Chapter 42

1.7K 57 1
                                    

Chapter 42
Asterin’s POV

For the past few days, iniwasan ko lang si Esai ngunit ngayon ay nakita ko siyang nasa tapat ng school, mukhang nag-aabang. Dumeretso naman ako roon, hindi ngumiti o ano.

“Hmm, I don’t think I can hang out with you today. Pagod ako sa shoot at pagod din ako sa klase, inaantok na ako.”sambit ko at ngumiti ng tipid. Sus, noong mga nakaraang araw nga’y mas marami ka pang shoot, Asterin, ngunit mas gusto mo pang makipag-usap sa kanya. Napailing na lang din ako sa naisip.

“Oh, ihahatid na kita, sleep while we’re in the car.”sambit niya ngunit tinaas ko ang susi ng kotse ko.

“I brought my car, una na ako…”ani ko at sumakay na sa kotse ko, hanggang sa makalayo ay nakita ko ang paninitig niya sa kotse ko, nakatayo lang siya roon, hindi ko maiwasang kagatin ang labi at nagfocus na lang din sa pagmamaneho. He’s already courting someone, Asterin. Huwag ka ng umasa please.

Gusto ka niya noon ngunit hindi ibig sabihin na ganoon pa rin ang nararamdaman niya. People change just like feelings. He’s courting Ate, obvious naman sa mga post nito, bakit nga ba isinawalang bahala mo ‘yon? Malandi ka rin talaga. Hindi ko maiwasang mapasimangot habang naiisip na baka niya lang ako nilapitan to catch up, bilang magkaibigan lang pero eto ako, ang lakas umasa!

Kinabukasan ay napagpasiyahan kong magtungo na lang sa bahay namin sa paniqui, doon na nakatira si Mama, malayo sa lungsod ngunit payapa rin naman ang buhay at hindi rin naman ibig sabihin na province ay wala ng mga mall o ano, marami ring mga establishement doon ngunit hindi lang kasing dami dito. Hindi rin huli sa pananamit at balita ang mga tagaroon dahil hindi naman nakatira sa bundok. Simpleng bayan lang at payapa ang buhay.

Hinayaan din ako ni Mama Ella na magpahinga dahil bukod sa wala ako sa hulog, pupunta rin kami sa imbetasiyon ng isang kilalang director, party lang before siya ikasal. Maraming kilalang artista at tao ang dadalo kaya ang sabi ni Mama Ella, maghanda ako, nagbiro pang maghanap ako ng boylet. Sus, hindi ko kailangan no’n.

“Opo, Ma, I’ll visit you today!”nakangiti kong saad sa kanya. Kita ko agad ang saya mula sa kanyang mga mata.

“See you, Anak!”aniya. Hindi ko maiwasang mapangiti roon, ang pagatawag nito ng anak sa akin ay para bang musika sa aking pandinig. I really like it, whenever she’ll call me like that, hindi niya kasi ako tinatawag na ganoon noon.

Nasa kalagitnaan na ako ng byahe, pagod ako but I really want to unwind today at gusto ko rin talagang bisitahin si Mama. Ilang oras din ang byahe hanggang sa tuluyan na akong makarating sa bahay.

Agad naman akong sinalubong ng ina. Malapad ang ngiti niya sa akin nang makita ako.

“Akala ko’y nakalimutan mo na ako rito.”natatawa niyang saad sa akin, makikitaan ko ng saya ang mukha nito. Hindi ko naman maiwasang mapangiti roon at umiling.

“Ngayon lang po nagkaoras, Mama.”sambit ko sa kanya.

“Halika na, nagluto ako!”aniya kaya nakangiti akong sumunod ngunit natanaw ko na ang ilang kapitbahay na sumisilip dito sa bahay namin. Napatawa naman ako bago sila kinawayan.

“Nako, Lita, mamaya niyo na guluhin ang anak ko, kakain muna ‘to.”sabi ni Mama sa kanila. Kung iniisip niyong perpekto ang mga tao rito, nagkakamali kayo dahil wala namang taong perpekto ngunit noon hanggang ngayon, dama ko ang suporta mula sa mga ito. Napangiti na lang ako bago ako naglakad patungo sa loob.

“Magpapakain po kami mamayang gabi, punta po kayo.”sabi ko at ngumiti sa kanila.

“Talaga? Sige ahh! Picture na rin tayo!”sambit nila. Tumango naman ako roon.

“Magpapakain ka pa? Ikaw nga parang hindi na kumakain, sobrang payat mo na, Nak.”aniya sa akin. Napanguso naman ako roon. Gusto ko man, I just really want to maintain the perfect body that everyone wants.

“Halika na, buti na lang ay sinabi mo, nakapalengke pa ako ng kaunti.”sabi niya ngunit agad akong napanguso nang makitang sobrang dami niyang niluto! Hindi lanh kaunti, akala mo’y may fiesta. Mabuti na lang ay nag-imbita talaga ako.

“Tikman mo ‘to,”turo niya sa isang putahe. Napangiti naman ako roon, hindi naman kasi talaga mahilig magluto si Mama noon dahil madami kaming katulong ay marami siyang aasahan, ngayon lang talaga dahil mag-isa niya na rito sa bahay.

Kumain naman kaming dalawa or should I say kumain ako? Nakatitig lang kasi sa akin si Mama, akala mo’y mawawala ako.

“Ma, kumain ka na rin po, hanggang bukas pa ako rito.”natatawa kong saad sa kanya. May gusto siyang sabihin ngunit napagpasiyahan na lang din niyang itikom ang bibig, hindi ko naman maiwasan ang pagnguso dahil do’n.

Nag-usap lang naman kami tungkol sa mga painting ko, himala nga at hindi siya nagtatanong tungkol sa mga shoot at kung ano ano pa.

Nang matapos kaming kumain ay nagtungo na rin ako sa kwarto ko para magbihis ng mas komportableng damit, nang matapos ay lumapit ako kay Mama na siyang abala lang sa pagbuburda. Naupo naman ako sa tabi niya. Napatingin pa siya sa akin at tinap ang kanyang kandungan tila inaanyayahan akong mahiga roon.

“Hindi ka ba komportable?”tanong niya dahil nakatitig lang ako. Hindi naman kasi siya ganito dati, sobrang istrikto niya kaya noon. Umiling naman ako at humiga roon.

Hinaplos niya ang buhok ko habang nakangiti, sobrang gaan sa pakiramdam, para akong nakalutang sa ere sa sayang nararamdaman.

“It took me years to tell you this… I’m proud of you…”sambit niya, hindi ko na namalayan ang luhang tumulo sa akin. Ang tagal… ang tagal kong hinintay na marinig ang mga katagang ‘yon. Hindi ako umasang lalabas mula sa bibig ni Mama ‘yon and now, here it is.

“Sorry kung ngayon lang…”sambit niya habang hinaplos pa rin ang buhok ko.

“Noon hanggang ngayon, proud ako sa’yo.”aniya pa, tahimik lang akong umiyak dahil ngayon ko lang narinig ang pamumuri niya sa akin.

“Lahat ng painting mo noon, hangang hanga ako, when I thought that you stop painting? Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko, sa kagustuhan kong maging magaling ka sa lahat, hindi ko na namamalayan na nasisira na pala ang pangarap mo…”sambit niya pa. Nakita ko rin ang pagbuhos ng luha niya ngunit tumingala lang ‘to. Umahon naman ako sa pagkakahiga ko sa kanya dahil nakakahiyang nakikita niya akong umiiyak ng ganito.

“Sorry din po, Ma…”pabulong na saad ko habang umiiyak.

“Sorry po sa mga nasabi ko, sa lahat,”umiling lang naman siya roon.

“No, you’re right that time, wala akong kwentang ina, hindi ko man lang naisip ang kapakanan niya ng Ate mo… ako lang lagi…”nanginginig ang tinig na saad nito. Umiling naman ako roon. Ang payapang pagpapahinga’y nauwi tuloy sa iyakan. Niyakap ko naman siya, ganoon din ito habang umiiyak pa rin.

“Nakakahiyang ikaw pa ang tumayong ina, sobrang lakas mo, sobrang tatag mo. Hanga ako sa’yo, Nak…”sambit niya pa sa akin. Hindi naman na ako makapagsalita dahil sa tuloy tuloy na pagbuhos ng luha.

It took us years to say sorry to each other, hindi ko alam na nakakagaan pala ng pakiramdam.

“Ganoon pala talaga, Nak, no? Lahat ng mabigat, kapag binitawan, gumagaan.”sambit niya nang kumalma na kami parehas.

“Noong nasa village sure tayo, pakiramdam ko’y dapat perpekto ang lahat, kailangan matalino ang anak, magaling sa lahat dahil nakasubaybay ang mga tao sa pamilya natin.”aniya na napailing pa.

“I always try to fit in their expectation, dapat ganito, dapat ganyan…”pagkukwenti niya.

“I put my frustration towards you and Caroline, hindi ko alam kung paano ko kayo palalakihin ng tama…”aniya pa.

“But upon living here? Napagtanto ko na hindi pala dapat ganoon. Na hindi naman pala kailangan na ganoon.”sambit niya, napangiti naman ako sa realisasyon nito.

“Minsan kailangan mo lang bitawan ‘yong bagay na hindi maganda sa buhay mo, even if that’s group of people.”nilingon ko siya at nakitaan ko ng ngiti ang kanyang mga labi. Bagay na hindi ko nakikita sa kanya noon, that was a very genuine smile, noon kasi’y madalas siyang makipagplastikan kaya ang ngiti’y naging plastik na rin.

“And you… if being in that industry doesn’t make you happy, you can quit, chase your dream, Anak, alam kong gustong gusto mo ang pagpipinta.”nakangiti niyang saad sa akin.

“I will, Mama, kapag ayos na po ang lahat.”sambit ko at ngumiti.

“Hmm, I know you have your own plan but always remember na kapag hindi mo na talaga kaya, kapag sobrang bigat na, bitawan mo na.”aniya na ginulo ang buhok ko.

“Wow, ikaw ba si Niela, Mama?”natatawa kong saad kaya kinurot niya ako sa tagiliran. Nailing na lang siya sa akin. Hindi namanna mawala ang mga ngiti sa labi ko dahil sa pag-uusap naming dalawa.

“How about your carenderia pala, Mama? Ayaw mo po ba talagang tulungan ko kayo? Para mas maganda ang interior.”sambit ko ngunit agad siyang umiling.

“Huwag na, Asterin, pera mo rin naman ang gagamitin ko para roon.”saad niya, ‘yon kasi ang pinag-ipunan niya kapag binibigyan ko siya ng allowance, well, mahilig pa rin siya sa mga damit ngunit wala na siya pakialam ngayon kung branded ba o hindi, ang mga tao naman daw kasi rito sa bayan ay wala namang pakialam kung mamahalin o hindi ang damit mo. Basta maayos kang manamit ay ayos na.

“Just tell me if you need help, Mama…”sambit ko sa kanya.

Kinagabihan, tulad ng sabi ko’y nagtungo nga ang ilang kakilala rito sa bahay, kahit ang mga hindi. Naging abala lang din ako sa pag-aasikaso sa kanila.

“Ate Asterin, super pretty mo po! Idol na idol kita!”sabi ng isang batang babae, natawa pa ako ng gayahin nito ang linya ko sa isang movie. Aliw na aliw kami sa kanya, sobrang inosente! Talagang pinanggigilan ko ang pisngi.

Nalibang naman ako buong gabi habang nakikipagkwentuhan at tawanan sa mga ito, medyo nakakapagod pero ayos lang naman, masaya ako dahil nawala sa isipan ko ang mga bumabagabag doon.

Kinabukasan, maaga rin akong umuwi dahil kailangan ko pang mag-ayos at magbeauty rest ng kaunti para sa event na dadaluhan ngayong gabi. Ni ayaw pa akong pakawalan ni Mama dahil ilang buwan nanaman daw akong mawawala. Dadalasan ko na lang ang pagbisita.

“Kumusta ang paniqui?”tanong ni Mama Ella sa akin.

“Ganoon pa rin, Mama Ella, hindi pa rin lumilipad.”natatawa kong saad kaya hinagisan niya ako ng pillow na nasa sala. Natawa naman ako roon. Pakiramdam ko’y pakulit ako ng pakulit, siguro dahil lumuwag na ang dating mahigpit.

“Dalian mo’t mag-ayos ka na, dadating na rito si Trinity, dadalhin ang susuotin mo.”sabi niya kaya napanguso ako. Sigurado naman kasing pabonggahan ang mga damit sa event, hindi rin palalagpasin ‘to ni Trinity, siya ang tagapag-ayos ko.

“Asterin! Galingan mo, ayusin mo ang lakad, buhayin mo ang gown, aba, ilang araw akong nagpuyat para diyan.”sabi niya kaya napirap na lang ako. Ito nanaman po siya sa matinding pagpapaalala.

“Trinity! Party ang pupuntahan hindi fashion show.”sabi ko at napanguso pa.

“Hay nako, lahat naman ng suot mo’y para na ring nasa runway.”pamumuri niya sa akin. Hindi ko naman mapigilang mapailing habang tinitignan ang sarili rito sa salamin. Well, I can say that I’m pretty, with the elegant gown that Trinity made nagmumukha rin akong classy, paniguradong magmumukhang para sa akin nanaman ang party dahil sa bonggang bongga na damit ni Trinity.

“Ang ganda mo talaga, unang kita ko pa lang sa’yo noong bata ka, alam ko na talaga na ikaw ang the one.”pambobola niya pa. Natawa na lang kaming dalawa ni Tita dahil do’n.

“Ewan ko sa’yo, Trinity, sinungitan mo nga ako noon!”sabi ko na nginiwian siya, naalala ang pagtaas niya ng kilay sa akin.

“Hoy, grabe, natuwa lang talaga ako dahil talagang pinagmamasdan mo ang bawat detalye ng gown ko.”aniya. Napangiti naman ako doon.

“Iba ka pala talaga matuwa no? Nagtataray.”natatawa kong pang-aasar.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon