Chapter 15

1.9K 81 2
                                    

Chapter 15
Asterin’s POV

“Asterin,”napatingin ako nang may tumawag mula sa gilid ko. Napatingin ako kay Natalie nang tawagin niya ako. Nagtataka kp naman siya tinignan, hindi naman kasi ako kailanman kinausap nito.

“Tawag ka ni Ate ko.”masungit na saad niya at tinuro ang isang babae mula sa labas ng pinto namin.

“I don’t know her.”hindi ko mapigilang sambitin.

“And you think she does?”tanong niya naman na nakataas ang kilay sa akin. Hindi ko naman maiwasang mapakunot ang noo dahil do’n. Napabuntong hininga na lang ako bago ako tumayo at lumapit sa sinasabi niya. Napatingin naman ako sa babae, girl, she have the body! Ganda rin ng mukha, parang isang manika.

“Oh, you’re that girl?”nakangisi nitong saad. Nagtataka ko naman siyang tinignan.

“Don’t give me that look, sa kabila ng pangit mong mukha, talagang nagawa mo pang lumandi?”nakangisi niyang saad sa akin.

“Excuse me, Ma’am, I don’t understand.”sambit ko na naguguluhan sa kanya.

“Huwag kang mag-maang maangan, hinaharot mo si Esai, hindi ba?”tanong niya sa akin. Mas lalo naman napakunot ang noo ko dahil dito.

“Ganyan ba kababa ang taste niya? Baka hindi mo lang din alam, she’s courting Grace.”sambit pa ng isang kaibigan nito. Bahagya naman akong natawa roon.

“Straight your argument first, Miss. If he’s courting her and sinasabi niyo pong mababa ang taste niya, then you’re also implying that—“nilingon ko pa ang Grace na tinutukoy nito.

“So you’re saying na pangit ako? Look at the mirror para makita mo kung ano ang depinisyon ng pangit.”sabi niya pa sa akin. Napakuyom na lang ang kamao ko roon at nginitian na lang siya.

“I already know that po and Esai’s not my type.”sabi ko at ngumiti sa kanila bago lalagpasan na sana ang mga ‘to ngunit narinig ko na agad ang kani kanilang opinyon.

“You think type ka ni Esai? Sa pangit mong ‘yan naghahangad ka ng gwapo?”tanong pa nila at nang-iinsultong tumawa. Mas lalo lang humigpit ang pagkuyom ng aking mga kamao.

“Ayy, may rule po pala?”natatawa kong tanong. Mas lalo namang kumunot ang noo nila sa akin at nginiwian pa ako. Hindi ko na lang din pinansin pa ang narinig na pang-iinsulto mula sa kanila at dire-diretso na sa paglabas. Natigil naman ako nang makita si Esai na kumukuha lang ng ilang litrato, I don’t want to ruin his imagine.

Tama rin naman sila, bakit nga ba kasi sa akin pa ito nakikisama? Napabuntong hininga na lang ako at imbis na lumabas ay bumalik na lang din sa classroom. Nagulat naman ako nang makita ko si Macy na nandito na sa tapat ko.

“Akala ko ba’y naghahabol ka sa exam?”nagtataka kong tanong.

“Sinaktan ka ba? Aba’t gagantihan kita!”sabi niya pa kaya natatawa ko na lang ‘tong hinila at inilingan.

“No, hindi, hayaan mo na, ayos lang naman ako.”aniko bago ako umupo ulit.

“Saka tapos ka na bang magexam at nakikipagchismisan ka na rito?”tanong ko na pinanliitan pa siya ng mga mata.

“Tapos na. Sabi nina Margaret ay sinugod ka raw ng Ate ni Natalie!”sabi niya sa akin bago naupo sa harapan ko. Kahit kailan talaga’y walang paawat si Margaret. Napailing na lang ako do’n.

“Speaking of the devil.”bulong sa akin ni Macy nang lumapit sa amin si Margaret.

“Huh! Huwag ka kasing masiyadong feeling Asterin, gumagaya ka kasi rito sa kaibigan mo, parehas kayong maharot, hindi naman kagandahan. Nasisira ang image nina Kuya Esai at ni Kuya San e.”sabi ni Margaret at inirapan pa kaming dalawa ni Macy.

“Girl, huwag masiyadong mataas ang pangarap. Ikaw din, baka masaldak.”natatawang saad naman sa akin ni Natalie na siyang inirapan pa ako. Napabuntong hininga na lang ako, nasaan na ba ang payapang buhay na hinihiling ko?

“Dahil sa’yo ay tinatawanan si Kuya Esai, sa pangit pa talaga nakikihalubilo.”natatawang saad ni Natalie.

“Ayy may ganoon? Mabuti’t nakikipaghalubilo kayo sa isa’t isa?”tanong ni Macy habang nakatingin kay Natalie at Margaret na nagkatinginan.

“Of course, kaibigan ko na si Margaret no matter what she looks like.”sabi ni Natalie kaya agad napakunot ang noo ni Maragaret doon.

“Anong sabi mo?”inis na tanong nito. Ang ending tuloy sila ang nagsabunutan habang malakas lang ang paghagalpak ng tawa ni Macy habang nakikinood sa kanila. Napailing na lang ako roon. Wala na kami gaanong ginagawa ngayon dahil patapos na ang school year, pumapasok na lang kami para tapusin ang pasok sa school calendar. Napailing na lang ako sa kanila at tumayo na para lumabas ng classroom. I’ll just sketch, iwas stress.

Nagtungo lang ako sa field kung saan madalas akong tumambay. Pumwesto lang ako sa may lilim, hindi ko mapigilang mapatingin sa kalangitan, napangiti na lang ako sa naglalakad na mga ulap, tila rin nagsasayawan ang mga ito. Kanya kanya ring lipad ang mga ibon, how does it feel to be that free? There’s no need to please anyone but theirselves. Nang matapos akong magdrawing ay tumayo na rin naman ako dahil uwian na.

Napatingin ako sa classroom namin nang makita ko si Esai na naghihintay sa tapat, mas madalas na kaming nagkakasabay dahil hindi rin naman sila busy at wala na ring gaanong ginagawa. Hindi ko maiwasang maalala ang sinabi ng ilang schoolmate namin, maybe tama naman sila, iwasan ko na lang din talaga siguro ito, dadating din naman siya sa puntong ‘yon kaya bakit hindi ko na lang agahan.

“Hi,”nakangiti kong bati sa kanya.

“Hindi ako makakasabay sa’yo, I need to go in the academy.”sabi ko at ngumiti sa kanya. Wala talaga akong klase ngayon doon pero para lang takasan ang pagsabay sa kanya’y magtutungo na rin ako.  Pupwede naman akong manatili roon, baka nga mas lalo pang matuwa si Mama kung malaman niya.

“Ihahatid na kita.”aniya at ngumiti rin pabalik sa akin.

“Hindi na, baka magcocommute or ihahatid na lang ako ni Manong Lito.”sambit ko sa kanya. Matagal lang naman niya akong tinignan bago siya napatango.

“Hmm, fine, samahan na kitang maghintay.”ang mga ngiti sa labi nito’y hindi pa rin nawawala. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kanya dahil dito, parang mas nagkakapagod pang mag-isip ng alibi rito kaysa pakinggan ang ibang tao. Huwag ko na lang kayang ituloy?

“Hindi na! Bye,”sambit ko at kinawayan pa siya. Kita ko naman ang paninitig niya sa akin hanggang sa tuluyan na akong umalis. Hindi ko naman na siya nilingon pa nang tuluyan na akong makatakbo patungo sa sakayan ng bus.

Napangiwi naman ako nang makasakay sa bus, I’m worried that I’ll ruin is image, katulad nga ng sabi nila. Napabuntong hininga na lang ako at nangalumbaba lang na nakatingin sa labas ng bintana. Naging ganoon lang ang trato ko sa kanya makalipas ang ilang araw, minsan ay iniiwasan ko na lang din talaga siya para hindi na kailanganin pang mag-isip ng kung ano anong palusot.

“Hey,”natigilan ako nang makita siyang nasa tapat ng bahay.

“Anong ginagawa mo rito?”tanong ko sa kanya.

“Sinusundo ka.”nakangiti niya naman sambit sa akin. Kumaway naman ang nasa likod niyang si Kuya Koa.

“Pinagpaalam ka nanamin kay Tita.”sabi nito.

“Sabay ka na sa aming pumasok.”nakangiti niya pang saad.

“Sasabay din ako!”napatingin kami sa nagmamadaling si Ate. Pumasok naman agad siya sa front seat. Pinagbuksan naman na ako ni Esai ng pinto. Hindi ko naman maiwasang mapakunot ang noo dahil dito. Sumakay na lang din ako at nangalumbaba habang nakatingin sa labas. Ramdam ko ang titig ni Esai sa akin ngunit hindi ko na lang din pinansin pa. Sinubukan niya akong kausapin ngunit tipid lang naman ang mga naging sagot ko.

Nang makarating kami sa school ay bumaba na rin naman agad ako pagkatapos kong magpaalam sa kanila nina Kuya Koa.

“Ihatid na kita.”nakangiting sambit ni Esai sa akin ngunit tinanggian ko na agad ito.

“Lapit lang ng classroom namin. Kering keri ko ng maglakad.”sabi ko na kinwayan na lang siya. Nang makarating ako sa classroom ay agad akong inusisa ni Macy.

“Iniiwasan mo si Kuya Esai no?”tanong niya, nakailang beses na itong nagtanong sa akin at ulit ulit lang naman ang tanong niya. Nailing na lang ako ako sa kanya dahil ulit ulit ko ring sinasagot ang tanong nito.

“Don’t tell me ayaw ka na ni Kuya Esai, huwag ka kasing masiyadong mafeeling.”sabi ni Natalie na siyang dumaan sa gilid namin. Mukhang nakikinig din sa pag-uusap namin ni Macy. Hindi ko na lang din ‘to pinansin at natulog na lang din sa lamesa ko dahil late na akong humiga sapagkat tinapos ang panibagong update sa moonlight kiss.

Nagpalipas lang kami ng oras, kung ano ano lang ginagawa ng mga klase ko dahil wala rin naman kaming klase. Ang iba’y hindi na rin pumapasok samantalang sinusulit naman ng iba ang pakikipag-usap sa ilang kaklase dahil malapit na talaga ang bakasiyon. Sigurado rin ako na hindi na kami magkakaklase.

Nang magtungo kami sa cafeteria’y napangiwi pa ako kay Macy nang tawagin niya si Esai para sabayan kami sa pagkain. Napatingin naman sa akin si Esai bago siya naupo sa katapat kong upuan. Isinawalang bahala ko na lang ‘yon at tahimik na kumain. Hindi rin siya nagsalita nang makitang wala akong balak na makipag-usap. Agad kong sinamaan si Macy ng tingin nang makita kong dahan dahan ‘tong tumayo.

Agad naman siyang napapeace sign nang tuluyan nang makaalis sa gawi namin. Hindi ko mapigilang mapairap sa kanya dahil do’n. Wala akong nagawa kung hindi ang sumabay kay Esai sa pagkain. Tahimik lang kami nang basagin niya ang katahimikan.

“Sabay tayo?”tanong niya.

“Hmm, may academy pa ako.”sabi ko naman at ngumiti pa sa kanya. Nanatili naman ang titig nito sa akin. Hinayaan niya na rin naman akong umalis kalaunan. Akala ko’y makakauwi ako ng payapa ngunit bahagya akong nagulat nang makita ko siyang nasa tapat ng classroom ko. Binabati siya ng ilang estudyanteng nadadaan ngunit parang walang narinig ang suplado. Lalagasan ko na sana siya ngunit agad niyang nahawakan ang palapulsuhan ko.

“Can we talk?”tanong niya sa akin.

“Kahit saglit lang.”sabi niya pa kaya napatango na lang ako at sumunod sa kanya. Huminto naman kami sa walang gaanong tao. Matagal niya akong tinignan tila ba nagdadalawang isip kung magtatanong.

“Iniiwasan mo ba ako?”seryosong tanong niya sa akin.

“Yeah.”sagot ko rin naman sa kanya. Alam kong matalino ito, hindi niya naman ‘yon tatanungin kung wala siyang napapansin o ano.

“Bakit?”tanong niya sa seryosong tinig pa rin. Kita ko rin ang pagkakuryoso nito habang nakatingin sa akin.

“You find me boring now?”tanong niya sa akin. No, of course not, he’s fun to be with. Hindi ko lubos na maisip kung paanong boring siya kung he’s that someone na ilulook forward mong makasama.

“Nah, I can hang out with you all day without getting bored.”sambit ko naman.

“Why are you avoiding me then?”tanong niya na pinagtaasan na ako ng kilay.

“Hmm, because that’s what people want. I don’t want to ruin your image just by hanging out with me.”sabi ko at nginitian siya.

“What about hanging out with you? Image na? Bakit? Huwag mong sabihing may ginagawa kang kababalaghan—“napatawa naman ako sa tanong nito.

“Wala no!”sabi ko at napairap pa sa kanya.

“First of all bakit masisira ko kung wala naman akong image na iniingatan. Second, bakit ba ang hilig mong pakinggan ang iniisip ng ibang tao? Is that what you think din na?”tanong niya sa akin. Tinignan ko lang naman ang mukha nito, matagal ding pinag-isipan ang kanyang tanong. Umiling naman ako sa kanya.

“Nah, bakit naman masisira just by hanging out with me gayong wala naman akong matandaang ginawa ko na nakasira sa aking dignidad.”sambit ko, hindi ko akalain na talagang sasabihin kung ano ang tingin ko. Napatitig naman siya sa akin dahil do’n bago dahan dahang napangiti.

“’Yon naman pala e, I don’t care about what they say, the only opinion that I want to hear is yours.”sabi niya at nginitian pa ako ng malapad.

Shadow of PastWhere stories live. Discover now