Chapter 43

1.7K 71 1
                                    

Chapter 43


Asterin's POV



Nang makarating sa hotel na pagdadaluhan ng event, agad akong sinalubong ng media. Malapad naman ang naging ngiti ko habang maayos na pinustura ang sarili, talagang makukurot ako ni Trinity kung hindi ko aayusin.



"Who made your gown, Ms. Endrano?"tanong nila sa akin.



"Hmm, as usual the one and only, Trinity El."nakangiti kong saad. Nagtanong pa sila ng details tungkol dito, sinabi ko lang naman lahat ng pinamemorize sa akin ni Trinity.



"How about Mr. Harvee, Ms. Ae, hindi mo ba kasama?"tanong nila.



"Anong masasabi mo na gusto ka ni Mr. Gallejo?"ang mga tanong nila'y hindi na tungkol sa event kaya naman hindi ko na sinagot at nauna na akong nagtungo sa loob. Iginiya naman ako ni Mama Ella.



Pagkapasok pa lang mayroon nang sumasalubong sa akin. Malapad ang naging ngiti ng isa rin sa mga kilalang artista, kilala bilang playboy.



"Ang ganda mo talaga,"nakangiting saad ni Henz. Iniwasan ko naman ang mapangiwi sa paraan ng pagtingin niya sa katawan ko, he sensually look at me, nakakairita. I excuse myself ngunit bago pa ako makaalis ay nahawakan niya na ang palapulsuhan ko, iritado ko siyang tinignan.



"Ang ganda mo sana kaya lang ay isnabera ka."sabi niya ng natatawa kahit wala mamang nakakatawa. Tinignan ko naman siya at pinagkunutan ng noo. Parang gusto ko na lang umalis agad dahil sobrang nakakapagod na kahit umpisa pa lang lalo na ng dumating si Harvee.



"Sinundo kita, wala ka na pala sa inyo."nakangiti niyang saad bago inalis ang kamay ni Henz sa kamay ko. Napapikit na lang ako dahil nasstress na kaya ayaw kong magtungo rito, bukod sa nakakapagod makipagplastikan, mag-uuwi lang ako ng iritasiyon sa bahay.



"Bitaw."inis kong saad kay Harvee kahit na malapad ang ngiti sa mga bumabati sa akin. Tumawa naman siya roon.



"Tinulungan kita, magpasalamat ka."pabulong niyang saad sa akin. Inis ko lang 'tong siniko, wala naman gaanong media dito sa loob at paniguradong na kay direct ang atensiyon ng mga 'yon. Depende na lang kung may mangyaring kung ano.



Malapad ang ngiti ng mga tao sa isa't isa, parang hindi napapagod. Parang tanga namang nakabuntot lang sa akin ni Harvee habang naglalakad ako, may nga kaibigan pa siyang artista na binati. Binati naman nila ako, tipid ko lang silang nginitian, kita ko kung paano ang tingin sa akin ngunit nakangiti rin naman, sadyang nakikipagplastikan lang.



"Uyy, hi, Ms. Ae,"sabi ng isang maamo ang mukhang si Jana. Pamilyar ito, siguro nakita ko na rin sa isa pang event.



"Nice to meet you po,"nakangiti niyang saad at naglahad ng kamay. Nginitian ko rin siya pabalik bago kinamayan.



Narinig ko pa ang sinabi no'ng isang nakatrabaho ko na nang magpaalam akong tutungo sa table nina Direct para batiin 'to.



"Sabi sainyo e, akala niyan sa kanya umiikot ang mundo, masiyadong bida."natatawang saad nito. Hindi ko naman na rin pinasunod pa si Harvee. Baka nga. Baka hindi nga lang talaga ako marunong makisama.



"Ate!"napatalon naman ako sa gulat nang may bata sa unahan ko. Umupo ako kahit na nakagown para pantayan ito. Napangiti ako sa kanya. Nakakamiss ang mga bata sa orphanage, gusto kong bumisita muli. Magpapasched ako.



"Hello, what's your name?"nakangiti kong tanong sa kanya.



"Hmm, I'm Dafne! I really like you po, you're so pretty!"nakangiti niyang saad at may iniabot pang isang box. Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil do'n.

Shadow of PastWhere stories live. Discover now