naming dalawa tungkol sa mga nangyari nitong bakasiyon.

Mabilsi lang din naman natapos ang araw sapagkat wala naman kaming gaanong ginawa at dahil na rin siguro wala naman kaming klase. Panay catching up lang ang naganap.

Agad ko namang kumurba ang ngiti mula sa aking mga labi nang makita ko si Esai na siyang nasa labas ng classroom namin habang nakikipagkwentuhan sa ilang nakatambay na senior high, well, medyo malapit na ang classroom namin sa isa’t isa. Nadadaanan ko na ang room nila kahit paano.

Kumaway siya nang makita ako kaya napalingon sa akin ang kanyang mga kausap. Hindi ko na rin naman pinansin pa ang mga tinginan nila.

“Let’s go home?”tanong niya sa akin nang makalapit.

“Hmm, I don’t think so, kukunin ko pa ang ilang libro ko.”sabi ko sa kanya kaya agad siyang tumango.

“Then let’s go.”aniya at kinuha ang bag sa akin. Kukunin ko na sana pabalik ngunit hindi naman siya nagpatalo. Ramdam ko ang tingin ng ilang schoolmate sa amin ngunit hindi ko na lang din ‘yon pinansin pa. Well, like he said. I don’t really have to mind them.

Naglakad naman na kami patungo sa staff room. Nagkwentuhan lang kami patungkol sa nangyari ngayong araw.

“Oh, then classmate mo ‘yong Ate ni Natalie?”tanong ko sa kanya, pinagkunutan niya ako ng noo roon.

“Who’s Natalie?”tanong niya naman na nagtataka. Nakalimutan kong hindi ko nga pala nabanggit na si Natalie rito. Nanlaki naman ang mga mata ko nang may maalala.

“Kayo na ba?”tanong ko sa kanya.

“Hindi kita gets.”sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapangiti sa paraan ng pagkakasabi niya.

“No’ng Grace, ‘yong classmate mo.”sabi ko dahil nabanggit niya ang section niya. Hindi ko naman sinasadyang marinig kay Natalie at Margaret na magkaklase raw ang dalawa. Nagtataka naman siya, hindi ko alam kung may kilala ba siya o niloloko lang ako nito.

“Who’s grace?”tanong niya naman.

“Aba’t ganyan ka ba kababaero para makalimutan ang niligawan mo noong nakaraan school year?”pabiro kong tanong dahil naalala ko ang pagsugod nila sa akin no’n. Well, it doesn’t really matter.

“I don’t know how court.”sabi niya at napanguso kaya naman napatitig ako sa kanya. Nanliliit pa rin ang mga mata habang nakatingin dito. Natawa naman ako ng mahina dahil mukha ngang nagsasabi siya ng totoo.

“And I don’t really know her?”naguguluhan niyang tanong.

Napakibit na lang din naman ako ng balikat dahil alam ko naman na hindi ito magsisinungaling, saka sa ilang buwan naming magkasama kahit kailan ay wala siyang nabanggit pwera na lang kung wala talaga siyang balak banggitin.

Maya-maya lang ay nakarating naman na kami sa loob ng staff room. Agad naman akong nginitian ng adviser ko at pinapasok.

“It’s fine, I’ll wait here.”ani Esai at nginitian lang ako. Tumango naman ako sa kanya bago ako sumunod sa adviser ko. Binigay niya lang naman ang mga list ng librong kukunin. Nagpaalam na rin ako kalaunan at nagtungo sa stock room.

Nang lumabas ako’y hindi ko alam kung matatawa o ano kay Esai na hindi ko alam kung binibilang ba ang mga letrang nakapaskil dito sa isang gilid. Kumurba ang ngiti nang lapitan ko siya.

“Tara na.”sambit ko kaya nilingon niya ako, sumunod naman na siya sa akin.

Hanggang sa makarating sa villa sure ay nagkukwentuhan lang kami patungkol sa kung ano. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.

“I like it when the sun is down and I’m with you, it remind me that there’s another day ahead.”aniya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Anong connect ko roon?”tanong ko naman na medyo natawa pa.

“Na masarap mabuhay?”tanong niya naman pabalik kaya nailing na lang at hindi siya tinignan.

“Or maybe I just like it when I’m you, bonus na lang ang senaryo.”sambit niya pa. Malakas ang tibok ng puso ko pero ganito lang ang normal na si Esai kaya hindi ko dapat bigyan ‘yon ng malisya. Iniba ko naman na ang usapan naming dalawa.

“I think it will be the last time na magsasabay tayo, balik nanaman sa dati, I need to go sa music academy and of course tutor. Naiisip ko pa lang nahihilo na ako.”reklamo ko sa kanya. I don’t know when pero ang sarap din pala talagang magrant ng totoo mong nararamdaman. Minsan ay naiisip ko kung paano pero madalas hindi ko namamalayan na nagkukwento na ako sa kanya.

“Then ask your Mom to stop sending you and you don’t really like it.”sambit ko sa kanya.

“As if naman papayag ‘yon, imposibleng makinig siya sa akin!”natatawa kong saad.

“Learn to tell your Mom things na hindi mo gusto.”sabi niya sa akin. Hindi naman ako sumagot dahil hindi ko naman alam kung paano ko ‘yon gagawin.

Nang ihatid nya ako sa bahay, dumeretso na agad ako sa aking kwarto para magpinta, baka maging abala na rin kasi ako sa mga susunod na araw. Pinaalala na nga ni Mama ang mga gagawin ko sa hapag, wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang tumango.

Kinabukasan, halos wala pa rin kaming ginawa sa school, pakilala lang dito kahit na kilala naman na namin halos lahat ng kaklase namin. Well, hindi naman din ako nagrereklamo dahil pamatay oras din ‘yon.

“Uuwi ka na? Sabay nanaman kayo ni Kuya Esai no?”nakangising tanong sa akin ni Macy. Napailing na lang ako sa mukha nitonv balak nanaman mang-asar. Hindi talaga nagsasawa.

“Nah, may music academy pa.”sabi ko naman.

“Pucha, kung hindi mo pa memorize mga instrumento, ewan ko na lang.”natatawa niyang saad kaya napatawa na lang din ako, funny dahil isang instrument pa nga lang, nag-sstruggle na ako ng sobra. Kinawayan ko na lang din si Macy at nagtungo na palabas.

“Hey,”nakangising saad sa akin ni Esai kaya pinanliitan ko siya ng mga mata.

“I told you si Manong Lito ang susundo sa akin ngayon, magpupunta pa akong academy.”sambit ko kaya napakibit siya ng balikat.

“I told Tita that I’ll be the one to drop you off.”aniya at ngumiti. Napailing na lang ako bago kinuha ang helmet mula sa mga kamay nito.

Nang makarating sa music academy ay agad niya akong hinarap kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Text me when you’re already done, susunduin kita.”aniya.

Shadow of PastWhere stories live. Discover now