Chapter 20

1.9K 67 2
                                    

Chapter 20
Asterin’s POV

Hindi ako nagsalita o ano dahil hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Baka mamaya’y may masabi pa akong mas lalo lang makakasakit sa damdamin nito. Kapag kinocomfort ko kasi si Macy, ang sabi niya’y yakap lang ay ayos na rin siya.

Nanatili lang kaming ganoon, hindi rin naman sya nagsalita, nanatili lang siyang tahimik, ni hindi ko man lang ‘to narinig na umiyak o ano. Maya-maya lang ay nang akala ko’y kalmado na ito, aalisin ko na sana ang pagkakayakap ko sa kanya nang mas hinigpitan niya ang pagkayakap.

“Can I ask for five more minutes?”mahinang tanong niya, pansin ko ang pagkabasag mula sa tinig nito. Hinayaan ko naman siya at tinapik lang ang likod nito. Nang kumalma na ito’y parang wala lang niya akong nginitian ang kalmado niyang mukha ay mababakasan pa rin ng galit.

“Do you want Ice cream?”tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung anong gagawin oara icomfort ‘to. Tumango naman siya sa akin bago kami nagsimulang maglakad patungo sa bilihan ng Ice cream dito sa kanila.

“I’ve never knew I needed a hug until you gave me.”pabulong niyang saad kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.

“You can ask me, if you need it.”sambit ko kaya napatawa siya ng mahina sa akin. Kunot noo ko naman siyang tinignan dahil do’n.

“I wish you were there..”aniya pa kaya kunot noo ko siyang tinignan.

“The time when I first saw him with a girl.”sambit niya, kumuyom pa ang kamao nito tila ba naalala ang unang beses na nakita niya ang Papa niya na may kasamang ibang babae. Paniguradong hanggang ngayon ay masakit at dala dala pa rin.

“I don’t know what to say but I’m listening.”sabi ko at nginitian siya ng tipid. Ngumiti lang din naman siya ng tipid bago napatingin na lang sa kalangitan.

“Still a fucking asshole.”dinig kong bulong niya.

“I thought he already changed, akala ko’y tutuparin ang pangakong hindi na makikipagkita sa iba.”aniya na mas humigpit pa ang pagkuyom ng kamao.

“But that’s fuck up, promises are meant to be crush.”nakatingin lang naman ako sa kanya habang nagkukwento ito.

“Do you know what’s more fuck up?”natatawa niyang tanong ngunit nakikita ko ang sakit mula sa kanyang mga mata.

“Me.”anito kaya naguguluhan ko siyang tinignan.

“I know all along but I still choose not to tell Mama, I don’t want to hurt her, I don’t want to hurt them. Ayos lang na ako na lang.”pabulong na saad niya kaya nilingon ko siya.

“Do you know that turning blind eye to injustice is like being accomplice of it? If you’re hurting right now? Think about the pain that will cause your Mom kapag nalaman niyang sinolo mo lang ang lahat. Tell them. If you’re waiting for the sign to say it. This is your chance, if things go wrong, you can run to me.”sambit ko sa kanya at bahagya pa siyang nginitian. Nakatingin lang naman ito sa akin. I don’t want to offend him or anything but it’s really wrong.

Bukod sa solo niyang dinadala ang lahat, may tiyansang hindi rin ‘yon mawawala sa isipan niya tila ba kasama na rin siya sa maling ginagawa ng Papa niya.

“You’re right, thanks for being my living sign.”sambit niya sa akin. Nginitian ko naman siya bago hinila papasok sa bilihan ng Icre cream, binilhan ko siya ng isang gallon dahil ‘yon lang ang available kaya nagtataka niya agad akong tinignan, natawa po ng mahina nang makitang may dala dala akong kutsara na binili lang din sa store.

“What’s that? You think I can eat that all?”tanong niya kaya umiling ako.

“Do you want to eat this here or do you want to eat this with Ate Elai, your choice.”sabi ko at nginitian siya. Napatingin naman siya sa akin dahil sa sinabi ko. Kita ko naman ang pag-iisip niya. I want him to talk to Ate Elai, I know she can comfort him nor comfort her but it’s his choice kung mas gusto niya namang minsanan na sabihin sa kanila.

“Don’t get me wrong, it’s your choice, kung mag-iipon ka pa ng lakas ng loob ay ayos lang din.”sabi ko dahil sino nga ba ako para makialam, hindi ba?

“Matagal na akong nakaipon, Elin.”pabulong na saad niya.

“I just know how to tell them.”sambit pa niya kaya napatango ako.

“I’ll eat with Elai.”aniya at ngumiti ng tipid sa akin. Tumango naman ako roon. Nagsimula naman na kaming naglakad pabalik ng bahay nila. Parehas lang kaming tahimik na dalawa. Walang kahit na sinong nagtangkang magsalita sa amin. Alam kong nag-iipon na ito ng lakas ng loob, tila malalim din ang iniisip nito kaya pinagmasdan ko lang siya.

“Hey,”hinawakan ko ang kamay niya nang nasa tapat na kami ng bahay nila at maglalakad pa sana ito. Napatingin naman siya sa akin dahil dito.

“We’re here.”sabi ko na hindi pa rin siya binibitawan.

“I know it’s hard but.. do it.. for your family and for yourself.”pabulong kong saad sa kanya.

“You can do it,”aniko at hinawakan pa ng mahigpit ang kamay niya, nginitian ko pa ito bago tinapik ang kanyang braso.

Pumasok naman kami sa loob ng bahay nila. Nadatnan namin si Ate Elai na siyang nanonood lang ng tv sa sala nila.

“Ano ‘yan? Ice cream? Nice! Pahingi!”nakangising saad ni Ate Elai bago niya kuhanin sa kamay ni Esai na siyang hindi alam kung paano magsisimula. Tinapik ko lang muli siya bago saka ko na sila iniwanan para makapag-usap na dalawa. Hindi ko alam kung paano sila mag-uusap but I hope na maayos nila ‘yon.

“Ano ba? You’re distracting me! Kanina ka pa buntong ng buntong hininga diyan!”sabi ni Ate sa akin at sinamaan ako ng tingin. Hindi ko naman maiwasang mapaiwas ng tingin dito. I really want their talk to end well.

“Sana kasi’y magkaiba na lang tayo ng kwarto! Hindi na sana ako sumama pa rito.”nakasimangot niyang saad habang nangangalumbabang nakatingin sa kanyang laptop, mukhang iritado rin ‘to na sumama pa siya.

Nanahimik naman na ako sa isang tabi at nanood lang din ng kung ano kahit na wala rin naman talagang pumapasok sa aking isipan, naiisip ko lang kung anong ng nangyayari sa usapan ni Ate Elai at Esai.

“Shut the fuck up, you’re iritating me!”nakasimangot na saad ni Ate, akala ko’y ako ang sinasabihan nito ngunit nakita kong nakatingin naman siya sa kanyang laptop, napailing na lang ako bago ako tumayo. Baka mamaya’y ako pa ang pag-initan nito ng ulo. Nang makalabas ako’y nagtungo lang ako sa bolkanahe para magpahangin, ayaw ko namang dumaan sa baba, baka nag-uusap pa sina Esai doon.

Napatingin naman ako nang makita kong lumabas si Ate Elai habang suot suot ang boxing gear niya. Hindi ko naman maiwasang mapatakbo patungo sa baba. Agad kong nadatnan si Esai na siyang nakatulala lang sa palusaw na Ice cream.

Naupo ako sa tabi niya, hindi lumikha ng anumang ingay sa takot na maistorbo ko ito. Nanatili lang ang katahimikan sa aming dalawa haggang sa basagin niya ‘yon.

“I’m scared..”pabulong na saad niya. Nilingon ko naman siya nang magsimulang magsalita. Sino nga bang hindi?

“I’m scared that I’ll be the one who’ll ruin our family.”aniya pa kaya agad ko siyang binalingan dahil sa sinabi. Agad ko namang hinawakan ang baba nito para tignan ang kanyang mga mata.

“You’re not the one who ruin it. You’re not the one who cheated. It was your father in the first place.”sambit ko pa.

“Don’t think that you’re the reason kung umpisa pa lang ang Papa mo na ang hindi nakontento, whatever happen, huwag mong sisihin ang sarili mo.”aniko habang seryosong tinitignan ang mga mata nito.

“Elai, knew all along..”sambit niya pa na nag-iwas ng tingin sa akin.

“That girl never shredded tears but I know deep down, she’s already hurt. She doesn’t want to hurt us. We decided to tell Kuya and Mama together.”pagkukwento niya sa akin. Napatango naman ako roon.

“I don’t want to tell you na ayos lang ‘yan because it’s not really fine but I want to tell you that I know na malalagpasan mo rin ‘yan, everything will be alright.”aniko at nginitian siya ng tipid. Nanatili lang naman siyang tahimik. I comforted him that night, hindi ko nga lang alam kung nagawa ko ba ng maayos dahil pakiramdam ko’y wala naman talaga akong nasabi.

The trip became really quite but I understand, parehas halos wala sa sarili si Esai at Ate Elai, altough they really tried their best para lang libangin kami. I know something is really wrong dahil hindi talaga pinapatulan ni Ate Elai ang ilang parinig sa kanya ni Ate.

“Thanks for the trip, Ate, Esai.”nakangiti kong pasasalamat sa kanila. Nginitian lang din nila ako ngunit kita ko ang konsensiya mula sa mukha ng mga ito.

“Pasensiya na kung hindi namin kayo naipasiyal ng husto, next time.”sabi nila at ngumiti pa sa akin. Agad naman akong umiling dahil dito.

“No, it’s actually fun po, salamat po sa pag-imbita.”sabi ko naman at tuluyan ng nagpaalam.

Kinamusta naman ni Mama ang trip namin pagkapasok sa bahay ngunit si Ate lang din naman ang sumagot. Umakyat na rin akonsa kwarto ko kalaunan. Kahit dalawang araw lang kami roon, pakiramdam ko’y sobrang dami rin talagang nangyari. I don’t actually know kung paano sasabihin nina Ate Elai at Esai ang nangyari but I wish them the best. Sana’y maging maayos ang lahat para sa kanila.

Inabala ko lang ang sarili sa pag dodrawing pagkalipas ng ilang oras at napagpasiyahan na ring bumaba para sa dinner. Nakita ko naman sina Mama na nasa hapag na rin, nakita ko rin si Tita Rosas na nandito ngayon sa bahay. Nagbuntong hininga muna ako bago naupo, alam kong sasabunin nanaman ako nito.

“Saan ka galing, Hija?”tanong niya sa akin.

“Sa kwarto po.”sagot ko naman kaya nginiwian niya ako.

“Wala ka ng inatupag kung hindi ang manatili riyan sa kwarto mo.”sambit nito. I don’t really understand them, bakit ba pati pananatili sa kwarto’y hindi rin maganda para sa kanila tapos kapag nasa labas ka naman ay sasabihin wala ka ng inatupag kung hindi ang maggala? Seriously? Saan ba ako lulugar?

Kung ano ano lang ang sermon na narinig ko mula kay Tita, imbis na kain na may halong sermon, sermon na may halong kain ang nangyari. Kahit mga hayop ay pinapakain ng payapa ngunit wala ata sa bokabularyo nila ‘yon. Tiniis ko na lang ang sermon na narinig mula sa mga ‘to ngunit nang matapos ay umakyat na rin ako. Nanatili lang sa kwarto hanggang sa alam kong wala na rin ito sa bahay.

She’s perfectionist, hindi ko naman magawang peperktuhin ang lahat kaya hindi ko rin alam ang gagawin. Hindi ko na ‘yon inisip pa ng maalala si Esai.

Ako:

Did it end well?

Hindi ko alam kung tama bang itanong ‘yon ngunit may pag-aalala rin talaga sa akin. Agad akong napatayo nang makita ang reply niya.

Esai:

Can I ask you a favor?

Ako:

Oo naman, ano ‘yon?

Esai:

Can you come downstair? I’m in front of your house.

Nanlaki ang mga mata ko roon at nagmamadaling lumabas ng bahay namin, napatitig naman ako kay Esai na siyang nasa gilid lang ng bahay namin. Agad ko sigang nilapitan dahil do’n.

“Can I hug you?”tanong niya sa akin. Kita ko ang bakas ng lungkot mula sa kanyang mukha. Mahigpit ko lang siyang niyakap.

“You did well..”pabulong na saad ko at hinaplos pa ang buhok nito.

“I’m sorry about that.”sambit niya bago lumayo sa akin. Umiling lang ako sa kanya habang nakatingin lang sa mukha nito.

“It broke my heart seeing my mom cry.”aniya at malungkot na ngumiti.

“Pero imbis na sarili ang isipin, kami pa rin ang una..”pagkukwento niya.

“I hate it.”saad niya pa habang nakakuyom ang kamao. Nakinig lang naman ako sa kwento nito, how much he hate it when her mom cries, he hate that his father cheated when he already have everything.

Hindi ko rin maintindihan kung bakit nagagawang mangaliwa ng iba dahil lang sa kanilang kasakiman, I don’t know kung paano nila nagagawang sikmurahin ‘yon. Tito already have a really great wife, paanong nagawa niya pang maghanap ng iba? We stay up all night dahil mukhang ayaw pa rin nitong umuwi. I’m wiiling to listen kahit anong oras pa kami abutin.

“Thank you..”bulong niya.

“Thank you for listening and being here with me.”sambit niya at nginitian ako ng tipid.

Shadow of PastDonde viven las historias. Descúbrelo ahora