Chapter 31

1.6K 57 0
                                    

Chapter 31
Asterin’s POV

“I have so many chika!”nakangiting saad ni Macy but… not to me. Nang mapansin niya akong nasa gilid lang at dadaan din ay simple niya lang akong tinanguan at nginitian ng tipid. Ganoon lang din ang ginawa ko bago ako naglakad patungo sa classroom namin.

It’s been a month since tuluyan na kaming hindi nag-usap na dalawa. Wala kaming pinagtalunan o ano, hindi kami nag-away, walang parinigan, walang kahit na ano. Dumating na lang sa point na unti-unting hindi na kami nagkausap pang dalawa.

Noong una, hindi lang nakakasabay sa lunch dahil parehas kaming naging abala hanggang sa hindi na rin kami nakapag-usap sa chat. Then, tuluyan ng hindi nakapag-usap maski sa personal. Kapag nagkakasalubong ay ngiti na lang ay sinusukli sa isa’t isa. She’s been a good friend, siya lang halos nakakaalam ng mga bagay na hindi ko sinasabi sa ibang tao but I know everything is temporary, kaya ‘yong mga taong nandiyan sa tabi mo ngayon, sulitin mong makasama dahil baka bukas wala na. Hanggang doon na lang talaga.

Maybe some people is just with you through out the phase of your life but not with you with the whole journey. Some people is just part of the chapter but not with whole book.

But I won’t say that I’m not hurting, kahit paano’y apat na taon din ang pinagsamahan naming dalawa at ngayon ngitian na lang ang sinusukli, ang dami pa naman din naming plano. That girl, she really cried that day, hindi ko alam kung alam niya na ba o ano na mangyayari ‘to. I’m always missing those ‘I have chika’ words from her. We tried pero ito lang ang kinahantungan, masaya na ako na kahit paano’y nagngingitian pa rin kami.

“You should try this one, para naman hindi nagdadry ‘yang lips mo.”sambit ni Natalie at iniabot sa akin ang lipbalm at ilan pang lipstick. Hindi naman ako mahilig sa make up but I can’t help but to admire those people who does. I mean they know the different shade, sobrang daming mememoryahin, katulad ng ibang bagay, kailangan mo ring magensayo para maperfect ang perfect look na gusto nila.

“Uhh, thanks, Natalie.”sabi ko at ngumiti pa sa kanya. Kahit paano’y hindi naman pala ganoon kasama ang ugali nitong si Natalie ngunit madalas talaga’y ganoon na nga.

“If I know, hindi mo rin naman gagamitin.”sabi niya pa at umirap bago naupo sa tabing upuan ko. Seatmate kami kaya wala siyang choice kung hindi kausapin ako lalo na’t ang ilang kaibigan niya rin ay nasa ibang section.

“Asterin, look at this!”natatawang pakita ni Pia sa akin. Kahit paano’y mayroon na rin akong ibang maituturing na kaibigan but I don’t know, it just make me wonder lang kung bakit kahit medyo marami naman ay iba pa rin talaga kapag ‘yong mga taong nakasanayan mo. Maybe, masasanay din ako.

“Leny! Nakita mo na ba ‘yong update ng Light me up?! Gagi ang ganda na!”napatingin ako sa ilang kaklase nang pag-usapan nila ang comics ko. Hindi ko naman mapigilan ang ngiting kumurba sa aking mga labi dahil sa sinabi ng mga ‘to. Nagkunwari naman akong abala sa pagbabasa kahit na ang totoo’y nakikinig ako sa usapan nila.

“Oo! Grabe, ang gwapo talaga ni U! Sana all na lang.”anila. Medyo nakikilala na rin ang ilang comics ko kaya pinalitan ko rin ang pangalang naroon.

“Halos kababasa ko lang ng moonlight kiss pero, Sis! Sobrang solid.”natatawa pang saad no’n. Malapad ang naging ngiti ko roon habanv nakatingin pa rin sa libro.

“Uy, anong nginingiti ngiti mo diyan, Asterin?”tanong nila sa akin. Napatikhim naman ako dahil do’n.

“Hindi ka naman nagbabasa ng novel!”sambit nila na tinignan pa ang libro ko.

“Don’t tell me you’re also fan of Sunray?”tanong ni Pia sa akin at nanliliit ang mga mata. Napalunok naman ako dahil sa mga tingin nila. Napatikhim na lang ako bago napatango kaya nagtilian ang mga ‘to.

Shadow of PastWhere stories live. Discover now