Chapter 25

1.8K 56 1
                                    

Chapter 25
Asterin’s POV

“Ang ganda mo.”pabulong na saad sa akin nang makita niya akong palapit sa table nila ni Tita.

“Kaunti na lang magpapauto na talaga ako sa’yo.”natatawa kong saad dahil sa araw araw ba naman ng ginawa ng Diyos, hindi ata nito nakakalimutang puriin ako. Nakakainis dahil baka tuluyan na akong maniwala rito. Pakiramdam ko tuloy ay totoong maganda ako kahit nakikita ko naman ang sarili sa salamin, unti-unti akong nagkakaroon ng confidence dahil sa kanya.

“I’m just telling the truth.”nakangiti niyang saad habang pinagmamasdan ako. Kaya niyang iparamdam na maganda ka sa paraan lang ng pagtingin niya, para bang totoong totoo, the way he look at me, he was like admiring a picture. Hindi ko alam kung sadyang ilusyunada lang ako o ano.

“Ewan ko sa’yo, ‘yan na sila.”sabi ko at tinuro sina Ate at Kuya Koa na pababa na ng hagdan. Si Kuya Koa ang escort nito, napilit ni Mama at Tita.

Hindi ko naman maiwasang mamangha habang nakatingin kay Ate, hindi naman talaga maitatanggi ang kagandahan nito. Hindi ko maiwasang mamangha habang pababa na siya sa hagdan. Tila isang prinsesa sa kanyang gown na talaga namang detalyadong detalyado bawat parte. May ilang media din na nandito at makikita ang ilang artista, kasa-kasama ni Mama, ang iba naman ay nakasama ni Ate.

May nagtanong pa kung sino ang designer niya, maraming nagiinterview dito, sanay na sanay naman si Ate nang sagutin niya ang mga ‘to. Ang dami pang nangyari bago tuluyang nagsimula ang event. Marami ring humahanga sa engrandeng debut niya. Matagal nila itong pinaghandaan kaya naman dapat lang talaga.

“Happy birthday to your Ate, Asterin.”nakangiting saad sa akin ni Kuya Mave na siyang nadaan sa table namin.

“Thank you, Kuya Mave.”sabi ko naman sa kanya at ngumiti rin pabalik.

“Why don’t you just tell her?”napalingon naman kami kay Esai nang magsalita ito, pinagkunutan ko naman siya ng noo at sinamaan ng tingin. Kinurot ko pa siya ng mahina kaya napanguso siya at napairap na lang.

“Uhh. I think you know each other, hindi ko na po kayo ipakikilala sa isa’t isa.”sabi ko dahil magkabatch lang naman ang mga ito. Napakibit lang din ng balikat si Esai doon kaya sinamaan ko siya ng tingin lalo na’t nang maglahad ng kamay sa kanya si Kuya Mave.

“I think we didn’t really have a chance to know each other.”sabi nito ngunit hindi naman pinansin ni Esai kaya agad ko siyang siniko.

“Attitude ka?”tanong ko kaya tinanggap niya na lang ‘yon. Nakangiti pa rin namang nagpaalam si Kuya Mave sa amin. Ngumiti lang din ako sa kanya pabalik.

“Ano namang nagustuhan mo roon?”tanong ni Esai kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Hindi ko rin naman pinansin pa ang tanong nito lalo na nang lapitan kami nina Tita para kausapin tungkol sa kung ano.

Nang matapos na rin ang nasa program, sinayaw lang nila si Ate habang ako naman ay abalang abala lang sa panonood sa mga nadadaan sa table ko.

“Ang gwapo niyan, pwedeng reference.”sabi ko kay Esai nang dumaan ang isang artista na nakasama ni Ate sa set. Nang lingunin ko si Esai ay nakasimangot na ito at masama pa ang tingin sa basong nasa harap niya, akala mo’y may ginawa itong masama.

“Ano?”tanong ko nang tumayo ito.

“Let’s dance.”sambit niya kaya napatitig ako sa kanya bago nakangiting tumango at tinanggap ang kamay niyang nakalahad.

Nagtungo naman kami isang gilid, sa pwestong walang gaanong mga tao. Malapad lang ang naging ngiti ko habang nakatingin sa kanya. Napatitig lang ako sa kanya dahil sa tingin niyang parang anytime ay malulusaw ka.

“I can’t believe you’re smiling at me as if I was your piece of artwork.”nakangiti niyang sambit sa akin. Napailing na lang ako ngunit mas lalo pang kumibot ang ngiti mula sa aking mga labi. He is.

It’s an enjoyable night, usually I don’t really enjoy a party like that dahil hindi ko gustong nakikihalubilo sa tao ngunit it’s really fun being with him, kapag siya ang kasama, parang bawat minutong lumipas ay hindi masasayang.

“Asterin!”tawag sa akin ni Natalie nang makita ako. Hindi ko naman mapigilang mapaiwas ng daan dahil alam ko na agad ang mangyayari.

“Samahan mo ako, tulungan mo akong mag-ayos ng stage.”sabi niya kaya hindi ko mapigilang mapangiwi, sabi ko na nga ba. Sila itong kabilang sa student council ngunit ako nanaman ‘tong dinadamay niya para mas mapabilis ang trabaho nila. Napabuntong hininga na lang ako at sumunod sa kanya. Imbis na magpapahinga ako ngayon sa classroom dahil abala ang mga guro.

Nagtungo kami sa stage kung saan lalagyan ito ng disenyo para sa nalalapit na miss foundation. Wala naman akong nagawa kung hindi ang tumulong, bahagya naman akong nagulat nang makita ko si Esai na kumukuha ng litrato, well, kabilang siya sa journalist ng school kaya naman talagang kumukuha sila ng litrato para sa page ng school at pati na rin sa school news paper.

Agad siyang ngumiti nang makita ako, nginitian ko lang din siya sandali bago ako sumunod kay Natalie na siyang sinesenyasan akong lumapit sa kanya.

“Si Asterin, Pres, marunong din magpaint. Pwede na.”sabi ni Natalie tila ba ayaw pa akong puriin. Napabuntong hininga na lang ako at hindi rin naman siya pinatulan pa.

“Is it okay with you, Asterin? Pasensiya ka na, wala kasi talaga kaming mahanap.”sabi ng president ng student council. Ano pa hang magagawa ko kung nandito na ako, hindi ba? Tumango lang naman ako.

Naging abala na rin naman ako sa pagsunod sa nakalagay nilang plano. Sa isang malaking board naman din ako magpipinta. Nalibang din naman ako roon kalaunan. Kahit paano’y hindi ko rin naman pinagsisihan ang pagsunod kay Natalie dito.

“Uyy, Kuya Mave.”bati ko kay Kuya Mave nang makita siya. Well, kasama rin ‘to sa student council at president din ng Art club.

“Asterin, ikaw pala.”nakangiti niyang saad sa akin.

“Pasensiya ka na, naging abala kasi kami sa gym, alam mo namang doon din gaganapin ang ilang sports. Tulungan na kita diyan, masiyado na rin kasing rush.”sabi niya tumango lang naman ako. Hindi ko naman iniisip na nagrurush na dahil mas lalo lang akong kakabahan kung sakali.

Katulad nga ng sabi ni Kuya Mave, tinulungan niya lang ako sa pagpipinta dito sa board na gagamitin para sa pageant.

“Sobrang thank you talaga sa pagtulong, Asterin.”sabi niya habang nagpipinta kami, binasag ang katahimikan. Ngumiti naman ako sa kanya dahil do’n.

“Wala pong problema, Kuya Mave, ayos lang po.”sabi ko at umiling pa. Nagkwentuhan lang naman kami tungkol sa kung ano ngunit natigil ako nang may tumikhim sa gilid. Napatingin naman ako kay Esai na siyang may hawak hawak na tubig. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay dahil dito ngunit nginiwian niya lang ako at inirapan. Busangot nanaman ang mukha.

“Ano?”tanong ko sa kanya.

“Water.”sabi niya at pinagbuksan ako ng tubig bago iniabot ‘yon. Napangiti naman ako dahil do’n ngunit hindi man lang ako sinuklian ng ngiti.

“Salamat.”sambit ko ngunit nakatalikod na ito at paailis na. Napailing na lang ako dahil hindi ko alam kung ano nanaman ang problema niya. Moody talaga kahit kailan.

“Hey, what about this one? What do you think?”tanong ni Kuya Mave kaya hindi ko naalis ang tingin ko kay Esai. Naging abala na ako sa mga pinggagawa ko.

Nang mabigyan kami ng pagkakataon magpahinga. Kita ko namang nakaupo lang si Esai sa isang parte, kinakausap ni Crisha. Napanguso naman ako nang mapatingin siya sa akin. Kinuha ko ang phone ko at sinubukan ‘tong itext.

Ako:

Hi.

Nakita ko namang tumaas ang kilay niya habang nakatingin sa cellphone. Hindi niya ‘yon pinansin pa. Napanguso naman ako bago nagtipa para kulitin ulit siya.

Ako:

Attitude ka, boy?

Kita kong nakita niya ‘yon ngunit ‘di rin pinansin. Natawa na lang ako at hindi na rin nagtext pa sa kanya dahil may inuutos nanaman si Natalie. Napailing na lang ako at sumunod sa kanya.

Nang tignan ko siya’y nakatingin na rin siya sa kanyang cellphone. Maya-maya lang ay nagtitipa na ‘yon do’n. Sobrang tagal niyang nagtitipa sa phone kaya akala ko’y sobrang haba ng sasabihin nito, bahagya akong napatawa nang makita ang reply niya.

Esai:

Bakit?


Nang ibalik ko ang tingin sa kanya, kita kong nakatingin lang siya sa kanya phone, pinagtaasan niya naman ako ng kilay nang tignan niya ako. May sinabi lang siya sandali kay Crisha kaya napatingin ‘to sa akin. Kita ko ang pagsama ng timpla ng mukha nito kaya agad akong napaiwas ng tingin.

“Do you want to eat?”tanong niya kaya pinanliitan ko siya ng mga mata.

“Bakit bad mood ka nanaman?”tanong ko pabalik. Hindi naman siya sumagot, napatingin naman ako sa gawi ni Crisha nang makitang nakasimangot ito.

“Seriously, kung may importante kayong pinag-uusapan ni Crisha, ayos lang.”sabi ko pa at ngumiti.

“I’m not that busy.”sabi niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Anong hindi busy, Esai, may ieedit pa tayo.”napatingin ako kay Crisha na sumunod kay Esai.

“If you may excuse us, Asterin.”sabi niya kaya tumango naman ako.

“I can edit that later. Let’s go.”sabi pa ni Esai sa akin ngunit kita ko ang pagtaas ng kilay ni Crisha sa akin as if she’s expecting me to tell Esai na gawin kung ano man ang dapat nitonh gawin.

“Uhh, let’s just eat later before we go home.”pabulong kong saad sa kanya, hindi ko na siya nakausap pa nang tawagin na ako nina Natalie dahil kanina pa ako hinihintay nito. Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod na lang.

Magpapaint lang naman talaga ako ngunit dahil dito kay Natalie, sa dami niyang inuutos, wala akong nagawa kung hindi ang tumulong sa kanila.

“Asterin, dito pa!”sabi pa ni Natalie habang tinuturo ang isang inutos sa kanya. Napasimangot naman ako roon at sinamaan siya ng tingin.

“Hehe, last na talaga.”aniya at napanguso.

“Baka last mo na rin ito kapag hindi ko pa ako tinigilan.”aniko kaya agad siyang napanguso at napatawa.

“Ito naman, hindi mabiro, last na nga e.”bulong bulong niya pang binuhat ang pinabitbit niya sa akin. Nailing na lang ako at hindi na siyang pinansin, mabuti nga’t hindi ako binulyawan nito. Bumalik na rin naman ako sa pagtulong kay Kuya Mave hanggang sa tuluyan ng matapos ang araw.

“Hatid na kita, Asterin.”nakangiting saad ni Kuya Mave sa akin.

“Hindi na po, Kuya.”nakangiti ko ring saad sa kanya.

“Sige na, maggagabi na oh.”sabi niya, bago pa ako makapagsalita ay may umakbay na sa akin.

“She’s going home with me.”alam ko na agad na si Esai ito kahit na hindi ko pa tignan.

“Let’s go?”tanong niya sa akin.

“Una na po ako, Kuya Mave, see you tomorrow po.”nakangiti kong saad at tinignan si Esai na siyang binitawan na ako. Kita ko naman ang suplado at nakasimangot niyang mukha. Well, ‘yan naman talaga ang madalas na ekspresiyon ng mukha nito, madalas lang talagang nakangiti kapag nag-uusap kami o ‘di naman kaya’y kasama niya ang pamilya niya.

Tinitigan ko naman siya habang naglalakad kami dahil hindi man lang ako nililingon nito.

“Galit ka?”tanong ko at sinundot ang tagiliran niya.

“I’m not.”suplado naman siyang lumayo kaya napatawa ako ng mahina.

“Bakit ka galit?”tanong ko pa at sinubukan pang ilapit ang sarili sa kanya.

“Hindi nga.”aniya habang nakasimangot pa rin

“Edi hindi.”sabi ko naman at napakibit ng balikat. Napangisi naman ako nang hilain ako nito palapit sa kanya.

“I’m not mad, I’m just jealous.”pabulong na saad niya, ramdam ko naman ang lakas ng tibok ng puso dahil lang sa sinabi nito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, parang sasabog na lang ‘to sa sobrang lakas. Ang hilig hilig talagang mambigla ng isang ‘to.

Wala tuloy ako sa sarili nang magpatuloy kami sa paglalakad, hindi ko alam kung totoo ba o hindi pero ang puso ko’y tila nagpaparty na sa tuwa.

Shadow of PastWhere stories live. Discover now