Chapter 37

1.8K 65 1
                                    

Chapter 37
Asterin’s POV

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na sikat si Esai sa social media, bukod sa sikat siya bilang isang magaling na photographer, he’s also businessman, 2 years na rin ata siyang nagtatarabaho kung bibilangin ang lahat dahil mayaman naman na talaga sila at marami ng business, madali lang ding napasakanya ang ilang business nila.

Ang alam ko rin ay ayaw ni Ate Elai na maghandle ng business nila, ‘yon ‘yong sabi niya sa huling pag-uusap namin.

Hindi ko maiwasang manghinayang para sa sarili, it supposed to be my last year in college ngunit dahil hanggang grade 12 lang naman ang natapos ko sapagkat nagsimula na rin akong magtrabaho nang makatapos. Siguro’y kahit paanong paborito pa rin Niya ako, saka lang binigay ang pinakahihintay kong glow up noong nakagraduate na ako.

Sumali ako sa pageant sa amin, sa awa ng Diyos ay nagawa ko namang manalo, naghahanap din ng bagong model ng bayan namin no’n ang Mayor ng probinsiya kaya kung sinuswerte ka nga naman, nakilala ako ng ilan. Masiyado ng maraming gastos si Mama Ella noon, gusto niya man akong pag-aralin, alam kong medyo hirap na rin siya sa pagpapaaral at pagpapagamot kay Mama noon.

“Hala, pinafollow ka talaga ni Sir Esai, Ma’am Ae?”tanong sa akin ni Maricel at akala mo’y binudburan ng asin sa kilig.

He cause ruckus when he followed me, ako lang ang nag-iisang taong pinafollow nito sa kagagawang account na ig niya. Kaya maski tuloy sa following nito sa photography account niya’y napansin nila. Pati sa twitter. Ni hindi ko alam ang mga ‘yon, panay ang mention nila sa twitter.

“Tignan mo pa ito, Ms. Ae!”sabi ni Maricel at nilapit sa akin ang phone niya. Napakunot naman ang noo ko roon, agad akong napanguso nang makita ko ang article na gawa ng kung sino. Esai is now my rumored boyfriend! Aba’t sobrang linaw talaga ng mga mata ng tao. Nagawa pa nilang makita ang necklace na lagi kong suot sa photography account ni Esai.

Sinubukan ko naman ‘yong stalk-in, aba’t sobrang layo na no’n, it was posted years ago, bago niya pa ibigay sa akin. Ang dami pang nakamention sa akin sa twitter tungkol do’n. Medyo nahiya naman ako kay Esai dahil paniguradong magugulo ang tahimik nitong buhay dahil lang sa akin, well, hindi naman sobrang tahimik dahil may mga nakikita akong usapin tungkol sa kanila ni Ate.

Ang ending tuloy, si Mama Ella ang namomroblema sa mga issue tungkol sa aming dalawa, siya ‘tong pinatawag ng big boss. Hindi niya naman ako pinagalitan dahil alam niya rin ang totoo, hindi naman kasi ako nagsisikreto ng kahit na ano sa kanya.

Maya-maya lang ay pumasok na ang make up artist dito sa set, nag-ayos na lang naman si Maricel ng mga gamit doon.

Bahagya naman akong nagulat nang makita ko si Chora, she’s the stylist here, hobby niya rin ‘to kahit na marami na siyang salon. Agad akong napangiti sa kanya nang lumapit siya sa akin.

“Ang ganda mo lalo, Asterin.”she can easily compliment you. She’s actaully a schoolmate, ang alam ko’y kaklase ito ni Esai.

Halos kasama ko ito noong nagsisimula ako, she’s also starting that time. Parehas kaming baguhan sa industriya pero kita mo bigatin na ito ngayon.

“Salamat, Chora, bisita ako next time sa salon mo, I don’t have so much time, sobrang dami ring projects.”ani ko at nginitian siya.

“Sobrang bigatin mo na kasi.”natatawa niyang saad ngunit nailing na lang ako roon.

“Ikaw ‘tong bigatin sa ating dalawa.”ani ko dahil halos ng mga artista’y suking suki sa salon niya, maski ang mga big project dito’y kinukuha rin siya bilang stylist.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa nagpaalam na rin sa isa’t isa dahil naging abala na ako sa shoot habang siya’y may mga inaasikaso ring artista.

“I want a pin too! I want the yellow one.”sambit isang batikang artista. She’s Alice, she’s really pretty, maraming beses ko na ‘tong nakatrabaho at ang masasabi ko’y hindi kasing ganda ng mukha niya ang kanyang ugali. Hindi ko naman masasabing maganda ang akin at hindi ko rin ikukumpara ang sarili sa kanya.

“What are you looking at?”tanong niya na pinagtaasan pa ako ng kilay. Sa industriyang ‘to, kapag hindi ka lalaban, mamaliitin ka, kailangan matibay ang loob mo lalo na sa mga bitchessang tulad nito. Minsan nagpapasalamat na lang ako na may maldita akong Ate.

“Stop acting like you own the place, Ms. Alice, mahiya ka naman.”sambit ko bago tumayo dahil ako na ang magshushoot. Lalapit pa sana ito sa akin ngunit hinarang na agad siya ni Maricel dahil alam na nito ang mangyayari, kay Mama Ella siya malilintikan kung sakali. Nagsimula na rin naman ang shoot kalaunan. Naging abala lang din ako sa pagmememorize ng script habang nandito sa set.

Nang matapos ay nagtungo pa sa isang photoshoot for shampoo, naging mabilis lang naman din ang takbo ng araw ko, umuwi rin agad kami sa bahay nang matapos, as always, nakakapagod. Sanay na ako roon, ang sabi ko nga kay Tita, hanggang sikat pa’y tanggap lang ng project na bet namin.

“Inayos ko na ang mga requirements mo, sa susunod na linggo’y pupwede ka ng mag-aral ulit. Talaga bang kaya mo?”tanong ni Tita sa akin dahil kinukulit ko siya, ang sabi ko’y gusto ko talatang mag-aral muli. 2 years associate degree for business ‘yon, I want to learn, siguro nga’y talagang naghahanda ako na kapag ayaw na sa akin ng lahat, mayroon akong pagkakakitaan. And I want to pursue it again… my long time dream…

Hindi ko kayang sukuan, minsan ay nakakatulugan ko ang pag-iisip, hindi mawala sa isipan ko ang pagpapatayo ng sarili kong museum and enjoy painting again. I want to draw. Kada uuwi ako’y gusto kong magdrawing at magpinta.

“Akyat na ako, Mama Ella, tatawagan ko si Mama mamaya.”sabi ko bago nagmamadaling nagtungo sa kwarto. Well, maaga kaming umuwi ngayon kaya may oras akong gawin ang gusto.

Nagtungo ako sa art room matapos kong maglinis ng katawan. Well, madudumihan din naman ako pero kahit na. It still my favourite diary, hindi nakakapagod panoorin ang nga kulay na naghahalo sa isa’t isa.

Ang mga painting na mayroon ako, minsan kong dinadala sa auction para sa mga bata sa orphan. Marami akong plano, hindi ko habangbuhay gusto ang pagiging artista. Siguro sa tagal ng panahon, minahal ko na rin naman ‘yon, mahal ko ang mga taong sumusuporta pero sigurado naman ako e, na madali lang akong talikuran.

Tinawagan ko naman na si Mama nang matapos akong magpinta, kahit paano’y sinusubukan naman naming dalawa. She’s trying to be a good mother and so I am.

“Hello po, Ma. Kakatapos ko lang pong magpaint.”sambit ko sa kanya nang sagutin niya ang tawag.

“Sabi nga ng Tita mo, Nak.”aniya at nginitian ako.

“You really love to paint no?”nakangiti niyang tanong, for the past few years, she really tried to ask me what do I really like. I appreciate it. Hindi ko alam kung dahil ba guilty ito, dahil ba wala na si Ate at ako na lang ang anak niyo o baka gusto niya lang maging ulirang ina. Ano man ang dahilan, masaya ako, masaya ako na binibigyan niya ako ng atensiyon hindi dahil sa may nagawang mali.

“Opo, Mama, sobra,”nakangiti ko ring saad. Tinanong ko naman kung kumusta ang araw nito, nagkwento lang siya sa mga nangyari sa bahay, napangiti na lang din ako roon.

“I’ll visit you soon, Mama. Ingat ka po diyan.”sambit ko na kinawayan pa siya. Ngumiti naman siya at tumango sa akin.

Nagpahinga na rin naman ako ng matapos ‘yon. Kinabukasan, maaga akong nagising dahil maaga ang shoot ko ngayon. Maski nang nasa sasakyan na’y natulog pa ulit ako dahil medyo late ng nakatulog.

Nang makarating sa set ay agad akong sinalubong ni Harvee. Malapad ang naging ngiti niya sa akin nang makita.

“Hi! How are you? Ngayon lang ulit ako nakadalaw.”nakangiti niyang saad. He hugged me bago inabot ang bulaklak sa akin.

“Anong ginagawa mo rito? You’ll just cause some gossip kung patuloy ka pang pupunta. Hindi ko mapigilang sambitin sa kanya. Kalove team ko ito, people just ship us together dahil sa mga palabas na tinambalan naming dalawa.

“Wow, sweet boyfriend.”sambit ni Alice at nakangisi pa ngunit makikita ang iritasiyon mula sa kanyang mga mata. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na mag-ex sila.

“Oo nga, Ms. Ae, bagay kayo!”nakangiting saad ng baguhang artista kaya naman agad siyang inirapan ni Alice at sinabihan ng kung ano anong mga salita.

“I told you, we look good together, bakit ba kasi ayaw mo pa akong sagutin.”natatawang bulong sa akin ni Harvee, agad naman akong napangiwi roon. He’s always flirting with me, sa likod at harap ng camera kaya madalas sinasabi ng mga tao na kami talaga when the truth is I don’t really like his cocky attitude. Napairap na lang ako bago naglakad patungo sa tent ko.

Nakasunod naman si Harvee sa akin bibit ang bulaklak na dala niya. Nilingon ko naman siya at pinagtaasan ng kilay.

“Ganyan ka ba kabakante ngayon at talagang sunod ka ng sunod?”tanong ko na pinagtaasan siya ng kilay. Napanguso naman siya sa sinabi ko. Naiirita ako lalo na’t kapag may nakabuntot sa akin.

“Kung alam mo lang kung gaano karami ang project ko.”aniya at patuloy na kinuwento ang mga project kuno niya. Hinayaan ko na lang siyang magdadakdak do’n habang nagpapamake up sa make up artist ko. Naiiling na lang din ‘to sa kayabangan ni Harvee. Ilang beses na rin akong binalaan ni Mama Ella tungkol sa lalaki, marami raw ‘tong nadadali.

Wala naman akong gusto riyan, maliban sa pagkainis, wala na akong ibang nararamdaman para sa kanya. Our fans ship us together kaya wala akong magawa kung hindi ang pakisamahan siya.

“I’ll go now, see you tomorrow, Ae.”nakangiti niyang saad at kumaway pa sa akin. Hindi ko siya pinansin.

“Job well done, Ae! Galing talaga!”palakpak ng director nang matapos ang scene ko. Nagpasalamat naman ako roon at ngumiti. Naglakad na ako pabalik sa tent dahil iba na ang aarte.

“Hi, Ae, uhh… I bake some cookies last night, baka gusto mo.”nakangiting saad sa akin ni Gerald.

“Thanks.”sambit ko at kinuha lang ‘yon. Mabait naman kasi ito at maayos din ang pakikitungo sa nga staff. You can see the kindness of people on how they treat others, not just you. Minsan kasi baka mabait lang ‘yan sa’yo dahil ikaw ang nasa tuktok, watch how they treat people beneath them, ganoon din ang magiging trato nila kapag wala na sa’yo ang lahat.

Nagtungo naman na ako sa upuan ko, I don’t really interact with other artist that much, hindi ko lang maiwasang isipin ang naging trato ng lahat kay Mama noong nawala ang sa kanya ang lahat, ‘yong mga close friend pa mismo niya ang nanira sa kanya at ginatungan ang article na lumabas, ‘yong interview ni Ate noon.

Nang matapos ako sa pagmememorize ng ilang lines sa script, ginamit ko ang ilang minuto sa pagdodrawing sa tab ko. I really wish to do what I really like. When I was finally done dahil katagal ko ng dinodrawing ang update na ‘yon, pinublish ko na sa webtoon account ko. It’s different from my sunray account. This time ako lang ang nakakilala sa sarili, walang kahit na sino. Maski si Ate Elai ay hindi alam na nagtutuloy pa rin ako sa pagdodrawing.

Nang maipost ko na, hindi ko maiwasang maligaw sa account ni Esai. Agad napakunot ang noo ko nang may makitang hate comments sa ilang kuha niyang litrato sa photography account niya.

@agsfsha: AeVee pa rin!
@AeVeelangs: May asungot nanaman! Harvee lang bet no’n! Asa ka na lang haha

Hindi ko naman maiwasang maguilty doon, I know Esai, gusto niya ng payapang buhay kaya medyo nag-aalala ako dahil fans ko ang ilang nagcocomment doon. Well, may mga nice comment naman pero kahit na.

@AeEndrano: Hi, I just want to say sorry for what my fans said…

Or maybe I just really want to have communication with him…

Shadow of PastWhere stories live. Discover now