Chapter 28

1.6K 58 1
                                    

Chapter 28
Asterin’s POV

“Don’t worry I won’t tell anyone.”malapad na saad ni Ate Elai, kanina pa niya paulit ulit na sinasabi ‘yon kaya hindi ko maiwasang kabahan kung totoo nga bang hindi ‘yon makakarating sa ibang tao o ano.

“Promise.”sabi niya pa kaya napatawa ako ng mahina.

“I trust you, Ate.”sabi ko pa na kunwari’y tinapik lang siya habang naglalakad kami palabas para makonsensiya naman ‘to kung sakali.

“I’ll zipper my mouth.”sabi pa niya kaya nailing na lang ako. Hindi ko alam kung kaya niya bang gawin ‘yon pero mukha namang kahit paano’y magagawa niya.

Agad naman kaming pinalapit nina Mama dahil kakain na, ang tagal din namin sa kwarto dahil nagtititili pa si Ate nang sabihin ko ‘yon, napakatok nga sina Esai dahil sa kanya e. Mini heart attack.

“I heard you shouting earlier? Ano nanamang ginawa mo?”tanong ni Esai habang tinutulungan sina Mama sa pag-aayos ng mga kakadala lang na pagkain.

“That’s a secret.”sabi niya pa at kinindatan ako, hindi ko alam kung matatawa ba ako roon o ano. Napailing na lang ako lalo na nang mapatingin sa akin si Esai tila ba nagtatanong. Aba’t mas lalo naman akong walang balak aminin no.

“Let’s just peacefully eat.”napatikhim pa ako ng sabihin ko ‘yon kaya mas lalo lang nanatili ang titig ni Esai, nanliliit pa ang mga mata sa amin. Iniwas ko ang tingin sa kanya at sinubukan pang kausapin si Kuya Koa na siyang mukhang inip na inip habang nakatingin sa phone niya.

“Girlfriend mo, Kuya?”tanong ko, napatalon siya sa gulat at kinabahan pa ng ipasok ang cellphone sa kanyang bulsa. It’s my time para asarin ‘to kaya malapad ang ngising ibinigay ko sa kanya, madalas kasi ‘tong nang-aasar.

“I wish she is.”sabi niya kaya hindi ko mapigilang mapangiti roon. Hindi ko tuloy magawang asarin ‘to dahil para bang handang handa itong ipagmalaki kung sino ba ang tinutukoy niya.

“Hina mo naman, Kuya.”natatawa kong saad para asarin siya.

“Hindi ako type no’n.”sabi niya nangalumbaba lang tila ba iniisip ‘to. Wow, Kuya Koa na babaero? Hindi type?

“Is she that pretty?”tanong ko pa sa kanya.

“She is. She’s the prettiest girl I’ve ever laid my eyes on.”aniya kaya napangiti naman ako ngunit agad nagreact si Ate Elai na nakikinig pala sa sinasabi ng Kuya niya.

“Ma, oh! Sabi ni Kuya pangit ka raw!”sigaw nito kaya agad silang nagsamaan ni Kuya Koa ng tingin. Hindi ko naman maiwasang matawa roon. Well, mas madalas talaga ang pagtatalo ng dalawang ‘to. Sanay na sanay na ako dahil aso’t pusa talaga kahit kailan.

Nakita ko naman si Ate na siyang mukhang narinig din ‘yon, nakasimangot na ang mukha nito para bang inis na inis sa narinig. Nawala lang din ang tingin ko sa kanila nang nasa tabi ko na si Esai at pinaghahanda na ako ng pagkain. 

“I’ll take a photo later, do you want to come with me?”tanong niya. Napangiti naman ako at tumango, dala dala ko ang sketch pad ko kaya naman ayos na ayos ‘yon sa akin. I actually like the view.

Nang matapos kaming kumain, bahagya akong nagulat ng sabihin sa akin ni Mama na tutugtog ako rito, kaming dalawa ni Ate. Tinuro pa niya ang piano. Hindi ko naman mapigilang mapangiwi roon, sa tingin niya ba talaga ay gustong gusto ko ang piano? When the thing is that’s the only instrument I actually play dahil ‘yan lang ‘yong instrumentong alam kong tugtugin. Not that I like it that or anything else. I’m not really up for it dahil alam kong may ibang bagay akong gusto.

Napabuntong hininga na lang ako dahil wala rin naman akong choice kung hindi ang sundin ang kagustuhan niya lalo na’t nakausap niya na ata ang may ari ng resort, hindi man lang ako sinabihan bago sabihin. Well, ano nga bang magagawa ng opinyon ko, hindi ba? Wala naman.

Nagtungo na lang ako sa gawi ng piano habang si Ate’y nagsimula ring kumanta sa tinutugtog ko, magaling ‘tong kumanta kaya wala kaming masasabi roon. Gusto ko na lang madaliin ang oras at tapusin na ito dahil hindi naman ako sanay na nagpeperform sa harap ng maraming tao. Hindi ko mapigilang mapangiwi nang magkamali ako. Ramdam ko na ang pamumula ng mukha sa hiya nang matapos ang kanta.

Agad pinuri si Ate ng ilang tao rito sa resort, nakita kong tumayo ang isang babae at agad na nilapitan si Ate, dinig ko naman na manager ‘yon sa isang agency, kaya naman pala. It’s for Ate’s sake nanaman pala. Ilang pamaumuri pa ang narinig ko galing sa ibang tao habang nakatingin kay Ate.

“You are really good at that!”nakangiti niyang saad habang nakatingin sa akin. Unti-unti namang napalitan ng ngiti ang mukha kong dismayado sa sarili kanina. Just one person… that person can make my mood change in just one snap.

But I realize that I should be that one person na nagtitiwala sa kakayahan ko, kahit magkamali, kahit mahirap, I should trust myself more than anyone else. Napatingin ulit ako sa gawi ni Ate, may ngiti na mula sa mga labi ko ngayon, it doesn’t matter kung sino ang mas magaling. It’s not competition to begin with. I should learn to compete towards myself not with anyone else.

Naglakad naman kami patungo sa pool area, nature friendly ang lugar kaya hindi nakakasawang tignan ang mga punong nakatanim, nagmukha nga itong swimming pool sa gitna ng kagubatan. Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang maupo sa wooden bench dito sa gilid. Ang preskong hangin ay agad akong niyakap nang tuluyan ng makaupo.

Hindi naman namin ginulo ni Esai ang isa’t isa, hawak hawak ko ang tablet ko habang siya naman ay abalang abala sa pagkuha ng litrato. It’s really fun doing your hobby habang nandito sa lugar. Hindi naman ako nadidistract o ano katunayan ay talagang nakakalibang na magdrawing sa payapang pwesto namin ni Esai. Nang matapos siya’y tumabi na ito sa akin at pinanood lang ako sa ginagawa ngunit agad akong napatingin sa kanya nang mag-iwas ito ng tingin do’n. Agad ko siyang pinagtaasan ng kilay.

“I don’t want to look. I don’t want to be spoil.”sabi niya kaya napatawa ako sa kanya ng mahina dahil do’n.

“Ayaw mo ba ‘yon, advance ka na.”ani ko habang abalang abala sa pagdodrawing. Hindi naman siya nagsalita, hindi rin ako gustong istorbohin. Hindi niya ako inabala at hinayaan niya lang ako sa pagdodrawing. Ramdam ko naman ang pagsandal niya sa likod ko, napangiti na lang ako. Payapang katahimikan lang ang bumalot sa aming dalawa hanggang sa tuluyan na akong matapos. Pinakiramdaman ko naman kung tulog ito o ano.

“Are you done?”tanong niya, mukhang nakikiramdam lang din kung tapos na ba ako o ano.

“Hindi pa but I should take a rest na.”sabi ko at ngumiti pa. Umayos naman na siya ng upo. Tinampisaw lang namin ang paa sa swimming pool nang maibalik na ang aming mga gadget sa loob ng kanya kanya naming kwarto upang mas malibang sa tanawin.

Abalang abala kami sa pagkukwentuhan nang mapatalon sa gulat nang wisikan kami nina Ate Elai nang tubig.

“Ligo na! Ang harot harot niyo!”natatawang saad ni Ate at hinila pa kami. Natawa naman kami at walang nagawa kung hindi ang magpahila rito. Nagkatinginan naman kami habang tinitignan si Kuya Koa na abalang abala sa phone niya. Malapad na ngisi lang ang pinakawalan bago dahan dahang lumapit do’n. Si Esai ang kumuha ng phone habang si Ate Elai naman ang nanulak sa kanya sa pool.

Gulat na gulat naman ‘to dahil do’n. Sinamaan niya ng tingin ang mga kapatid ngunit kalaunan ay natawa na lang din. Nag-asaran lang sila habang nanonood lang naman ako sa mga ‘to. Nasa spa sina Mama ng resort kasama si Ate. Pinipilit nga ng Tita Demi na sumama si Kuya Koa roon ngunit ayaw nito, mas gusto raw na maglibot or should I say mas gustong makipagtext sa taong gusto nito. Mukhang tinamaan talaga ang isang ‘to.

“Let’s try ‘yong pool chicken fight!”nakangising saad ni Ate Elai. Agad naman akong umiling do’n dahil alam ko na agad na talo ako lalo na kung kami ang maglalaban. Natawa naman siya sa akin do’n.

“Sige na, I just want to try it!”sabi pa nito na ilang beses pang nagmakaawa. Hindi ko alam kung matatawa ba ako roon o ano. Pinagbigyan din naman namin ‘to. Kung ano ano lang ang larong naiisip niya para lang malibang kami. Mahilig sa competition ‘tong si Ate Elai. Hindi naman siya pinagbibigyan ng kanyang mga kapatid, talagang pipikunin pa si Ate Elai dahil alam nilang naiinis ‘to kapag natatalo.

“Duh! Sobrang daya niyo!”pikon na sabi niya, tinatawanan lang naman siya nina Kuya Koa. Bago pa ‘to makapagsalita, may kamay ng kumawit sa kanyang mga braso. Napatingin kami kay Ate na malapad ang ngiti.

“What’s going on here? You’re playing? Sali!”aniya habang nakangiti.

Hanggang hapon ay naging abala kami sa pagliliwaliw dito sa resort, hindi naman ako nabored dahil masaya namang kausap sina Ate Elai.

Kanya-kanya na silang paalam patungo at nagtungo na sa kanilang mga kwarto habang ako naman ay naglakad patungo sa mataas na parte rito sa hotel para makita ang papalubog na araw.

“Hey, change your clothes first, giginawin ka riyan, I’m telling you.”sabi ni Esai na siyang lumapit sa akin, may dala pa ‘tong tuwalya. Natawa naman ako dahil hindi ito mukhang papapasukin ako, paano’y dala dala ang kanyang camera at may dala ring pagkain na para bang ready’ng ready din na manood.

“Mamaya na. I’ll wait for the magic hour.”ani ko at ngumiti pa.

“I know, that’s why I just brought you some shirt. Alam ko namang hindi ka paaawat sa kagustuhan mo.”natatawa niyang saad sa akin. Napakibit naman ako ng balikat at malapad na ngumiti habang nakatingin pa rin sa kalangitan.

“Can you be my model for a while?”tanong niya, tumango naman ako at ngumiti rito. Nasanay na ako rito, kahit kailan ay hindi ka makakarinig ng panglalait mula sa kanya.

“You look really gorgeous here.”pamumuri niya.

“Uhh, I like your smile. This is really your best point.”sabi niya pa habang nakatingin sa mga litrato ko. Hindi ko naman mapigilang mapatitig sa kanya.

“You’re like a carpenter.”sambit ko kaya nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay.

“You build my confidence in a simple but nice way.”ani ko at ngumiti sa kanya.

“Thank you…”sabi ko at napatingin na sa kalangitan dahil nagsisimula na ang magic hour.

“I’m just telling the truth tho.”aniya bago ako kinclick ang camera. Malapad naman ang naging ngiti niya bago binaba ‘yon at sinabayan din ako sa panonood nito. Hindi ko naman mapigilan ang pagngiti ng aking mga labi.

“It’s cool no? Like kahit nasaan ka sky never fail you. It never fails to amaze me. It never fails to make me feel better, when you’re happy it doubles your emotion.”sambit ko.

“It was as if made by Him for us to have an excuse to chill when everything is not going on our way, when we are tired with our day, well, he save the best for the last. It was as if it’s His way of telling us that we did a good job for a very long day that we had.”nakangiti kong saad. Sunset gave me the vibes that things won’t stay the way it is, kung malungkot ka ngayon, hindi mananatiling ganoon, kung masaya ka, magtatapos din, and vice versa.

“Sorry, I’m saying nonsense things again.”natatawa kong saad ngunit umiling lang siya sa akin habang nakangiti pa rin.

“It’s really fun listening. I like it when you’re talking.”sabi niya at ngumiti pa.

“I don’t know but for me I like the peace within it, I like all the photos that I took, the scenario while going home. I like the different shade of color that I see, it was as if it telling us the life is really unpredictable. It will suddenly bring you a nostalgic feeling… ”napatango tango naman ako sa sinabi nito.

“It’s a magic hour indeed…”sabay naming saad at parehas pang nagkatinginan bago natawa.


Shadow of PastWhere stories live. Discover now