Chapter 16

1.8K 82 3
                                    

Chapter 16
Asterin’s POV

“Aalis ka?”tanong ni Ate sa akin nang makita akong nakapanglakad.

“Opo, Ate, I’ll go to Lola’s house today.”sambit ko kaya nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay.

“Do you want to go with me?”tanong ko pa sa kanya ngunit umiling lang siya at nilagpasan ako, tuwing kaarawan o ‘di naman kaya’y pista ng mga patay lang nagtutungo ang mga ito sa puntod ni Lola. Alam ko namang maiintindihan ‘yon ni Lola kaya lang sana’y dalasan din nila.

“Good morning po, Ma.”bati ko kay Mama bago ako nagmano, pumwesto naman na ako sa kabilang banda ng hapag at nagsimula na ring kumain.

“May klase ka buong araw bukas, hahayaan kitang umalis ngayon.”sabi niya sa akin. Tumango naman ako roon, start na ng vacation namin ngunit mayroon pa rin akong aral every other day, madalas na kailangan ko pa ring magtungo sa academy at mag-advanve naman para sa dadating na pasukan kahit na matagal tagal pa naman ang bakasiyon. Napakibit na lang ako ng balikat at tahimik na lang na nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos ako’y lumabas na rin naman ako at tinawagan na si Esai na siyang kasama kong tutungo roon ngayon.

“Good morning.”bati ko sa kanya mula sa kabilang linya.

“Good morning, Elin.”bati niya naman, agad akong napatingin nang marinig ang tinig niya mula sa gilid ko.

“Oh, kanina ka pa diyan?”nagtataka kong tanong sa kanya. Nginitian niya lang naman ako.

“Sana’y tinawagan mo na ako.”sabi ko sa kanya.

“Hmm, it’s actually fine.”nakangiti niyang saad.

“Let’s go?”tanong ko sa kanya, nginitian niya naman ako bago tumango. Nagkwentuhan lang kami habang naglalakad palabas ng villa sure, kung ano ano lang ang pinag-uusapan naming dalawa hanggang sa tuluyan ng makalabas ng villa, naghintay lang kami ng cab na dadaan at sumakay na rin.

“Sa Guardian’s orphan po.”sabi ko sa driver.

“Are you really sure na sasama ka? Baka mabored ka lang doon.”sambit ko sa kanya.

“I doubt that.”sabi niya naman kaya napakibit ako ng balikat sa kanya. Niyaya ko lang naman kasi ito dahil akala ko’y tatanggian niya ‘yon, hindi ko naman akalain na sasama talaga siya sa akin.

“Why? Bored ka ba kapag nagtutungo roon?”tanong niya, agad naman akong umiling.

“Why would I? Sobrang ganda kaya roon! Sobrang saya rin kapag kausap ang mga bata saka masayang magturong magpinta sa kanila.”malapad ang ngiting saad ko. Nakatitig lang naman siya sa akin habang nagkukwento ako. Nakikinig lang sa mga sinasabi ko kahit hindi ko alam kung may kwenta ba ‘yon o ano.

Maya-maya lang ay nakarating na rin kami sa Guardian’s orphanage. Agad akong kinawayan ni Leny nang makita.

“Hala! Hindi ka nagsabi na dadalaw ka!”sabi niya sa akin at nanliit pa ang mga mata nang mapatingin sa likod ko.

“Aba’t hindi mo rin sinabing magdadala ka pala ng boyfriend dito.”mapang-asar na saad niya pa kaya agad akong umiling.

“Ate! Hindi po!”sabi ko at napanguso pa. Malakas naman itong napatawa sa naging reaksiyon ko. 

“Ate Leny, this is Esai, kaibigan ko po.”pinagdiinan ko talaga ‘yon para hindi niya na ako asarin pa. Napatawa naman siya sa paraan ng pagpapakilala ko rito. Napangiwi naman ako sa kanya dahil do’n.

“Esai, this is Ate Leny, madalas siyang nagbabantay ng mga bata rito sa orphanage at malapit lang ang bahay niya rito.”turo ko sa bahay ni Ate na ilang hakbang lang mula orphanage.

“Yup, kaya nga kahit mahimbing na ang tulog ko’y nagagawa pa rin akong tawagin.”hindi ko alam kung nagrereklamo ba ito o ano. Napailing na lang ako sa kanya.

“Hali kayo, pasok lang.”pag-aanyaya niya sa amin. Pumasok lang naman kami ni Esai sa loob, kita ko naman ang pagtingin ni Esai sa paligid, mukhang medyo kuryoso rin sa lugar.

“Maliit lang na orphanage ito, pili lang din ang mga kinukuha nilang bata dahil hindi naman ganoon kalaki ang budget para sa mga ito.”pagkukwento ko kay Esai. Napatingin naman siya sa akin at napatango pa habang nakatingin sa ilang batang nagtatakbuhan.

“That’s why I’m trying to help kahit kaunti lang, sa pamamagitan ng mga painting ko, sa auction, hindi naman ganoon kalaki dahil hindi naman ako kilala.”sabi ko at ngumiti sa kanya. Nakatingin lang naman ito sa akin.

“That’s cool tho..”aniya at napatingin lang sa ilang painting na nadaanan namin.

“Not everyone have the ability to find ways.”sambit niya pa at ngumiti sa akin.

“Can I take pictures?”tanong niya sa akin. Nagpaalam naman kami kina Manang Loisa, ang ilang nangangalaga rito sa orphanage. Pumayag din naman ang mga ito.

“Are you the one who paint these?”tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya tinignan niya ako at nginitian.

“That’s why it give me a glimpse of your personality.”nakangiti niyang saad habang nakatitig dito. Napakunot naman ang noo ko roon bago sinilip ang ilang painting ko. They also said that, sometimes the artwork itself reflect about the person behind that.

“Are you still selling this?”tanong niya at tinuro ang nakahilerang pinta na nasa wall. Bahagya naman akong nahiya, minsan ay tuwang tuwa ako na nakikita ang pinta rito ngunit minsan ay hindi ko rin maiwasang tanungin ang sarili kung worth it nga bang isabit ‘yon, kung worth it bang tignan ng ilan pang mga mata.

“Why are you going to buy it?”natatawa kong tanong.

“Yeah.”sambit niya naman kaya agad na nanlaki ang mga mata ko.

“Huh?”gulat ko pang tanong, hindi alam kung nagbibiro ba ito o ano.

“I want to help the kids, you’ll donate the money, right? At the same time, I like it.”sabi niya pa at napakibit ng balikat. Pinanliitan ko naman siya ng mata dahil dito.

“And what? You’ll ask your Mom for money?”natatawa kong tanong sa kanya. Natural ‘yon nga ang mangyayari dahil estudyante pa lang naman ‘to.

“Nah, I also have my own work?”patanong na sagot niya naman. Napaisip naman ako roon, oo nga pala, kahit na estudyante pa lang, madalas na siyang kuhaning photographer ng ilang product, marami rin naman kasi silang connection kaya easy lang din para sa kanya ‘yon. Napakibit na lang ako ng balikat.

“Ask Manang, I already gave those artwork in this orphanage.”sabi ko sa kanya, tinotoo niya nga ang sinabi, ang ending ako rin ang nakipag-usap sa kanya dahil ako raw ang may-ari sabi nina Manang. Ilang oras din kaming nag-uusap patungkol do’n.

Maya-maya lang ay naging abala naman na siya sa pagkuha ng litrato sa paligid. Nagsimula naman akong magpinta habang pinapanood ang mga bata sa paglalaro. Hindi ko maiwasang mapangiti kaoag naririnig ang tawanan at pag-uusap ng mga ito, tila ba isang musikang masarap sa pandinig. Noong nandito pa si Lola’y madalas din siyang nakatambay dito sa orphanage at madalas akong dalhin upang makipaglaro sa ilang batang nandito.

Agad akong natigil sa pagpipinta nang makita si Sanjo na papalapit sa akin, agad lumapad ang ngiti ko at tumayo para lapitan siya.

“Hindi ko alam na bibisita ka pala ngayon, inagahan ko sanang tapusin ang ilanh trabaho sa loob!”nakangiti niyang saad sa akin.

“Nagpaalam ako kay Manang, sadyang ‘di niya lang sinabi sa’yo dahil alam niyang magmamadali ka nanaman.”sambit ko naman sa kanya. Si Sanjo’y kaibigan ko na noong bata pa lang, lumaki na ito sa orphanage kaya madalas kong nakakalaro dito noon.

“Dalasan mo naman ang pagbisita mo rito!”sabi niya at naupo pa sa upuan na pinag-uupuan ko.

“Bakit? Huwag mong sabihing miss mo ako.”natatawa kong pang-aasar sa kanya.

“Hindi,”sabi niya at nasa acrylic ko na ang atensiyon. Hindi ko naman maiwasang mapangiti do’n. Nakakasundo ko kasi ito pagdating sa pagdodrawing or should I say na naimpluwesiyahan ko siya? Wait, parang ang yabang naman no’n. Mayroon din siyang ilang pinta na nakadisplay dito, limited lang dahil wala itong perang pambili ng mga mamahaling gamit, ang sabi niya’y mas gusto niyang gamitin na lang ‘yon pangkain.

Tuwang tuwa ito kapag nakikita niya akong nagdadala ng mga gamit na pangpaint, madalas na nakikinood lang sa akin. Well, napapadalas din naman ako rito dahil sa bahay ni Lola ko dinadala halos lahat ng artwork ko, natatakot kasi akong makita ni Mama. Akala niya nga ata’y huminto na ako sa pagpipinta dahil maski sa labas ng bahay hindi ko na ginagawa pa.

“Here.”nakangiti kong sambit kay Sanjo, inabot ang ilang bagong cavas at nga acrylic na kabibili ko lang din.

“Hala?”bahagya naman siyang nagulat nang mapatingin do’n.

“Hindi ko ‘yan matatanggap, Asterin.”sabi niya at ilang beses pang umiling sa akin. Nagtataka ko naman siyang tinignan dahil dito.

“You want to paint, right? Then continue doing so? Hindi ko ito libre. When the time comes, bayaran mo ako.”sabi ko dahil alam kong wala siyang balak tanggapin ‘yon. Hindi niya naman alam ang sasabihin sa akin.

“Are you crying?”tanong ko sa kanya nang makitang nagpapahid ‘to ng luha.

“Oo, grabe ka! Baka mamaya’y doble ang singil mo rito!”sabi niya pa na umiiyak at tumatawa. Napailing naman ako sa istura niya.

“Tabi diyan, matuluan mo pa ng uhog ang painting ko.”sabi ko kaya agad siyang ngumiwi.

“Alam ba ng boyfriend mo ‘yang ugali mong ‘yan?”nanliliit ang mga matang saad niya sa akin.

“Boyfriend?”nagtataka kong tanong sa kanya. Nginuso niya naman si Esai na siyang nakahawak sa kanyang camera at ang mga mata’y nasa amin lang ang tingin.

“Kung makatingin ay parang papatayin ako.”pabulong na saad ni Sanjo. Nailing naman ako sa kanya do’n. Nilapitan ko naman si Esai at nginitian.

“Tapos ka ng kumuha ng litrato?”tanong ko sa kanya.

“Yeah.”nanliit ang mga mata ko nang mahimigan ko ang tinig nito ng pagkasuplado. Napatitig naman ako sa kanya, sinubukang memoryahin ang mukha niya.

“Bored ka na no? I told you..”sabi ko at napanguso.

“I’m not.”aniya naman na napakibit pa ng balikat bago ako nilagpasan. Hindi ko naman maiwasang magtaka pa lalo sa inaasal nito.

“What’s wrong with him?”pabulong na tanong ko kay Sanjo.

“Hindi mo pinakilala! Ipakilala mo ako.”sabi niya sa akin kaya nailing ako.

“Oo, sige.”sabi ko at nilapit siya kay Esai.

“Esai.”tawag ko rito kaya nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay.

“This is Sanjo, kaibigan ko, Sanjo si Esai, kaibigan ko rin.”sambit ko. Nakita ko naman ang pagtitig sa akin ni Esai na para bang may gusto pang tanungin ngunit tinikom na lang din namn ang bunganga kalaunan. Hinayaan ko na rin naman siya sa pagkuha ng litrato habang ako naman ay nagpatuloy na sa pagpipinta.

Nang matapos ako’y napatingin ako kay Esai na siyang nakatingin lang sa paligid. Hindi ko naman maiwasang maguilty dahil hindi ko man lang ‘to nagawang inetertain, mas naging abala pa ako para sa aking sarili. 

“Sorry..”mahinang sambit ko nang maupo sa kanya tabi.

“For what?”tanong niya naman sa akin.

“Hmm, for being busy with my artwork?”patanong na sagot ko naman sa kanya.

“It’s fine. It’s not your job to entertain me.”sabi niya naman sa akin.

“May I ask you something?”tanong niya at napatitig pa. Medyo naconscious naman ako sa tingin nito, minsan mararamdaman mong maganda ka sa paraan ng pagtingin nito pero minsan ay makakaramdam ka na lang ng hiya rito.

“Do you like Sanjo?”tanong niya kaya matagal lang akong napatitig sa kanya at maya-maya lang ay napahagalpak din ng tawa.

“Saan mo naman nakuha ang ideyang ‘yan, Esai?”natatawa kong tanong sa kanya. Napangiwi naman siya sa akin dahil do’n.

“The way you laugh around him and the way you act..”sabi niya, he was really attentive. Napatawa at napailing na lang ako do’n. Kahit kailan ay hindi ako nagkagusto kay Sanjo, may mga taong mananatiling kaibigan mo lang, na walang kahit anong nararamdaman para rito. Lalo na kapag nakasama mo ito mula pagkabata, sometimes it’s weird, I mean parang kapatid mo na ito dahil sa mga pinagsamahan niyo then one day magkakagusto ka? You’ll just ruin the friendship.

“I don’t like him romantically although I like him.”sabi ko naman at ngumiti. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay do’n.

“Don’t get me wrong, I like him as a person.”ani ko. Nakatingin lang naman siya sa akin dahil sa sagot ko.

“What about me? Do you like me?”tanong niya kaya natigilan ako.

“Yeah, I like you.”sagot ko.

“I like you too.”

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon