Chapter 32

1.6K 65 3
                                    

Chapter 32
Asterin’s POV

Greed. Dinadala raw sa pinakatuktok ang isang tao, but that’s not really the thing, kapag mataas ang akyat, kapag bumagsak, masakit.

I walk beside my Mom as I watch Papa who look really guilty habang iniiwas ang tingin sa amin. Hindi ko na mapigilan pa ang emosiyon habang pinagmamasdan ang amang binibisita rito sa prisinto.

“Pa…”tawag ko sa kanya at naupo sa tapat na upuan niya. Sinubukan ko pang hawakan ang kamay nito. Si Ate’y hindi rin malaman ang gagawin, si Mama naman ay pinipigilan ang kung ano mang nararamdaman.

“Bakit mo naman po nagawa ‘yon?”hindi ko maiwasang itanong, nakulong siya dahil sa kasong bribery at embezzlement.

“I just want all of you to have a good life, anak.”sambit niya kaya napailing ako roon. I don’t think so, we already have almost everything we need, hindi na niya kailangan pang gawin ‘yon. Imbis na kami lang ‘tong naghihirap, maski ang empleyado ng kompanya ay nadamay din dahil tuluyan ng nabankrupt. Hindi ko alam kung kailan ‘yon nagsimula.

Nakita ko si Mama’ng hindi makatingin kay Papa, kita ko pa ang pagluha niya ngunit elegante pa ring pinahid ng luha.

“Pa, you don’t have to do that naman e.”sabi ni Ate na umiiyak na.

Hanggang sa makauwi kami sa bahay ay parehas lang na tahimik si Ate at Mama, huling araw na namin sa village sure dahil halos lahat ng ari-arian ay kinukuha na rin sa amin. Tuluyang lumubog sa utang ang pamilya namin. That’s what greed can give you, imbis na makaakyat paitaas, dadalhin ka lang sa ibaba.

Our life is already cool, ngunit sa kagustuhan ng mas mataas pa, ito kami ngayon. Aalis sa bahay at makikitira sa bahay ni Lola na hindi man lang nila nagawang bisitahin noon. But I know, Lola, kahit na hindi pa siya maalala ng sobrang tagal, kapag bumalik ay yayakapin pang pabalik.

“My gosh! How about my designer clothes and bags? Talaga bang pati ‘yon ay ibebenta rin ni Mama para sa utang na hindi naman ako ang gumawa?”reklamo ni Ate kaya hindi ko maiwasan ang pagkunot ng noo.

“I can’t believe Papa, talagang hahayaan niya tayong maghirap?”iritadong saad pa ni Ate. I don’t like how she sounds like. Kahit akong hindi naman ganoon kaclose kay Papa at Mama, nag-aalala pa rin sa kalagayan ng mga ito pero parang mas iniintindi niya pa ang mga damit at kung ano ano niya.

“How can I face my classmates nito? I told them pa naman na I’ll treat them!”reklamo niya pa. Hindi ko naman na mapigilang magsalita dahil do’n.

“You’re suppose to be more worried about Mama and Papa, Ate.”sambit ko kaya agad niya akong pinagtaasan ng kilay.

“Ano bang pakialam mo, Asterin? How will I live my life without money?”inis niyang saad bago ako tinulak para dumaan. Napabuntong hininga na lang ako at hindi na lang ‘yon pinansin pa, nagtungo naman na ako sa kwarto para ayusin ang mga natirang gamit. Nang maayos ko na’y bumaba na ako ng kwarto. Nadatnan ko si Mama na siyang nakatayo lang sa isang gilid habang parang sobrang daming iniisip.

Wala na rin sina Manang dito dahil wala naman na kaming pambayad pa para sa kanila.

“Ma, tara na po.”sambit ko dahil medyo matagal na siyang nakatulala lang sa isang gilid. Hindi pa rin ata makapaniwala sa nangyayari sa amin, sobrang bilis lang kasi na para bang pumikit lang ay wala na agad ang kompanta at lahat ng ari-arian na sobrang tagal nilang pinundar. Minsan hindi ko talaga maiwasang kabahan sa buhay, ‘yong mga bagay na akala mo’y pangmatagalan, kayang kayang kunin sa’yo, isang segundo lang.

Nakita ko naman si Ate na bumaba na rin sa bahay na medyo may iritasiyon din sa mukha. Lumabas naman na kami ng gate, bahagya naman akong nagulat ng makita si Esai na siyang nasa tapat ng bahay namin. Tipid ko naman siyang nginitian, hindi ko na ‘to gaanong nakakausap pa sa sobrang dami kong iniisip, sa eskwela o maski rito sa bahay. Sunod sunod ang pangyayari na tila hindi pa rin maproseso ng utak ko ang lahat.

“Hatid ko na po kayo, Tita.”sabi niya at tipid pang ngumiti.

“Salamat, hijo,”sabi naman ni Mama sa kanya.

“Mare, talaga pa lang aalis ka na!”sabi ng ilang kapitbahay namin, nakipagbeso pa kay Mama. Pinanood ko lang naman ang mukha nilang mukhang talagang nakikipagplastikan lang naman, kita ko rin ang palihim na ngiti ng mga ito.

“Bakit ba nakikipagplastikan pa kayo diyan kay Niela, hindi ba’t gustong gusto niyo naman ng umalis ‘yan dito?”nakangiting tanong ni Tita Amy, na siyang pinakaplastik sa lahat. Ngumisi naman si Mama dahil do’n, nagsisilabasan nga naman talaga ang mga taong gusto kang hilain pababa kapag wala kang matakbuhan na kung sino.

“Oh, hindi ko naman alam na ganyan mo pala ako kagustong umalis, Amy, akala ko pa naman ay ako ang pinakapaborito mong artista noong kabataan mo, o baka naman hanggang ngayon ay may sama ka pa rin ng loob dahil ako ‘tong nakuha gayong ikaw ang nagaudition.”natatawa pang saad ni Mama. Magaling na artista si Mama kaya kung hindi lang ako nito anak, pakiramdam ko’y hindi ko malalaman kung ano nga ba ang totoong nararamdaman niya.

Hinila ko na rin naman ang laylayan ng damit nito sa takot na makipag-away pa siya. Nakasimangot naman siyang sumakay sa kotse ni Esai. Tahimik lang kaming lahat, walang ni isang nagsasalita hanggang sa tuluyan ng makarating sa bahay ni Lola.

Matagal silang nakatingin do’n, kita ko pa ang pagngiwi ni Ate nang mapatingin siya sa bahay. Hindi naman kasi ‘yon kalakihan, katulad nga ng sabi ko’y sobrang simple lang nito at kung ikukumpara talaga sa bahay namin ay talaganv manliliit ang mga ‘to.

Binuksan ko naman ang bahay dahil ako ‘tong may susi para rito.

“We’re really going to stay here, Mama? Sobrang liit!”sabi pa ni Ate. Hindi ko maiwasang mairita roon, kahit paano’y may tatlong kwarto naman dito, kwarto ni Lolo’t Lola noon, kwarto ni Mama at silid ni Mama Ella.

Hindi naman nagsalita si Mama at nanatili lang nakatingin sa ilang painting ni Lola, alam kong wala silang masasabi pagdating sa linis ng bahay dahil kada pumupunta ako rito’y hindi nawawala sa isipan ko ang paglilinis.

Nagtungo naman na ako sa kwarto para ayusin ang ilang gamit ko, napangiti naman ako ng tipid sa mga painting ko, para akong hinehele nito, it was as if they were comforting me, I know na mas mahihirapan na mag-adjust si Mama at Ate but I’ve never know na ako pala ‘tong mas mahihirapan sa aming tatlo.

“Oo, papasok na.”saad ko kay Natalie mula sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako bago niligpit ang mga kalat nina Mama at Ate rito sa sala. It’s almost a month pero parang wala silang natututunan, parang hindi pa rin sila makapag-adjust, gusto kong sabihin na wala na kaming mga katulong ngunit wala naman akong nadadatnan na kahit na sino rito sa bahay kaya paano ko naman ‘yon gagawin, hindi ba?

“Late ka na, Asterin.”sabi niya sa akin.

“Alam ko, ibaba ko na ‘to.”sambit ko bago pinatay ang tawag. Hindi ko na rin magawang iperfect ang attendance sa madalas na pagkakalate. I have a present to live for and a dream to make, sa hindi ko malamang dahilan, hindi ko pa rin maiwasang bitawan ang pagpipinta at pagdodrawing, sa kabila ng dami kong ginagawa sa school at sa bahay.

“Ma, alis na po ako.”sambit ko na kinatok ang pintuan ng kwarto ni Mama ngunit walang sumagot kaya napabuntong hininga ako, paniguradong tulog pa ito, alam ko’y lumabas siya kagabi, nakipagparty sa mga kaibigan, katulad ng madalas niyang ginagawa noon. Ayaw ko siyang pagbawalan pero hindi na tulad ng dati ang buhay namin kaya hindi ko magawang intindihin. Napabuntong hininga na lang ako bago sumakay sa bus na magdadala sa akin sa school.

“Ms. Guanzon, alam kong nahihirapan ka ngunit hindi na tama ang araw araw na pagiging late mo.”sambit ng prof namin sa araw na ‘to. Napakagat ako sa aking mga labi bago ko pinaglaruan ang mga daliri habang nakatingin sa guro, hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko.

“Sorry po, Ma’am,”nahihiya kong saad, halos lahat ng kaklase’y nakatingin sa akin ngayon.

“Go back to your sit, let’s talk again later.”sambit niya kaya napatango ako at nagbuntong hininga bago nagtungo sa upuan ko.

“Ayos ka lang?”tanong ni Pia sa akin, tumango lang ako bago nakinig, kailangan kong bumawi kahit sa rito man lang, kailangan kong makapasa kahit hindi na matataas. Nang matapos ang klase’y sumunod lang din ako sa kung nasaan ang guro. Tahimik lang naman akong naupo sa tapat ng upuan niya.

“Asterin, alam kong matalino ka.”anito.

“Alam kong may pinagdadaanan ka rin pero bumaba na ang grado mo sa dalas mong pagkalate at paminsan minsang pagliban sa klase.”sambit niya.

“Naiintindihan ko po.”ani ko at tipid na ngumiti.

“Hija, kaya pa ba?”tanong niya. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango kahit na medyo nangilid ang luha dahil sa sinabi nito. Pakiramdam ko’y pagod na ako.

Lumabas na rin naman ako ng room ng guro pagkatapos ng pag-uusap namin. Agad naman napatingin ang mga kaklase ko sa akin ngunit hindi ko na pinansin pa ang mga tingin nila.

Bumalik lang ako sa pag-aaral dahil wala akong oras mag-aral sa bahay, sa dami kong ginagawa. Kinahapunan, nakita kong may tawag mula kay Esai. Pakiramdam ko, wala akong oras sa lahat. Madalas pa rin niya akong kausapin ngunit hindi ako ganoon kadalas kung magreply sa kanya. Siguro’y isang reply sa isang araw sa dami nitong text. He didn’t bother me that much, I appreciate that, sometimes I just really want to be alone.

Ako:

Pauwi na ako. Nasa bus na ako, sorry.

Nang nasa bahay na’y, napapikit na lang ako nang makita ang mga kalat sa loob, kanina lang ay niligpit ko na ito ngunit ngayon ay mayroon nanaman. Wala akong nagawa kung hindi ayusin ‘yon. Napakunot ang noo ko nang makarinig ng hagikhikan mula sa kwarto ni Ate, dahan dahan akong lumapit doon para silipin siya.

“Omg! Stop it, Mave.”natatawa niyang saad, nakaawang ang pinto kaya kitang kita ko silang dalawa ni Kuya Mave. Halos halikan siya nito sa leeg ngunit hindi roon nagtagal ang tingin ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang painting sa canvas niya. That’s the piece I’m working for almost a month, ‘yong sinira ni Mama noon. Ganoon na ganoon ‘yon.

“What are you doing there, Asterin?”galit na sambit ni Ate nang makita niya akong nasa tapat ng pinto niya. Parehas silang natigil sa paghaharutan ni Kuya Mave. Kung normal na araw lang ito’y paniguradong hindi ko ‘yon papansinin but that’s my idea!

“That’s my painting.”hindi ko mapigilang sambitin bago tuluyang pumasok sa kwarto niya. Natawa naman siya sa akin doon. Hindi ko alam kung coincidence lang ba dahil wala akong matandaang nakita niya ‘yon.

“Paanong naging sa’yo gayong ako ang gumawa?”tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay. Hindi ko siya makapaniwalang tinignan. Natawa naman siya at nilingon pa si Kuya Mave na siyang nakaupo lang sa kama nito tila nalilibang na pinapanood kaming nagtatalo. Nilibot ko pa ang mga mata rito sa kwarto niya, some of my ideas are here, halos lahat ng pinaghirapan kong isipin, dinagdagan niya lang ng kaunti.

“Sa susunod kasi, don’t easily trust someone.”nakangisi niyang saad habang dinuduro pa ako.

“Right, Mavs?”tanong pa nito na hinalikan niya sa pisngi. Napakuyom naman ako ang kamao ko tila alam ko na kung paano niya nalaman ang mga ‘yon.

“Oh, don’t tell me you still like Mave?”natatawa niya pang saad.

“I just use you to be with your sister, huwag mong sabihing umasa ka?”natatawang tanong naman ni Kuya Mave sa akin. Mas lalo lang kumuyom ang mga kamao ko dahil doon. I can’t believe na nagustuhan ko ito, para akong masusuka sa ideyang ‘yon.

“Nagtiis ako sa almost 3 years na umay na umay ako sa pangit mong mukha.”sambit niya pa kaya rinig ko ang hagalpak ng tawa ni Ate. Hindi ata nila alam na sa simpleng mga salita, kayang kaya nitong sirain ng ganoon kabilis ang kumpiyansa sa sarili ng isang tao.


Shadow of PastUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum