Chapter 4

2.7K 97 4
                                    

Chapter 4
Asterin’s POV

Pumasok naman na rin si Esai nang sabihin ‘yon. Tama rin naman siya dahil ang weird nga kung hindi naman ako nasanay na tawagin itong ganoon. Sumunod na lang din naman ako papasok sa loob. Lumapit lang din naman ako  kung nasaan sina Mama. Binati ko lang naman ang mga kausap nila.

“’Yan na pala ang bunso mo, Niela?”nakangiting saad no’ng isang babae. Sa hindi ko malamang dahilan, nakitaan ko ng disgusto ang mukha nito. Napakagat na lang ako sa aking mga labi at pinilit na iniwala ‘yon sa utak ko.

“Oo, Ate Nora.”sabi naman ni Mama at iniba na rin naman ang usapan. That’s why I don’t really want to attend things like this, lalo na kapag kasama ang ilang mga kaibigan ni Mama. Masiyado itong maraming plastik na kaibigan na kailangan pakisamahan, sobrang nakakadrain kapag nagsimula pa naman na magsalita sila tungkol sa kung ano ano.

Kami-kami lang halos ang nandito sa loob. Hindi na ako nag-abala pang ipilit na isama ang sarili sa usapan. Naglakad lakad na lang ako para silipin ang ilang bulaklak na nandito. Napatingin namam ako lavender na siyang nandito ngayon, hindi ko maiwasang amuyin ‘yon. Bahagya akong napangiti dahil talaga namang mabango ‘yon.

“They said if someone gave you a lavender, it’s sign of devotion.”napalingon naman ako kay Esai na siyang kanina pa nakatayo doon. Napatango naman ako do’n.

“The scent is calming and is also great for anyone who needs calming or stress relief.”sabi pa niya kaya hindi ko maiwasang mamangha dahil alam niya ang mga ganitong bagay although hindi naman na nakapagtataka dahil bali-balita rin naman na talagang matalino ito.

“Kaya ba akong pakalmahin niyan.”natatawa ko pang biro sa kanya. Matagal lang niya akong tinignan bago nagkibit ng balikat.

“As it supposed to do?”patanong na sagot niya.

“Does it make you calm then?”tanong ko naman sa kanya.

“Maybe it did or maybe I just believe that it did.”aniya at napakibit ng balikat. Sometimes you believe in things that aren’t real just to make yourself brave to do things that you don’t actually believe that you can, with or without that things.

“’Yon na pala ang anak ni Niela, akala ko naman kapag tumanda na’y gaganda na, pumuti lang, ganoon pa rin ang itsura.”natatawang saad nang isang babaeng dumaan sa gawi namin. Ni hindi ata napansin na nandito ako o sadyang pinaparinig lang talaga sa akin.

“Yeah, she’s still the black sheep of their family, kung gaano na kasuccessful ang Ate niya ngayon, kabaliktaran namam ng bunso.”sabi pa no’ng isa. Kumuyom ang kamao ko roon. I don’t really understand kapag sinasabi ng mga tao that they want us to enjoy our life being young but want us to make our name just because others already did.

“People really like to mind other business when they should focus on theirs.”saad ni Esai bago niya inabot ang isang pirasong lavender, hindi ko napansin na nakakuyom na pala ang kamao ko.

“Calm yourself. Don’t mind those—“hindi pa siya natutuloy sa pagsasalita nang putulin ko na agad ‘yon.

“I don’t mind them.”sambit ko kaya napatawa siya ng mahina at napakibit ng balikat. It’s rare to see him laugh, pati nga pagngiti nito’y tila ba kailangan mo pang bayaran.

“Your face is saying otherwise.”sabi niya sa akin. Hindi na lang ako nagsalita dahil hindi ko rin naman kailangan ipilit na hindi na wala akong pakialam sa sinasabi ng mga ito kahit na ang totoo’y iritado kapag nakakarinig ng mga ganoong bagay kahit na may katotoohan din naman ‘yon.

Maya-maya lang ay naging abala na rin halos ang lahat sa pagkukwentuhan at kung ano pa. Hinintay ko lang din sina Mama na magyayang umuwi kahit na kanina ko pa gustong magtungo sa bahay ngayon.

Napatingin naman ako sa labas nang makita ko si Kuya Koa sa labas. Naglakas naman ako ng loob para lapitan ito.

“Kuya Koa..”tawag ko sa kanya nang tuluyan nang makalabas. Agad naman niya kong nginitian nang makita.

“Hey, Asterin,”nakangiti niyang sambit at bahagya pa akong kinawayan. Pinaglaruan ko naman ang aking nga daliri bago ako nagtangkang lumapit sa kanya.

“What is it?”nakangiti niyang tanong sa akin.

“Uh.. I have something to ask you..”sabi ko sa nahihiyang tinig. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin.

“Don’t tell me you want to ask me out?”pabiro niyang saad kaya agad akong napailing sa kanya. Napatawa naman ito sa naging reaksiyon ko.

“I’m just joking.”natatawa pa rin niyang saad.

“I want to ask you if you can be my drawing reference?”kinakabahan na tanong ko habang pinaglalaruan pa rin ang mga daliri.

“It’s my pleasure!”nakangiti niyang saad sa akin.

“Oo naman no! Sige ba.”sabi niya na malapad ang ngiti.

“Did you already draw me?”bahagya pa itong naexcite habang nagtatanong. Napatango naman ako bago sinubukang mangalkal sa aking bag. Agad ko namang nahanap ang sketchpad ko at pinakita ‘yon sa kanya.

“Ang galing mo talaga, Asterin! Pwedeng hingin ‘tong isa? Saka hindi ito makatarungan, bakit parang mas gwapo pa ako rito sa drawing mo?”tanong niya pa sa akin habang malapad ng ngiti. Bahagya naman akong nangiti at natuwa dahil sa pamumuri nito sa akin.

“When are you available? What we need is to take a photo, right?”tanong niya pa ng nakangiti sa akin, agad naman akong tumango.

“Kung kailan po kayo pupwede, Kuya, I’ll make time po.”sabi ko sa kanya kaya malapad itong ngumiti sa akin.

“Saturday. 8 am sa court ng west sure.”sabi niya kaya agad akong napatango. Nang pumasok kami sa loob ay kita ko ang makahulugang tingin ni Ate sa akin. Agad tumaas ang kilay niya nang makita ako. Napatikhim naman ako bago nag-iwas ng tingin sa kanya.

Maya-maya lang ay nagsiuwian na rin naman kami. Papasok na sana ako sa kwarto nang hawakan ni Ate ang palapulsuhan ko.

“What was that, Asterin?”tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay.

“What was what?”tanong ko naman na nagtataka sa kanya.

“Stop being flirt, ang bata bata mo pa’y maharot ka na.”sabi niya kaya sa akin kaya nakakuyom ako ng kamao. Hindi ako sumagot o ano. Iritado niya rin namang binitawan ang palapulsuhan ko kalaunan. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ng pumasok ako sa loob, ramdam ko rin ang iritasiyon dahil do’n. How can she tell me that when she’s doing the same thing? Kapag pangit, bawal humarot? Ganoon ba ‘yon? She should get her point straight before telling me things.

Funny, how I tell things like these to myself and can’t even say something in my sister’s face. Well, I already know what will happen. Sa paningin ni Mama’t Papa’y siya lagi ang tama kaya wala akong magagawa roon.

Inabala ko lang ang sarili sa pag-aaral at pagdodrawing para hindi na mag-isip pa ng kung ano. Ayaw kong magalit sa kanya. Ayaw kong magalit sa kahit na sino.

Saturday came at nakapambahay lang akong lalabas ng bahay namin, balak lang lakarin ang court dito sa village namin dahil hindi na ako nakakapagexercise, masiyado na akong abalang abala sa pagdodrawing ko dahil inspired na inpired sa ginagawa.

“Saan ang punta mo, Asterin?”tanong ni Mama sa akin. Nakita niya naman ang sched pad na dala ko kaya tumango lang siya sa akin. It’s Saturday, hindi rin naman sila mahigpit kapag weekends. Naglakad na ako patungo roon dala dala pa rin ang sketch pad at ang camera na ginagamit ko kapag gusto kong maghanap ng references. Nakasabit lang ‘yon sa akin.

Nililibang ko lang din ang sarili sa nakikita ng mga mata. Maya-maya lang ay nakarating din naman ako sa court. Natigilan ako nang makitang may naglalaro roon, well, it’s court, natural lang ‘yon. Akala ko’y mas mauuna ako kay Kuya Koa dahil alas siete nang naglakad ako papunta rito. Agad siyang kumaway nang makita ako, bahagya akong nahiya nang makitang napatingin sa akin ang ibang kalaro nila. Maski Esai ay nandoon din. Hinihingal pa ito nang mapatingin sa akin.

“Hey!”agad naman akong napatingin kay Kuya Koa nang nakalapit na siya sa akin.

“Good morning, Kuya. Masiyado po pala akong maaga.”sabi ko at bahagyang nahiya. Gusto ko lang namang agahan dahil nahihiya ako kung ako pa itong hihintayin gayong ako na nga itong humihingi pabor.

“Oo nga e! Hindi ko alam na early bird ka pala, mabuti na lang pala ay sumama akong makipaglaro sa mga ito, kung hindi baka naghintay ka ng matagal dito!”sabi niya sa akin. Agad naman akong umiling.

“Ayos lang po, Kuya, ako lang naman po ang humihingi ng pabor sa inyo.”natatawa kong saad sa kanya.

“It’s my pleasure, Asterin, atleast naging reference ako ng magiging sikat na artist.”sabi niya kaya bahagya naman akong nahiya sa sinabi nito.

“Koa! Ang tagal mo!”sigaw no’ng mga kalaro niya.

“I’ll go na muna, can you wait? Last game na lang!”sabi niya sa akin. Agad naman akong tumango do’n. Nginitian niya naman ako bago siya nagtungo sa mga kasama. Napalingon naman ako kay Esai dahil siya lang naman ang kilala ko sa kanila. Abala lang siya sa pakikipaglaro sa mga kasama.

Nilibot ko na lang ang paningin, wala akong hilig sa sports kaya namang napagpasiyahan ko na lang na idrawing sila habang naglalaro. Naging abala naman ako roon at hindi na namalayan na nasa tapat ko na sina Kuya Koa.

“Wow!”nakangiting saad ng ilang kasama nito.

“Ang ganda naman!”sabi nila kaya bahagya akong nagulat sa kanila.

“Go away, you’re scaring her.”dinig kong sambit ni Esai na siyang nasa kabilang bench. Umiinom na ito ng tubig nang lingunin ko siya.

“Oo nga naman! Alis.”pagtataboy ni Kuya Koa sa mga ito. Napatawa naman sila at kanya-kanya ng balik sa court. Inaya naman na ako ni Kuya Koa na umalis.

“Hindi ka pa ba sasabay, brother?”tanong ni Kuya Koa kay Esai. Hindi naman siya pinansin nito. Umalis na rin naman kami ni Kuya Koa kalaunan.

“Where do you want to go? I have a friend who had studio, we can photoshoot there.”sabi niya sa akin. Bahagya naman akong nahiya dahil nakapambahay pa ako, akala ko kasi’y sa court lang kami kukuha ng litrato, I didn’t know na ganito siya kaseryoso rito.

“Malapit lang ‘yon dito.”nakangiti niya pang saad sa akin.

“I… I don’t have enough money, Kuya,”nag-alala kong sambit kaya napatawa naman siya sa akin.

“It’s completely fine! Hindi naman ako nanghihingi ng bayad, I want to help you, you’re already like a lil sister.”sabi niya sa akin at ngumiti pa.

“You remind me of Esai’s twin sister.”natatawa niyang saad sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya.

“Po?”gulat kong tanong dahil wala naman akong nakikitang nagtutungo sa bahay na kapatid nila. Maski noon nagpunta kami sa bahay nila.

“She’s still in her old school, ayaw lumipat dito kaya hanggang ngayon ay nagtatampo si Mama sa kanya. Pataasan ng pride.”sabi pa niya kaya napatango ako. Laking pasasalamat ko naman na naging maayos ang photoshoot although hindi pa naman tapos dahil may tumawag din kay Kuya Koa, mukhang importante kaya inihatid niya na rin ako sa bahay.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti kapag naalala ito, sobrang bait niya kasi, pakiramdam ko’y ang swerte kung sino man ang magiging nobya niya. Nagpatuloy lang ako sa pagpipinta habang nandito sa field. Nakatingin lang sa papalubog na araw. It’s pretty fun to paint it, sa iba’t ibang lugar, iba’t ibang senaryo, kahit pare-parehas na paglubog ng araw, iba-iba pa rin ang pakiramdam.

“Elin..”napalingon ako nang may tumawag sa pangalan ko. Napalingon naman ako kay Esai na siyang nakatingin sa akin ngayon. Napatingin pa ako sa paligid at tinuro ang sarili ko.

“Are you calling me?”tanong ko nang nagtataka dahil wala naman ‘tong kinakausap dito sa school. Kapag nakikita ko ‘to ay madalas na nasa kung saan lang.

“Sino pa bang Elin dito?”tanong niya. Napakunot naman ang noo ko rito.

“Sa sobrang lawak ng school, there’s a posibility na may kapangalan ako.”sambit ko naman sa kanya. Seryoso lang naman ang mukha nito habang nasa akin pa rin ang mga mata.

“Can I take a photo of you?”

Shadow of PastWhere stories live. Discover now