Chapter 11

2K 85 10
                                    

Chapter 11
Asterin’s POV

Hinila ko lang ang kamay ko at naglakad paalis kahit nanlalabo ang mga mata dahil sa luha. Tahimik lang siyang nakasunod sa akin kaya hindi ko na lang din pinansin. Pinigilan ko naman ang luha ko nang makasakay sa bus. Tahimik lang si Esai na nakaupo rin sa tabi ko. Hindi siya nagtanong o ano. Hindi ko na lang pinansin ang presensiya nito.

“North Cemetery.”sabi ko kay Manong na siyang tinatanong ako kung saan ang baba. Tumingin lang siya sa akin nang matagal ngunit tumango lang din naman kalaunan.

Napatingin ako kay Esai nang iabot niya ang panyo niya. Tahimik ko lang ‘yon na kinuha bago ako nanatiling nakatingin lang sa salamin. Pinipigilan ang ano mang emosiyon na nararamdaman. Nang makarating sa north cemetery, siya na mismo ang pumara. Nakasunod lang siya sa akin habang naglalakad ako. Unti-unti naman nang nagsitulo ang luha ko nang alam kong wala ng makakakita pa sa akin lalo na nang makarating ako sa puntod ni Lola. Walang humpay ang pagtulo ng mga luha ko at mas lalo pa ‘yong lumakas.

“Lola..”para akong batang nagsusumbong sa magulang nito ngayon.

“Lola, sobrang unfair ni Mama no? Why would she even do that? I know I was wrong, sana’y nag-aral pa ako, sana ginawa ko lahat para malagpasan si Ate but what can I do? Lola.. she ruin my painting,”mas lalo pa akong naiyak habang nagpatuloy sa pagkukwento kay Lola. Ang mga luha ko’y parang isang ilog, patuloy lang sa pag-agos.

“Ang tagal kong ipininta ‘yon, Lola.”umiiyak ko pang pagsusumbong. Ang paghikbi ay mas lalo lang lumakas. Para akong bumalik sa pagkabata na iyak lang ng iyak sa harap ng puntod ng kanyang Lola.

“Why would she do that? She knows how much I love to paint..”sabi ko pa at patuloy na pinupunasan ang luha ko.

Nagsusumbong lang ako tungkol do’n kay Lola at alam kong paulit ulit na rin ako. Kumalma rin naman ako kalaunan. Tahimik at tulala lang ako nang maupo sa isang gilid. Hindi pa rin nagsasalita si Esai halos hindi ko na nga namalayan na nandito pa rin siya. Naghari ang katamikan at ang maririnig lang ay ang pag-ihip ng hangin.

“Can you call me instead?”napatingin ako kay Esai nang sambitin niya ‘yon. Umupo pa siya sa tapat ko bago at tipid na ngumuti habang pinapahid ang luhang kalat kalat pa rin ata sa mukha gamit ang dalawang hinlalaki niya.

“When things doesn’t go in the way that you want it to be, can I be that person that you can share your problem with?”tanong niya habang nakatingin lang sa aking nga mata. Hindi ko naman magawang sumagot. Tumayo siya bago nagtungo sa harap ng puntod ni Lola.

“Good evening, Madame, I know you’ll probably hate me but can I be your replacement? I want to be the first person she’ll think about when her darkess day are present.”aniya.

“I want to comfort her, I know you also wanted to..”sabi nia pa, nakatingin lang naman ako sa kanya. I don’t really know what to feel, I’m scared. I hope it’s true, baka kasi biglang sa una lang pala magaling, sa una lang pala lahat. I don’t even know why would he want to help me, I’m just no one.

But maybe, I also want someone to listen to me, edi sana noong una pa lang ay tinaboy ko na ito, sana’y hindi ko na siya hinayaan pang sumunod sa akin at makinig sa mga sinabi ko kay Lola, hindi ba? Maybe part of me really want him to be that person. Nakatitig lang ako sa kanya habang kinakausap niya ang Lola ko. Maya-maya lang ay bumalik na rin siya sa tabi ko. Parehas nanaman kaming natahimik na dalawa.

“Thank you.”pambabasag ko ng katahimikan naming dalawa.

“Thank you for being here with me today,”pabulong ko pang saad. Hindi naman siya nagsalita, ramdam ko lang ang titig niya sa akin mula sa gilid ko.

“Want to eat some sweets today? They said it can help you to feel fine..”nakangiti niyang anyaya sa akin. Matagal ko lang naman siyang tinignan bago dahan dahang tumango. I just don’t want to go home. Kahit saglit lang.

Tumayo na rin naman kami kalaunan. Saka lang din ako nakaramdam ng takot nang palabas na kami ng sementeryo, hindi dahil sa multo, masiyado lang nakakatakot dito dahil sa dilim, baka mamaya’y mangyari pang krimen o ano.

“If you really want to go here at night, please just bring someone with you, it’s too dangerous.”sabi niya, napatango lang naman ako, well, pangalawang beses ko ng nagtungo rito ng gabi at umiiyak. Noong unang beses nga lang ay mas malamig. Mas masakit. Maybe because I don’t have someone with me that time, I don’t know. Ayaw ko ring masanay dahil baka biglang dumating ‘yong araw na talikuran din ako nito. Ayaw ko lang maranasan ulit.

“Do you hear me, Elin?”tanong niya pa sa akin. Tumango lang naman ako. Pinapanood lang ako ng mga mata nito kaya nailing na lang ako sa kanya.

“Stop looking at me like that.”sabi ko kaya iniwas niya na lang ang tingin sa akin.

Naghintay lang kami ng dadaan na masaskyan dito. Nang may dumaan na jeep, doon na kami sumakay ni Esai. Tahimik lang kaming dalawa. Maya-maya lang ay nakarating din kami sa Scoop In a Cone Ice Cream Shop. Napatingin naman ako kay Esai na siyang ngitian lang ako bago niyaya sa loob. Pakiramdam ko’y mas marami pa siyang alam na kainan and some places dito kaysa sa akin.

Nagtungo na rin naman kami papasok sa loob, tinanong niya lang naman ako kung anong gusto ko.

“Green tea.”sabi ko at turo do’n, well, when he gave me that drink, gustong gusto ko na ang lasa no’n. Masarap naman kasi talaga.

“Thank you..”sambit ko nang iabot niya na sa akin ang Ice cream. Nginitian niya lang ako bago naupo sa tapat ko. Tahimik lang naman akong kumain. Napatingin naman ako sa kanya na hindi rin naman nagtanong ng kung ano, tahimik lang din niya akong hinahayaan na kumakain and that’s really comforting.

“Do you feel little bit good now?”nakangiti niyang tanong sa akin nang matapos kaming kumain na dalawa. Dahan dahan naman akong tumango sa kanya at ngumiti.

“Yeah, thank you..”sambit ko. Nagligpit lang naman kami bago tumayo.

“You won’t ask anything?”tanong ko sa kanya.

“It’s up to you, if not telling me anything is what can make you comfortable. It’s fine.”sabi niya na nginitian pa ako. Napatango naman ako roon. Part of me want to say something but I don’t want to disappoint myself.

“I don’t know, ako naman ang mali e, I didn’t do what they expect me to do..”pabulong na saad ko. I ended up saying something. Para bang handa kasi siyang makinig sa kung ano mang sasabihin ko. Tila maluluha nanaman ako habang nagkukwento sa kanya. Bago kami makasakay sa bus, nginitian niya ako bago ginulo ang buhok ko.

“You did well, Elin. When you know that you did your best, don’t forget na puriin mo rin kahit minsan ang sarili. Tell yourself that you’re proud of your own.”sabi niya at nginitian ako bago hinila papasok sa bus. Napatitig lang din ako sa kanya dahil do’n. Tahimik naman na ako hanggang sa makauwi kami sa villa sure.

Inihatid niya lang ako patungo sa bahay kahit na sinabi ko na rin sa kanya na huwag na.

“Salamat..”pabulong na saad ko. Natigilan ako nang makita si Mama na siyang nakaabang din dito sa tapat ng gate.

“Thank you, Esai..”sabi ni Mama. Akala ko’y pagagalitan pa ulit ako nito ngunit hinayaan niya rin naman akong pumasok sa loob ng bahay namin. I thought doon na nagtatapos, kumatok ito nang makapag-ayos na ako at mahihiga na sana sa kama.

“Po?”tanong ko nang buksan ang pintuan.

“You’ll start going to a an extra class tomorrow. Quit your painting class.”sambit niya sa akin. Napahigpit naman ang paghawak ko sa pintuan.

“You’ll have your tutor after that.”aniya pa. Tumango lang naman ako, sa takot na rin na hindi lang isang pinta ang masira nito, baka buong pagkatao ko’y tuluyan na ring magkawatak watak.

Nang umalis siya’y bagsak lang ang balikat kong nahiga sa aking kama, napatitig naman ako sa mga painting ko. It was already part of me. I don’t even know if I can continue to paint lalo na kung tototohanin nga ni Mama ang gusto niyang mangyari.

She’s true to her words, kinabukasan ay sinundo ako ni Manong Lito na hindi niya naman kadalasang ginagawa dahil madalas na si Ate lang ang pinapasundo nila, kami but the thing is madalas akong huli ng umuuwi dahil sa pagpipinta.

“Ayos ka lang ba, Asterin?”tanong sa akin ni Manong Lito. Ngumiti lang ako ng tipid bago ako tumango. Maya-maya lang ay nakarating kami sa music academy.

“Good afternoon, Ms. Guanzon.”nakangiting bati sa akin ng isang trainor. Tipid lang naman akong ngumiti sa kanya. Tinuro lang nito ang ilang basic pagdating sa piano. Hindi ko alam kung paano ko nagawang ipasok sa utak ko ‘yon. Ni hirap hirap pa nga ata ‘tong turuan ako.

Nang matapos kami’y nakaabang lang din si Manong Lito sa labas. Inihatid lang ako nito sa bahay. Katulad ng sabi ni Mama’y nandito nga ang tutor na sinasabi niya. Parang gusto ko na lang agad matulog dahil sa pagod. Para akong lantang gulay na pilit pinapasok sa kokote ang mga inaral. Ganoon lang ang nangyari makalipas ang ilang linggo, maski nga ang usapan namin ni Ate Elai ay hindi ko na rin nagawang siputin dahil sobrang naging abala lang sa lahat.

“Ano ba ‘yan? Hanggang ngayon ba’y diyan ka pa rin, Asterin? Isang araw lang ay natutunan ko na ‘yan!”natatawa pang saad ni Ate nang makitang nagsisimula akong magpiano rito sa bahay dahil ‘yon ang gustong mangyari ni Mama, gusto niyang makita ang improvement ko ngunit maski ako’y walang makitanh kahit na ano sa akin.

Huminto naman ako do’n at bahagya pang napatingin kay Ate. Yeah, that’s right, Asterin, ang Ate mo nga’y isang araw lang natutunan ‘yan, paano naman ikaw? Ganoon ka ba talaga katanga? Ganyan ka ba kahirap turuan? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

“Sorry po..”hingi ko na lang ng tawad dahil hindi ko nanaman nagawa ng tama ang simpleng bagay. Naalala ko naman ang sinabi ni Esai, paano ko nga ba pupuriin ang sarili ko kung hindi naman ako kapuri puri?

“Good evening, abalang abala ata kayo.”napatingin naman kami kina Tita Demi na mukhang pinapasok na ng mga katulong dito sa loob.

“Hindi naman.”natatawang saad ni Mama at agad na nakipagbeso kay Tita Demi.

“Oh, nandito ka ngayon, Asterin!”nakangiti niyang sambit.

“Madalas ay abala ka sa pag-aaral o ‘di naman kaya sa academy mo.”nakangiting saad niya pa sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kanya nang tipid, nakita ko naman si Esai na nasa gilid niya, ngayon ko na lang ulit ‘to nakita, madalas nga kasing maaga na akong umuwi, nadagdagan din kasi ang oras ng klase nila. Kapag bumibisita sila’y madalas din na nandito ang tutor ko. Speaking of my tutor, tumayo na ako at nagpaalam nang makita ko na itong nandito na rin.

Sumunod lang ako sa study room, masungit si Mrs. Mercado na kapag may mali lang akong isa’y talagang sasabihin niya na kay Mama kaya wala rin akong choice kung hindi aralin ang mga ‘yon kahit na nasa school na. Nang matapos kami’y anong oras na rin, wala na sina Tita Demi sa bahay, nang kumain ako’y mag-isa ko na lang din sa hapag.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako naglakad sa aking kwarto. Napatingin naman ako sa cellphone ko nang may mensaheng natanggap.

Esai: Incase no one told you today-- you did well, Elin. Sleep tight..

Hindi ko naman na namalayan ang pagtulo ng luha dahil lang sa napakasimpleng mensahe natanggap mula rito.

Shadow of PastWhere stories live. Discover now