Chapter 47

1.8K 65 2
                                    

Chapter 47
Asterin’s POV

Pinagbuksan ko naman ng pinto si Esai, aalis kami ngayon at balak kausapin ang may-ari ng bahay ni Lola. Sasamahan niya ako. Nagpaalam naman na kami kay Mama Ella na hinayaan lang kami.

“You won’t really file a case to that guy?”pangungulit niya. Ilang araw niya ng tinanong ‘yon.

“Huwag na, hayaan mo na. Baka ikaw pa ang pag-initan.”sabi ko sa kanya.

“File a case if you’re just thinking about me.”seryoso niyang saad.

“That’s sexual assault,”seryoso niyang saad kaya napailing na lang ako.

“Hindi na, Esai, iisipin lang ng mga tao na nagsisinungaling ako lalo na’t pinapalabas naman na loveteam kami, natural lang ‘yon.”mas lalo namang dumaan ang inis sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

“Kailan ka naging natural ang sexual assault, Elin?”kita ko ang inis na sa mukha nito. Magsasalita pa sana ako nang makatanggap ng tawag mula kanino. Sinagot ko naman ‘yon, si Natalie ang tumatawag.

“Hello, Nat?”patanong na bati ko.

“Uyy, saan ka? Pauwi ka sa bahay? Dalhan mo rin ng pasalubong sina Mama! Babayaran na lang kita, hehe!”sambit niya at tumawa pa. Napailing na lang din ako at natawa rito.

“Oo, nakahanda na, triple ang bayad nito.”sabi ko naman kaya natawa siya. Iniba ko na rin naman ang usapan namin ni Esai kahit alam kong gusto niya pang ituloy ang usapan tungkol sa pagpafile ng kaso kay Harvee. Madalas nga akong hawakan nito without my consent. Nakakadiri.

Pero hindi ko naman gustong madawit ang pangalan ko sa ano mang issue dahil baka imbis na kampihan ako ng agency, sa lalaki pa kumampi ang mga ito. Sobrang fuck up pa man din ng media, kapag nagsalita ka’y baka ikaw pa ang masama. Ikaw ‘yong malandi at sasabihin pang siguradong ginusto rin naman. Ang pangit ng mindset. Kailan ba ginustong mahipo o ‘di naman kaya’y hawakan ng without your consent?

Iniwasan ko na lang din na isipin pa ‘yon, naiinis lang ako. Nakipagkwentuhan lang ako kay Esai kahit pansin ko ang malalim na pag-iisip nito. Magtatanghali na rin nang makarating kami sa tapat ng bahay ni Lola. Hindi ko naman maiwasan ang pagngiti habang pinagmasdan ito. Kung paano namin ‘to iniwan noon, ganoon na ganoon pa rin.

“Let’s go inside.”anyaya ni Esai sa akin.

“Hmm, hindi ba natin hihintayin ang may-ari?”tanong ko sa kanya.

“The owner is already here.”sabi niya kaya napatango naman ako at sumunod sa loob, hindi ko naman mapigilan ang pagngiti habang pinagmamasdan ang malinis na bahay ni Lola kaya lang ay hindi na sa kanya ngayon. Hayaan mo, La, bibilhin ko po ulit.

“Wala pa ring pinagbago, buti’t hindi pinarenovate ng owner? Nasaan na ba?”tanong ko kay Esai.

“The owner is here.”sabi niya at iniabot sa akin ang ilang papeles. Natigilan naman at napatitig pa roon. Nakita ko pa ang pangalan ko kaya nanlalaki ang mga mata ko na binalik ang tingin kay Esai.

“What’s this? I don’t remember buying this house!”hindi ko mapigilang bulalas.

“Hmm, I brought this years ago, I don’t know how to tell you…”sabi niya na napakamot pa sa likod ng kanyang batok. Napatitig lang naman ako sa kanya.

“I don’t think na matatanggap ko ‘to, Esai.”sabi ko na iniabot pabalik sa kanya ang papeles.

“It’s my gift for all those events na hindi kita nabigyan ng regalo.”sabi niya sa akin at ngumiti.

“Oh, shut up, Esai, kahit minsan ay hindi ako bibili ng bahay para pangregalo!”sambit ko sa kanya.

“I know.”natatawa niyang saad.

“Just take it, I know you want to give it back to your Lola, just treat me.”aniya at nginitian ako. Hanggang sa makaalis kami sa bahay ni Lola’y hindi pa rin ako makapaniwala. Ang lalaking ‘to! Akala mo’y barya lang kung makapagtapon ng pera! Kahit anong pilit ko’y hindi niya rin tinggap.

“I know you already have plan in your mind, wala naman akong paggagamitan at sainyo naman ‘yon kaya tanggapin mo na. It’s my gift to your Lola rin.”sabi niya pa, hindi ko alam kung nagpapalusot lang ba o ano. I want to make it a tourist spot in this province tutal ay antique din naman ang bahay, balak kong dito ilagay ang mga painting kung mabibili ko ngunit kung hindi ay plano ko pa rin talaga na magpagawa ng art gallery ko.

“Thank you…”sambit ko sa kanya. Nginitian niya lang naman ako. Sa totoo lang ay malaki ang pasasalamat ko kay Esai dahil siya ang nakabili no’n, noon pa man ay gustong gusto ko rin talagang bawiin ngunit as of now, gusto ko lang maging practical.

Bumisita rin kami sa orphanage at naging abala sa pakikipagkwentuhan sa mga ‘to. Nagawa pa naming kumuha ng ilang litrato ni Esai habang ako naman ay naging abala sa pagdodrawing. Talaga nga namang nakakalibang, tuwang tuwa pa ang ilan dahil nga kilala nila ako at napapanood daw sa tv.

Naging maayos naman ang takbo ng araw namin ni Esai, talagang nalibang din sa pagbisita roon. Kalaunan ay umuwi na rin naman kami dahil may photoshoot pa kinabukasan.

Kinabukasan, halos naging abala ako buong umaga sa pag-aayos para sa photoshoot, well, para sa magazine kasi ‘yon at billboard na pangarap ni Mama Ella para sa akin. Handang handa naman na kaming umalis ng bahay.

Nang makarating sa set kung saan magaganap ang photoshoot, inayusan na rin naman ako ng make up artist ko nang makarating doon.

“May mga nagpadala, Ms. Ae, congratulating you for this project.”sabi ni Maricel na iniabot pa ang ilang chocolate, bulaklak at ilang stuff toy. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ‘yon.

“Where’s my lavender bouquet?”tanong ko naman kay Maricel dahil hindi ‘yon nawawala.

“Wala po, Ms. Ae.”sabi niya at tinuro lang ang ilang bulaklak na natanggap, napanguso naman ako roon.

“Let’s start our photoshoot!”sabi ng photographer at inanyayahan ang ilang sikat na artista pati model. Nagtungo naman kami roon. Fierce ang mga itsura habang nakatingin sa camera. Nakailang kuha pa kami ng litrato, iba iba ang post.

“That’s all for our group pictures, now for our solo…”sambit nito. Naghintay lang naman kami ng turn namin.

“Wala pa rin si Zach? Ang tagal niya! Kuha na para sa by partners!”galit na sambit ng nag-oorganize dito.

“Wala pa po, I tried to contact him twice pero wala talaga,”napakamot pa ang isa sa kanyang ulo. Nailing na lang ako, sayang ang project na ‘to, mukhang sawang sawa naman na si Zach dito, sobrang sikat ba naman.

“I’ll take Albert na lang, Mama Nina.”sabi ni Trisha, ‘yong isa rin sa pinakasikat na model na kasama ko.

“Huh? Paano si Ae? Sa kanyang partner ‘yon, hindi pupwede!”sabi ni Mama Ella na siyang nasa gilid ko. Nakikinig din sa usapan nila.

“I can take pictures with her…”napatingin naman kami sa nagsalita sa gilid. Napatikhim naman ako nang makita ko si Esai, ngumiti naman siya sa akin at iniabot ang isang lavender bouquet.

“Congrats for this project, Elin, I don’t want to ruin it.”I knew it. Kaya pamilyar ang hand written. Nakita kong may nakasingit na mensahe roon, nagkatinginan kami ni Maricel at parehas na napangiti dahil madalas siya ang kasama kong nagbabasa no’n.

“Is it fine if I join the shoot?”tanong ni Esai kay Mama Nina, ang organizer dito.

“Oo naman no! Ilang beses na kaya kitang inimbitahan!”nakangiting saad nito kay Esai.

“Ayos lang sa akin kahit si Albert na lang ang partner ni Ae…”sabi Trisha kaya napatingin kami sa kanya. Hindi ko naman napigilan ang pagtaas ng kilay ko.

“Hmm, if that’s the case I don’t need to join, right? Si Asterin lang ang gusto ko.”sambit naman ni Esai kaya napangisi ako.

“Paano ako? Wala rin akong partner, Mr Gallejo.”malambing ang tinig nito ngunit si Mama Nina na ang nagsalita. Mukhang nagmamasid lang din at napatingin pa sa hawak kong bulaklak na galing kay Esai.

“Albert, partner-an mo ‘yang si Trisha. Is it really fine, Esai?”tanong ni Mama Nina. Tumango naman do’n si Esai kaya napangiti ako.

“Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba’y may trabaho ko ngayon?”tanong ko sa kanya.

“Bibisita lang.”sabi niya naman na napakibit pa ng balikat.

“You’re the one who keeps on sending me flowers?”tanong ko sa kanya.

“Hmm…”hindi niya naman sinagot at nagkibit lang ng balikat. Napairap lang ako dahil do’n.

Maya-maya ay kami naman na ang isasalang, sobrang professional ko sa ibang tao pero parang hindi ko ata kayang gawin kapag si Esai na ang kasama. Parang pinagsisihan ko tuloy na hindi ako tumutol. Well, mas pagsisihan ko kung tumutol ako.

Umupo siya sa isang high chair, hindi nakabutones ang unang tatlo ng polo nito. Ang gustong mangyari ng director, para akong nakaupo sa kandungan nito. Ramdam ko ang doble dobleng kaba dahil si Esai ito. Hindi mga coworkers lang.

“Loosen up a bit, Ae, mukha kang kabado.”sabi no’ng photographer sa akin. Tumango naman ako. Parang hindi man lang kinakabahan si Esai, parang sanay na sanay samantalang ako’y halos manginig na. Halos manlaki ang mga mata ko nang inilagay niya ang kamay sa baywang ko at hinapit papalapit sa kanya. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t isa, para pa akong malulusaw sa paraan ng pagtitig nito.

“Ang ganda mo…”bulong niya sa akin, para akong kinikiliti sa paraan ng pagkakasabi niya. Ramdam ko pa ang mainit na hininga nito sa balat ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko’y anytime ay lalabas na ito. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang matapos ‘yon.

“Nice!”pamumuri ng photographer sa amin.

“Great chemistry!”sambit pa ni Mama Nina nang lumapit sa amin. Ramdam ko pa rin ang pamumula ng mukha.

“Bagay kayo!”nakangiting saad ng ilang model sa amin. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko roon. Kinausap naman na ng photographer si Esai, mukhang kilala niya rin.

Malapad ang naging ngiti sa akin ni Mama Ella, ganoon din si Maricel.

“Aba’t hindi ko alam na kikiligin pa rin pala ako kahit na sa litrato lang!”natatawang saad nito. Nailing na lang ako roon. Ni hindi nga ako makatingin ng maayos kay Esai nang lumapit siya sa amin para tanungin kung anong gustong kainin.

Shocks.

Palala ka na ng palala, Asterin. Hulog na hulog ka na, that’s to dangerous, sanay alam mo rin kung paano umahon.

“Where are you going next?”tanong ni Esai dahil paalis naman na kami sapagkat tapos na ang shoot.

“Pupunta ako kay Papa… uhh… do you want to come with me?”tanong ko, hindi sigurado kung dapat ko ba itong yayain. Ngumiti naman siya at tumango sa akin. Malapit lang dito ang city hall kung saan siya nilipat. Ang tagal na noong huli ko siyang nadalaw dahil masiyado akong naging abala sa buhay ko.

“Should we brought food? Parang nakakahiya naman kung wala tayong dala.”sabi niya sa akin. Pinakita ko naman ang basket ng prutas na dala ko, balak ko na kasi talagang pumunta roon.

“Guanzon, may bisita ka!”sambit ng isang pulis at bahagya pang namangha habang nakatingin sa akin, ganoon din ang ilang tao rito sa loob.

“Papa!”nakangiti kong saad sa kanya at lumapit dito.

“Kumusta ka na, Anak? Mabuti’t nadalaw ka? Hindi ka ba abala?”sunod sunod na tanong niya sa akin. I don’t really mind people looking at me, hindi rin naman sikreto na anak ako ni Niela Guanzon at ang asawa nito’y nakakulang, sadyang hindi lang talaga nila alam dahil ang kilala nilang anak nito’y si Ate Caroline, ang tanda naman nilang kapatid nito’y ang pangit na si Asterin noon. Well, ngayon ko lang din narealize na hindi naman ako pangit noon o kaya ngayon. Sadyang pangit lang ang standard ng society.

“Day off ko po ngayon, Pa. how about you? Kumusta po rito?”tanong ko.

“Ayos naman, Hija, huwag mo akong alalahanin.”sabi niya na napatingin pa sa katabi kong si Esai.

“Hmm, Papa si Esai, kilala mo naman na po siya, hindi ba? Ano… boyfriend ko po.”sabi ko kaya agad silang napalingon na dalawa sa akin.

Shadow of PastWhere stories live. Discover now