Chapter 49

1.8K 65 0
                                    

Chapter 49
Asterin’s POV

“Grabe! Kastart lang nating maging magnobyo at nobya, ‘yan na agad nasa isip mo.”puna ko sa kanya dahil ang lakas ng tibok ng puso, gusto ko lang pigilan. Agad naman tumaas ang kilay niya sa akin.

“Hindi kita minamadali…”sambit niya sa akin.

“I know…”nakangiti kong saad sa kanya.

Nagpatuloy naman kami sa pagkain. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil dito. Talagang kinakausap siya nina Mama at hindi ko mapigilan ang tuwa dahil do’n.

“Hmm, you won’t tell me what happen earlier?”tanong niya sa akin nang matapos kaming kumain at naghuhugas na ng pinagkainan. Umakyat na si Mama Ella sa taaa dahil aasikasuhin niya rin ang ilang naiwan kong drama, balak kong tapusin ‘yon bago ang lahat, pati na rin ang ilang ads kaya lang ay mukhang tinatadtad na ng tawag si Tita at ikinacancel ang mga ‘yon dahil nga sa cheating incident na binibintang ng mga tao sa akin.

“Wala naman, baka magquit na ako sa showbiz.”sabi ko na napakibit ng balikat. Nahinto naman siya roon at nilingon ako.

“Are you okay?”tanong niya na nag-aalala, ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Siguro noon, hindi ko alam kung paano ko sasanayin ang sariling makabasa ng mga hate comments patungkol sa akin ngunit ngayon ay hindi ko na inisstress pa ang sariling tignan ang social media ko para tignan ‘yon. Baka masaktan lang din kasi ako kapag nakita ko ang ilang fans na tinalikuran na ako, well, alam ko naman na tatalikuran din nila ako ngunit hindi naman ibig sabihin na tila wala lang ‘yon.

“Of course, I am. I’m sorry…”sambit ko sa kanya.

“You should be the one I’m asking if you’re fine…”ani ko.

“Pati ikaw ay nadamay, sorry, unang araw pa lang natin ngunit ang dami dami ng nangyari.”sambit ko na niyakap siya sa likod nang habang nagbabanlaw siya ng plato. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa nito.

“It’s true tho, we’re together.”sambit niya na iniharap ako, malapad ang ngiti. Nahawa na lang din ako sa ngiti nito. Well, the media is not actually lying, we are together, ang mali lang ay ang pagsimpatya nila kay Harvee. Well, naintindihan ko naman ang mga tao dahil for years, pinalabas ng agency na kami kahit walang official statement. Hindi ko lang magets ang media dahil ang galing nilang pikutin ang utak ng tao gamit ang kanilang mga salita.

“I’m sorry,”sambit niya kaya pinagkunutan ko siya ng noo.

“For what?”tanong ko naman na napanguso.

“For not being there noong panahong nakakarinig ka ng masasakit na salita galing sa kanila.”aniya kaya nginitian ko siya.

“Sus, you’re already here. Bawi ka na lang.”sabi ko sa kanya. Napangiti naman ‘to sa akin.

Umalis naman na siya mga midnight, ni ayaw pa nga niyang umuwi, parang gusto pang dito na matulog. Well, gusto ko rin naman ‘yon kaya lang ay may trabaho pa ito bukas.

“Asterin.”tawag ni Mama Ella sa akin.

“Marami raw media ang nag-aabang sa’yo sa set maski sa labas ng village. Huwag ka munang lumabas, sinabi na rin ni Direct.”sabi ni Mama Ella sa akin. Well, expected ko naman na, na mangyayari ito. Maski sa school ay nandoon sila nang malaman na nag-aaral ulit ako.

For days, ganoon lang ang nagyari, madalas ay nasa bahay lang ako, I actually enjoy it, para nga akong nagbakasiyon dahil nagagawa kong magdrawing at magpinta rito sa bahay. Sobrang dami ko ring ideas kaya nakakatuwa, hindi ko alam kung dahil ba excited lang talaga ako o ano.

Esai:

I’m already here.

Napangiti naman akong tumakbo palabas ng pinto para pagbuksan si Esai, well, nagagawa niyang pumunta rito sa bahay dahil pinapapasok naman siya ng guard.

“Hi! Tapos na work mo?”tanong ko sa kanya.

“Yup, I brought some food.”sabi niya kaya napatango ako.

“Let’s watch some movies dahil ‘yon lang naman ang magagawa natin dito.”sambit ko sa kanya.

“Ano?”tanong ko nang nakatingin lang siya sa akin.

“I want to watch you paint more than watching drama…”sabi niya kaya inirapan ko siya.

“Hindi ko alam na ganyan ka pala kapatay na patay sa akin.”natatawa kong biro sa kanya. Kumain muna kami bago umakyat para magtungo sa art room. Sus, ang painting ko ang gustong tignan ng isang ‘to, hindi ako. Hinayaan ko naman siya roon. Dala niya rin ang laptop niya dahil dito rin naman siya mageedit, well, nalilibang naman akong makipagkwentuhan sa kanya kahit parehas kaming abala sa kung ano. Inspiration flow within my brain kapag kasama ko ito, hindi ko alam kung dahil ba masiyado lang akong masaya kapag nandito ito ano.

Nagawa ko ring ipinta siya habang pinagmamasdan ‘to, aba’t imbis na siya ang manood sa akin, baliktad ang nangyari. Nang matapos ako’y napangiti na lang din habang nakatingin sa pinta ko.

“You probably don’t know about this but I tried to talk to you when I was in senior high school but you just ignored me.”sambit ni Esai habang nakangiti ring nakatingin sa pinta ko. Titig na titig lang siya roon.

“I don’t remember, edi sana’y kinausap din kita.”sabi ko naman sa kanya. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nangyari noon. Aba’t nagawa niya pang itanong kung kailan ko siya nagustuhan.

“Kailan nga?”pangungulit niya pa.

“Hmm, I think noong summer vacation? I’m not that sure, akala ko’y paghanga lang…”sabi kaya napangiti siya habang hawak hawak ang mga daliri ko.

“The first time I saw you I know that it’s already love…”aniya kaya napatawa akong inirapan siya.

“Ang korni mo! Walang ganoon!”natatawa kong saad. Love at first sight? I don’t think so. I don’t believe that. I think it will took more than that. Attraction at first sight, pupwede pa siguro. Malalim ang ibig sabihin ng pagmamahal, hindi basta basta maibibigay sa isang taong kakakita mo pa lang.

Nagtungo rin kami sa sala para manood ng movies kalaunan. Magtatagal nanaman ito rito dahil dalawang oras ang movie’ng panonoorin. Hindi ko naman maiwasang mapangiti habang nanonood, ang bidang babae’y nagkaroon ng masayang pamilya after ng pagsubok na kinaharap nito.

“Elin…”pabulong na tawag niya sa akin.

“Hmm?”tanong ko naman habang nasa screen pa rin ang mga mata.

“Do you see your future with me?”tanong niya sa akin. Napaisip naman ako roon, I always dream being with him, him being there when I reach my dream, spending days with him… through night and days… waiting for him to go home when I was the first one na dumating and him being my so called home…

“Hmm, I do…”pabulong na saad ko. Pinaglaruan ko lang naman ang mga daliri nito at nagawa pang ngumiti sa kanya. He gently kiss me, sobrang lalim.

“I can’t wait to hear you say I do when we’re already in the altar.”pabulong niyang saad sa akin after that magical kiss. I also want that to happen. I can’t see myself being married with someone else unless it’s him.

That night, dito na rin siya natulog dahil medyo gabi na, umuwi na lang din kinaumagahan dahil may trabaho pa.

“Good morning, Mama Ella.”bati ko kay Mama Ella habang sumisimsim ng dark choco ko. Mukhang malalim ang iniisip inito kaya hindi ako napansin. Tumihikhin pa muli ako kaya napatingin siya sa akin.

“Good morning, Nak.”ngumiti siya sa akin, tinabihan ko naman ito, nakatingin lang siya sa painting ni Lola na nasa pader.

“Malapit mo ng hindi makita ‘yan dito, Mama Ella.”nakangiti kong saad. I’m really excited na makapagpatayo ng sariling art gallery.

“Pupwede namang araw araw dumalaw sa art gallery mo.”nakangiti niya ring sambit. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa iba’t ibang bagay hanggang sa seryoso akong tinignan nito.

“Nak, watch this.”sambit niya na nilabas ang phone, inabot ko lang din naman ‘yon.

“Asterin, maganda siguro kung magsalita ka na, mas lalo ka lang ginigipit ng big boss.”sabi ni Mama Ella sa akin habang pinapanood namin ang news patungkol sa inilabas na statement ng agency na sinasabing naterminate na raw ang contract dahil hindi raw sila tumatanggap ng cheater na artista. Hindi ko naman maiwasang mapatawa roon.

“Hayaan mo na, Mama Ella, huhupa rin ‘yan, makakalimutan din nila ‘yan.”naiiling ko na lang na saad.

“Last night… si Esai…”napatingin naman ako sa kanya nang marinig ang pangalan ni Esai.

“Ano…”nagtataka ko naman siyang tinignan.

“Ano, Mama Ella?”tanong ko na napakunot ang noo dahil hindi niya gustong ituloy kung ano man ang sasabihin.

“’Yong isang fans na patay na patay kay Harvee, nagpunta sa opisina ni Esai pati sa studio niya, pinagbabato ng itlog ang sasakyan.”sambit ni Tita na parang wala pa siyang balak sabihin sa akin kung hindi pa ako nagtanong. Napakunot naman ang noo ko dahil do’n.

Ang balak ko kapag katapos ng drama ko, saka ako magsasalita, saka ko ring sasabihin na magreretire na ako ngunit parang hindi ko matanggap na nakakatanggap ng batikos si Esai mula sa mga fans ko at fans ni Harvee. I don’t really want to say something about the issue bilang pagrespeto na rin sa big boss sapagkat kahit paano’y nakarating ako sa kung nasaan ako dahil sa kanya, dahil gusto niya ring kumita ng pera. But I don’t think I can keep my silence when people around me na ang nadadamay. Hindi ko ‘yon gusto.

“Talk to Mr. Cariazo, Mama Ella, magpapaconference ako today.”sabi ko sa kanya kaya natigilan si Mama Ella.

“As in ngayon? Aba, akala ko ba’y huhupa rin?”tanong niya pa at umiling nang nakangiti sa akin.

Katulad nga ng sabi ko, nagtungo rin kami sa conference room kung saan gaganapin ang interview without my agency, I have Mama Ella naman kaya malakas din ang loob ko. Alam ko namang wala rin akong ginagawang masama kaya naman bakit ako matatakot, hindi ba? Nandito na rin ang ilang media.

“Good morning,”bati ko sa kanila at ngumiti pa ng tipid.

“Good morning, Ms. Endrano, totoo po bang nagloko kayo?”mabilis na tanong ng isang reporter. Aba’t mga excited masiyado.

“How can I cheat when I don’t even have relationship with Harvee.”nakangisi kong sambit. Marami pa silang tanong hanggang sa may narinig akong tanong na…

“Talaga po bang inakit kayo ni Mr. Gallejo gamit ang pera?”seryosong tanong ng isang reporter. Hindi ko maiwasang matawa dahil sa tanong nito. Where did they even found that information.

“Hmm, nah, I like him since then, he’s my long time crush, high school hanggang ngayon.”sambit ko kaya agad silang nagtikhiman tila ba hindi naniniwala sa akin.

“Kaya ba nagloko ka nang malaman mong may gusto rin siya sa’yo?”tanong ng isang reporter, talagang humahanap lang ng butas sa sinasabi.

“I already answer that question, I don’t like Harvee,”sambit ko.

“What about ‘yong mga pagtingin tingin niyo sa isa’t isa? Ibig po bang sabihin ay pag-arte lang ‘yon?”tanong pa ng mga ito.

“Hmm, should I answer honestly? Yup.”sabi ko na tumango pa, kita ko naman ang gulat sa mga mata ng mga ito.

“I don’t really have relationship with him noong una pa lang. I like someone else, I told you so please hate me for all you want but don’t hate Esai, he didn’t do anything wrong, don’t even try to bother him.”sambit ko. Para akong nagbabants pero kasi naman mali talaga.

Hindi ko sasabihin na manyak si Harvee dahil kahit paano’y may respeto pa rin naman ako sa kanya but I’ll really put him to jail. Sa dami ng paninirang pinagsasabi niya’y dapat lang talaga na magpasalamat siyang wala siyang narinig na kahit ano sa akin.

“She did not cheat nga! Tignan niyo ang ilang litrato, kakapost lang sa social media!”sabi ng isang reporter kaya napatingin kami sa kanila.

“What about these pictures, Ae? Is this really you?”natigilan naman ako nang ipakita nila ang ilang mga litrato naming dalawa ni Esai noong high school ako. Panahong wala pa ang glow up na hinihintay. Kita ko ang panlalaki ng mga mata ng mga ito at mukhang gulat na gulat. Talagang lalabas ang lahat kapag ganitong nag-umpisang maging kuryoso ang mga tao sa’yo.

“Ikaw ‘to? Nagparetoke ka?”tanong pa no’ng isa kaya napangisi ako. People really intend to assume things kahit wala naman silang ebidensiya o ano.

Shadow of PastDove le storie prendono vita. Scoprilo ora