Chapter 22

1.6K 58 0
                                    

Chapter 22
Asterin’s POV

“Ano? Kaya pa?”natatawang saad ni Esai nang makita niyang hingal na ako, pinagbukas niya naman ako ng tubig. Agad ko namang kinuha ‘yon sa kamay niya. Pinapanood lang naman ako nito habang umiinom. Sinamaan ko rin siya ng tingin kalaunan.

“Aba’t ang sabi mo jogging lang!”reklamo ko at naghahanap ng mauupuan.

“Uhh, pahinga na agad? Kauumpisa lang natin.”natatawa niyang saad ngunit inirapan ko siya.

“Tigilan mo ako, ang usapan jogging lang pero kung makatakbo ka akala mo’y ninakawan.”sabi ko kaya natawa siya ng mahina.

“Fine, jogging lang.”sambit niya kaya napairap ako bago tumayo. Imbis na jogging ang gawin namin ay naglakad lang kami dahil kaunting jogging lang ay pagod na agad ako, tumatakbo naman siya, lalagpasan ako ngunit maya-maya lang ay pabalik na sa akin. Sinabayan ko na lang din siya kalaunan dahil ayaw ko naman na siya lang ‘tong nag-aadjust sa akin.

Natigil naman ako sa pagtakbo nang mapatingin sa papasikat na araw, hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit paano’y worth it naman ‘tong paggising ko ng maaga.

“Awwe, I wish I brought my camera. I want to capture this moment.”sambit niya na huminto rin saka tumabi sa akin.

“Remember asking me why do I like photography?”nakangiti niyang tanong habang nakatingin lang din sa araw.

“Hmm, yeah, you said you like capturing things.”sabi ko at ngumiti rin.

“Hmm, that’s right. I want to capture good things that life has to offer, maybe I also like it when I look at different angle not just the front of the box but instead every part of it. It make me understand different perfective, it help me connect with people surrounds me. ”sambit niya, nakikinig lang naman ako at napangiti na lang din. He’s observant type of person, mas madalas na nagmamasid lang kaysa nakikipag-usap sa iba.

“Just like you, it’s lile a therapy for me, it helps me forget things that’s not really important in my life.”aniya pa kaya napangiti ako.

“It’s like the other half of you din no? That’s why hindi mo rin mapigilan si Ate Elai.”nakangiti kong saad, natawa naman siya roon at napakibit lang din ng balikat sa akin.

“Kahit pigilan ko pa ‘yon, ‘di makikinig, kina Mama nga hindi, sa akin pa kaya.”natatawa niyang saad kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. Bumalik na rin naman kami sa pagtakbo kalaunan nang matapos naming panoorin ang tuluyang pagsikat ng araw. Nagpaalam na rin ako sa kanya nang ihatid niya ko sa bahay.

“Mukhang napapalapit talaga kayo ni Esai,”puna ni Mama na siyang nasa may bungad ng bahay namin. Mukhang kakatapos lang tumawag sa kung kanino. Hindi ko naman alam ang sasabihin kaya hindi na lang din ako sumagot pa. Hindi na rin naman ako inusisa pa ni Mama, hinayaan niya lang din akong pumasok sa loob ng kwarto.

Nagpahinga at naligo lang ako bago ako lumabas ng kwarto.

“Asterin, saan nanaman ang punta mo?”tanong ni Mama nang makita niya akong palabas na ng bahay. Balak kong magtungo ngayon sa bahay nina Lola para bumisita.

“Kay Lola lang po.”sambit ko naman kaya agad niya akong pinagkunutan ng noo.

“Saka ka na bumisita, kita mong naghahanda na para sa birthday ng Ate mo.”aniya kaya naman napatango na lang ako. Wala naman akong choice kung hindi ang sumunod.

They are already busy for my Ate’s birthday party, mag-18 na ito kaya naman talagang engrande ang lahat kahit na ilang buwan pa naman bago ang birthday niya.

“Sumama ka na rin at magpasukat ng damit.”sabi niya kaya napatango na lang ako. Nakasunod lang naman ako sa kanila nang magtungo kami sa designer. Inip na inip naman ako habang naghihintay kaya inabala ko na lang din ang sarili sa pagsulyap dito sa paligid. Napakagat naman ako sa aking labi nang ibinibigay sa akin no’ng staff nila ang mga gamit ni Ate, akala ata’y katulong ako nito.

“What are you doing? Ganito ba kabastos ang mga empleyado niyo rito?”galit na tanong ni Mama tila ba nainsulto sa ginawa ng staff. Ganito talaga kapag may pangit kang anak. Nanlaki naman ang mata no’ng staff na nagtungo sa akin. Agad siyang pinagalitan ng palihim no’ng manager nila at dali daling lumapit kay Mama.

“Pasensiya na po, Ma’am, bago lang po kasi.”sabi nito ngunit nanatili ang mukhang anytime ay aalis na si Mama.

“It’s not an excuse—“nahiya naman ako kaya bahagya kong hinila ang laylayan ng damit ni Mama. Mas lalo naman kumunot ang noo nito.

“It’s fine kaya ko naman pong hawakan.”sabi ko kaya mas lalo lang siyang nairita sa akin. Ang ending tuloy maski nang makauwi kami’y ako pa ang pinagalitan, kasalanan ko bang nagluwal siya ng pangit na anak? Hindi ko alam kung matatawa o masasaktan ba ako sa naiisip.

“Hindi na tuloy ako nakapili pa ng ibang design.”iritadong saad sa akin ni Ate. Napakagat na lang ako sa aking mga labi dahil alam ko naman kasalanan ko rin, iiritado na rin kasi si Mama nang nandoon kami kaya wala kaming nagawa kung hindi ang tansyahin ang kilos niya.

“I already contact Trinity, she’ll be your designer.”sabi ni Mama kaya nanlaki ang mga maya ni Ate.

“As in ‘yong sikat na sikat na designer ngayon, Mama?”tanong ni Ate. Tumango naman si Mama kaya mas lalong natuwa si Ate. Nakinig lang naman ako sa usapan nila. Hindi ko naman kilala ang designer na ‘yon kaya napakibit na lang ako ng balikat.

Sa bahay na rin sila magsusukatan kaya naman nagtungo na muna ako sa kwarto dahil matagal pa ‘yon lalo na gusto ni Ate na detalyado ang gown niya. Nagsimula naman na akong magdrawing. Well, may use din naman ang pagsama ko roon sa designer na pinuntahan namin dahil nakaisip ako ng magandang scene para sa aking comics. Ni wala pa ako sa kalahati nang kinakatok na ako nina Manang.

“Ma’am, pinapatawag na po kayo ng Mama niyo.”sabi nito. Tumango naman ako at lumabas na ng kwarto. Nagtungo naman na ako sa baba.

Nasulyapan ko naman ang designer ni Mama, hindi ko naman maiwasang pagmasdan ang damit nito. Talagang mamangha ka kahit napakasimple lang no’n, kung hindi mo kasi pagmamasdan ng mabuti, hindi mo makikita ang details ng damit niya. Pinagtaasan naman ako nito ng kilay nang makitang nakatingin sa kanyang damit.

“You have a great eyes, huh?”nakangising saad nito sa akin.

“Is this your daughter, Madame Niela?”nakangiting tanong nito kay Mama. Tumango naman si Mama.

“She’s pretty.”sabi nito kaya hindi pa maiwasang mapangiwi, hindi ko alam kung gusto lang bilugin ang ulo ni Mama o nambobola lang talaga.

Siya rin ang magdedesign ng susuotin ko kahit ayos lang naman sa akin kahit ‘yong mga dating damit na lang. Naging abala lang din naman sila sa bahay sa araw na ‘yon, marami rin kasing gusto si Ate na design. Samantalang ako naman ay nakikinig lang sa usapan nila kahit inip na inip na rin dahil gusto ko na talaga magtungo sa kwarto.

Kinabukasan, magkasabay ulit kami ni Esai na nagtungo sa school, katulad ng dati’y hinatid niya lang din ako sa classroom namin, kinawayan ko lang din naman siya bago pumasok sa silid.

Bago pa ako tuluyang makapasok ay napakunot na ang noo ko nang makita si Natalie na siyang nakaupo sa aking upuan. Bago pa ako nakapagsalita’y pinagtaasan niya na ako ng kilay.

“Well, well, here you are.”nakangisi niyang sambit at nangalumbaba pa akong tinignan. Napabuntong hininga na lang ako dahil ito nanaman siya.

“Alam mo na ba ang chika, Girl? Huwag kang gaanong umasa kay Kuya Esai. Sila na no’ng transferee sa section nila.”sabi niya pa sa akin kaya tinignan ko naman siya. Nailing na lang ako roon, ano naman?

“I didn’t ask, now, if you may excuse me.”maayos ang pagkakasabi ko no’n, hindi naman ako tunog na nakikipag-away. Nginiwian niya naman ako bago padabog na tumayo.

Hindi ko naman maiwasang mangalumbaba nang maalala ang sinabi nito, sino namang transferee? Hmm, walang nabanggit si Esai but the thing is kailangan nga bang banggitin sa’yo lahat, Asterin?

Halos mapatalon ako sa gulat nang hawakan ni Macy ang balikat ko. Tawang tawa naman siya nang makita akong gulat na gulat.

“Ano ba, Macy?!”Inis kong sigaw sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

“Ang lalim nanaman kasi ng iniisip mo!”natatawa niyang saad para namang hindi pa nasanay sa akin.

“Macy...”tawag ko sa kanya kaya naman pinagtaasan niya ako ng kilay.

“Kilala mo ba ‘yong transferee sa stem?”tanong ko sa kanya. Agad nanlaki ang mga mata niya kaya nagtataka ako.

“Asterin… nilalagnat ka ba, te?”tanong niya at inihawak pa sa akin ang kanyang mga kamay. Napailing naman ako dahil do’n.

“Ewan ko sa’yo.”sambit ko at nag-iwas ng tingin.

“Talaga bang si Asterin ka? Aba’t kailan ka pa nagkaroon ng interes sa buhay ng iba?”natatawa niyang tanong at naupo pa sa tapat ng upuan ko.

“Maraming transferee doon ngayon, ‘yong pogi ba?”tanong niya kaya umiling ako.

“Ahh, si Crisha?”tanong niya sa akin. Nagkibit naman ako ng balikat dahil hindi ko maman alam kung sino roon.

“’Yong madalas bang kasama ni Kuya Esai ngayon?”tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya roon. Agad lumapad ang ngisi ni Macy sa akin dahil sa pinapakita kong interes. Nginiwian ko naman siya dahil do’n.

“Kaya naman pala interesado, tungkol pala kay Esai.”natatawa niyang sambit kaya naiisip ko na maling desisyon talaga na tanungin ko ito. Hindi ko na lang pinansin pa ang pang-aasar niya at nangalumbaba na lang habang nakatingin sa harapan.

“I didn’t tell you kasi akala ko alam mo, mahilig din ata ‘yon sa photography kaya nagkakasundo raw sila ni Kuya Esai, saka sure naman ako wala lang ‘yon.”sabi niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay, hindi ko alam kung pinapagaan niya ba ang loob ko o ano.

“Bakit mo pala natanong? Selos ka no?”nakangisi niyang tanong. Alam ko na agad na mang-aasar nanaman ‘to.

“Hindi. Bakit ako magseselos?”tanong ko na nailing na lang. Laking pasasalamat ko rin ng dumating ang guro namin, atleast hindi na makakarinig pa ng pang-aasar kay Macy.

I didn’t really like to look around, madalas ay focus lang ako sa sarili kong business but when I did saka ko lang din napagtanto na talaga ngang totoo ang sinasabi nila, malapit nga si Esai at ‘yong transferee. Ang porselanang balat nito’y parang kay lambot. She also have the body. Maski ang mukha nito’y para bang kay amo.

Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa reflection ko rito sa salamin, napangiwi ako habang tinitignan ang sarili. Ang mga bintana kasi ng school ay parang salamin lang din.

“Hey,”halos mapatalon naman ako sa gulat nang makita si Kuya Mave na siyang nasa likod ko. Saka ko lang napagtanto na nasa tapat pala ako ng art room.

“Good morning po, Kuya.”bati ko sa kanya nang makita.

“Anong ginagawa mo riyan?”natatawa niyang saad dahil nakatapat lang ako rito sa last room, malapit sa field.

“Wala lang po, napadaan lang.”sabi ko kaya agad niya akong nginitian.

“I told you, you’re still welcome here,”aniya at malapad pang ngumiti sa akin. Napasulyap pa ako isang beses kina Esai, nanlaki ang mga mata ko nang makitang napatingin siya sa gawi ko. Sa sobrang kaba, tila ba may ginawang masama, agad akong nag-iwas ng tingin na siyang pinagsisihan ko. Sana pala’y nginitian ko na lang ito.

“Tara.”nakangiti niyang pag-aanyaya sa akin. Tumango lang din naman ako at sumunod sa kanya sa pagpasok lalo na’t nang sumulyap ulit ako sa gawi ni Esai, hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin.

“Miss ka na ng art room.”natatawang saad sa akin ni Kuya Mave, hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil do’n. I also miss this. Hindi na kasi ako nakabalik simula noon, gusto ko ulit subukan kaya lang natatakot ako na malaman ni Mama, hindi naman niya ako pinagbabawalan o ano pero nakakatakot na kapag nalaman nito’y maulit nanaman ang paninisi niya rito kapag bumagsak ako o ano.

“Want to come back here? You’re always welcome.”sabi niya pa at ngumiti sa akin. Ngumiti lang din ako pabalik. Gusto ko. Gustong gusto.


Shadow of PastOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz