Chapter 24

1.6K 60 1
                                    

Chapter 24
Asterin’s POV

I was about to call Manong Lito pagkalabas ko ng music academy ngunit laking gulat ko nang makita si Esai na siyang nakaupo lang sa hagdan sa labas.

“What are you doing here? Kanina ka pa?”tanong ko sa kanya ngunit masama ang tingin na binalik niya sa akin.

“I told you not to pick me up,”hindi ko mapigilang sambitin kaya naman pinagtaasan niya ako ng kilay.

“I told you na ihahatid kita.”sabi niya naman kaya napakibit ako ng balikat.

“I also told you na huwag mo na akong ihatid, hindi mo nabasa?”tanong ko at kakalikutin pa sana ang phone ko.

“You told me when you’re already in the bus, tinawag kita, hindi mo ako nilingon.”nakasimangot niyang saad. Medyo nagulat naman ako roon ngunit napakibit na lang ako ng balikat.

“And what plan are you talking about?”kunog niya pang tanong.

“Hmm, I heard Crisha and Grace saying na Crisha will go to your house, ayaw mo no’n? Hindi na kita pinahirapan pa!”natatawa kong saad ngunit mas lalo siyang napasimangot at hinila ako na maupo sa tabi niya.

“Wala kaming napag-usapan na ganoon.”sabi niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita ko siyang nagdidial ng numero. Mabilis lang sumagot, niloud speaker niya pa kaya nalaman ko agad na si Crisha lalo na ng marinig ang malambing na tinig nito.

“Hey, Esai,”hindi ko alam pero nakikita ko na agad ang malapad na ngiti mula sa mga labi nito.

“Did you tell someone that you’ll go to my house?”diretsang tanong ni Esai. Matagal naman na natahimik si Crisha bago ito sumagot.

“No, of course not, why would I? You didn’t invite me…”natatawang saad nito ngunit malambing pa rin ang tinig. Nang lingunin ako ni Esai ay agad ko siyang pinagtaasan ng kilay at nginiwian.

“Sinasabi mo bang sinungaling ako?”tanong ko kay Esai na nakatingin sa akin. Iritado akong tatayo na sana ngunit hinila niya ulit ako pabalik.

“Asterin will never lie so better tell the truth.”sabi ni Esai. Nakasimangot pa rin ako habang naghihintay ng sagot ni Crisha.

“I swear Esai, I didn’t really tell someone things like that!”sabi pa ni Crisha mula sa kabilang linya.

“Baka naman mali lang ang narinig niya, as if naman gagawin ko ‘yon, you know me too, hindi lang naman siya ‘tong kilala mo,”ani Crisha. Kusa na lang akong napairap doon ngunit pinirmi ko lang ang mukha nang makitang nakatingin sa akin si Esai, amuse.

Hindi naman na siya nagsalita pa kay Crisha at pinatayan na rin ito ng tawag, parang gusto ko namang kurutin ang sarili nang makaramdam ng kaunting tuwa roon.

“Bakit hindi mo paniwalaan tutal ay hanggang gabi naman kayong nag-uusap at halos araw araw na magkasama.”sabi ko na napairap pa ngunit nakangising nakatingin sa akin si Esai kaya naging masama ang tingin ko sa kanya.

“Ano?!”inis kong sambit at bahagya pa siyang tinulak.

“I don’t really know what’s wrong with you, but your action and words lead me to one word… jelousy…”aniya kaya halos masamid ako sa sarili kong laway.

“So tell me, are you jealous, Elin?”tanong niya kaya halos mamutla ako sa kinauupuan. Napahawak ako sa aking mga daliri at pinaglaruan ‘yon.

“Maybe I am?”patanong na sagot ko na hindi siya nililingon.

Really?”hindi ko alam ngunit matutunugan ko ng tuwa ang tinig nito.

“Don’t worry you don’t have to mind me, I’ll mind my own feelings.”ani ko.

“Why would you get jealous when you’re the only woman I like.”aniya kaya agad na nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Hindi naman na niya inulit pa ang sinabi at hindi na rin ako nagtangka pang magtanong.

“We stay up all night last night because I’m helping her editing things.”sabi niya kaya napakibit ako ng balikat.

“We’re always together because she ask me to teach her how to take photos. I can stop hanging around with her if you don’t wan--”paliwanag niya pa kaya nagsalita na ako.

“You don’t have to explain, you can be with her anytime.”sambit ko kaya agad niya akong pinagtaasan ng kilay. Napatawa naman ako ng mahina roon.

“Seriously, totoo nga!”sambit ko dahil nakatitig lang siya sa akin at malapad pa rin ang ngiti. Napailing na lang ako at inirapan siya.

“Let’s go, mayroon ka pang klase ngayon.”sabi niya sa akin kaya napatango ako. Nagtungo naman na kami sa bahay kalaunan, kalmado lang ako ngunit sa loob loob ko’y nagwawala na ang puso dahil hanggang ngayon hindi pa rin mawala wala ang sinabi niya sa akin.

“I’ll go now, thanks,”sabi ko at nginitian siya bago kinawayan. Nang pumasok ako sa loob ay ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso. Nakahawak lang ako roon hanggang sa punahin ni Mama.

“Asterin, anong ginagawa mo riyan?! Kanina pa naghihintay si Mrs. Mercado!”sabi niya kaya napatango naman ako at nanakbo na sa loob. Nang matapos ako sa lahat ng gagawin at nahiga na sa kama. Hindi ko maiwasang mapatingin lang sa kisame at kumurba na lang din ang mga ngiti mula sa aking mga labi. Gusto niya ba talaga ako?

“Ano ba, Asterin, kokotongan kita kapag umasa ka riyan.”inis kong bulong sa sarili ngunit hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa aking mga labi. Napayakap pa ako sa unan ko habang tuwang tuwa na nirerecall ang sinabi nito.

Mas lalo lang lumapad ang ngiti nang makakita ng text mula kay Esai. Kanina pa ‘yon, mga alas nueve.

Esai:

Good night! Sleep well tonight :)

Hindi ko nanaman mapigilang mapangiti dahil lang sa simpleng mensahe nito. Kahit pigilan ko man ang sarili, mas lalo lang akong nahulog pa sa kanya sa mga araw na lumipas.

“What should I buy, Ate?”hindi ko mapigilanh tanungin si Ate Elai na siyang kausap ko ngayon mula sa kabilang linya.

Mas mauuna pang magbirthday si Esai kaysa kay Ate kaya abalang abala akong naghanap ng panregalo para sa mga ito. Hindi ko naman lubos na maisip kung anong ibibigay ko sa kanila.

Kay Ate’y paniguradong matutuwa na ‘yon sa mga mamahaling damit, kay Esai naman ako namomroblema. Well, alam ko naman na magugustuhan niya kahit ano pero sana ‘yong magagamit nito.

“I think kahit ano namang bilhin mo para sa kanya ay magugustuhan no’n.”natatawang saad ni Ate Elai sa akin mula sa kabilang linya.

“Drawing mo nga lang ay tuwang tuwa na ‘yon.”sabi niya pa at tumawa. Natigil naman ako roon at nagkaroon ng ideya para sa ibibigay ko sa kanya.

“I think I know na, thank you, Ate Elai, see you tomorrow po!”nakangiti kong saad kahit hindi naman ako nakikita nito.

“Alright, see you tomorrow, Asterin! Mwaps!”napatawa naman ako roon bago tuluyan ng binilhan ng regalo si Ate. Nagmadali naman na rin akong umuwi at naging abala na sa pagpipinta. I think I’ll just give Esai a painting. I don’t know kung magugustuhan niya, sana hanggang dumating ang kinabukasan, august 18, abalang abala pa rin ako sa pagpipinta.

Napatingin ako nang makitang tumatawag si Esai sa akin.

“Hi, good evening.”bati niya kaya hindi ko maiwasang mangiti.

“Hello, Esai, nandiyan na sina Mama?”tanong ko dahil kanina pa ako tinatawag ng mga ‘yon, sinabi ko lang na mauna na sila dahil patapos pa lang ako.

“Oo, are you busy? Hindi pa pupunta?”tanong nito.

“Sunod na lang ako, may exam kami tomorrow.”palusot ko at bahagya pang natawa sa sarili, well, totoo namang may exam kami pero hindi naman ‘yon ang pinagkakaabalahan ko ngayon.

“Oh…alright…”sabi niya. He sound disappointed pero pinigil ko ang pagtawa. Pinatay ko naman na ang tawag dahil mukhang wala pa siyang balak na gawin ‘yon. Naging abala na rin naman ako sa pagpapatuyo ng painting ng matapos.

Halos alas nueve na ako natapos, naligo lang ako at nag-ayos bago binalot ang regalo kay Esai. Napangiti naman ako ng matapos, well, proud din naman ako sa sarili dahil nagawa ko ng maayos ‘to. Sasabay naman kasi talaga dapat ako kina Mama kung hindi lang ako natagalan sa pag-iisip kung anong litrato niya ang ipipinta. Namili pa ako sa mga reference ko pero ang ending kung anong litratong nasa utak ko ang pininta ko. I don’t know what’s wrong with me pero the first time I saw him, ‘yon ang ipininta ko. Bus scene.

“Hoy, saan ka na, Aste?”tanong ni Ate Elai.

“Papunta na po.”sabi ko. Well, hindi rin naman niya mapapansin kung nandoon na ako dahil sigurado akong abala rin ‘yon sa kanyang mga kaibigan. It’s his 18th birthday kaya sigurado akong may inuman din ‘yon.

Nang makarating, tulad nga ng inaasahan ko, punong puno ang bahay nila ng mga kaibigan niya. Nilibot ko naman ang paningin ngunit agad na akong binati ni Ate Elai na siyang nasulyapan agad ako.

“Asterin! Ang tagal mo, kanina pa tuloy nakabusangot birthday boy!”natatawa niyang saad sa akin. Nailing na lang ako dahil pinagtitrip-an nanaman ako nito.

“Asterin! Ang tagal mo! Kanina pa kita hinihintay!”agad naman akong napatingin kay Macy na siyang nakasimangot sa akin. Nagkatinginan naman sila ni Ate Elai.

“Ate, this is Macy, Macy, si Ate Elai, kapatid ni Esai.”sabi ko, dahil friendly naman si Macy, agad niya itong binati ngunit tumaas lang din ang kilay ni Ate Elai tila ba nanantiya ngunit kalaunan ay nagkasundo rin sa kung ano. Hinayaan ko naman silang mag-usap na dalawa.

“I really want to try that hairstyle kaya lang ay ayaw pumayag ni Mama!”nakangusong saad ni Ate Elai kaya napangiti na lang ako. Minaintain na kasi talaga ni Macy ang buhok nito ngayon.

“Lagay ko lang ‘to roon, Ate, Macy.”paalam ko sa kanila at tinuro ang gift section. Tumango naman sila dahil parehas na nagkakasundo. Ilalapag ko na sana ngunit agad akong napatalon sa gulat nang marinig ang tinig ni Esai.

“Ang tagal mo, I thought you forget that it’s my birthday.”nakasimangot niyang saad sa akin kaya agad akong napahawak sa aking dibdib.

“Bakit ba nanggugulat ka?”nakasimangot kong saad at sinamaan pa siya ng tingin. Hindi naman nagbago ang ekspresiyon nito kaya napangiti ako.

“Sorry na, busy talaga, busy ako sa birthday gift mo.”sabi ko at bago pa maibaba ang regalo niya, nahawakan niya na agad ito.

“Where’s my greeting?”tanong niya kaya ngumiti ako.

“Happy birthday, Esai!”bati ko sa kanya. Unti unti namang napalipatan ang pagkakasimangot niya ng ngiti. Napakunot naman ang noo ko nang walang sabi sabi niyang binuksan ang regalo, para bang batang excited sa natanggap. Nailing na lang ako at hinayaan siya roon.

Agad lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi nang tuluyan ng makita ‘yon. Pinagmamasdan ko naman ang mukha nitong tinitigan ang painting ko. Nakangiti niya akong nilingon.

“Salamat.”aniya ay nginitian ako.

“Happy birthday ulit, sana huwag kang makulong.”ani ko kaya nagtawanan na lang kaming dalawa.

“Ehem, ‘yang ngiti mo Esai, para kang nanalo sa lotto.”natatawang saad ni Kuya Koa na siyang nanukso pa sa kapatid.

“Shut up, Kuya.”inis namang saad ni Esai dito. Naiiling na lang akong nagpaalam sa kanila para sana kumain na ngunit agad tumaas ang kilay ko nang nakasunod sa akin si Esai pagkatapos lang ng ilang minutong pagpasok niya sa kanilang bahay.

“What?”kunot noo kong tanong.

“Entertain your visitors, Esai.”sambit ko na mahina pa siyang tinulak.

“What? You’re my vistor too.”sabi niya naman kaya agad siyang inasar ni Ate Elai na siyang pinuntahan ko.

“Grabe, ganyan ka na ba kalala, Esai, tigilan mo nga si Asterin.”natatawang saad nito. Si Macy naman, ako ang inasar. Tuwang tuwa dahil nagkakasundo sila ni Esai. Iniwanan pa nila kaming dalawa kaya nailing na lang ako.

Nang gabing ‘yon, halos hindi kami naghiwalay ni Esai hanggang matapos ang kaarawan niya. It’s pretty fun tho, kahit na kung ano ano lang ang pinag-uusapan namin. Hanging out with him is really good. Masaya ako at parte ako ng kaarawan nito ngayon.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon