Chapter 19

1.7K 65 0
                                    

Chapter 19
Asterin’s POV

“2 days? Hindi pupwede, mayroon ka pang music lesson the next day.”sabi ni Mama nang subukan kong magpaalam para sa trip patungo sa dating bahay nina Ate Elai, siya lang ang nakatira roon although bumisita rin naman sina Esai. Napatango na lang ako dahil wala naman akong magagawa lalo na’t hindi naman madaling baguhin ang isip ni Mama.

“Ma! I can go with her.”nakangiting saad ni Ate nang marinig ang usapan namin ni Mama. Agad naman akong nag-alinlangan doon dahil nakakahiya naman kina Ate Elai kung niyaya ako ng mga ito pero nagawa ko pang magsama ng kung sino. Tatanggi na sana ako ngunit malapad na ang ngiti ni Ate habang nakatingin sa amin.

“Ma, sige na, paalam mo po ako kay Tita, please.”sabi pa ni Ate kay Mama. Napakunot naman ang noo ni Mama roon.

“It’s fine, Ma, kung hindi po pupwede’y ayos lang.”sabi ko at tipid na ngumiti bago ako tumayo na kaya lang ay kinabukasan mukhang napapayag na ito ni Ate, well, si Ate ‘yon e.

“Hi! Balita ko’y pinayagan ka raw ni Tita?”nakangiti na saad sa akin ni Ate Elai nang makausap ko siya. Nag-aalinlangan naman akong tumango at hindi rin alam kung paano ko sasabihin sa kanya na kasama si Ate.

“And kasama si Caroline?”tanong niya pa. Napatango naman ako roon. I know they don’t really like each other, nakikita ko rin naman kasi sa kanilang mga kilos.

“Sorry, Ate.”mahina kong sambit ngunit natawa naman siya sa akin dahil dito.

“Oh, no, it’s completely fine, as long na makakasama ka!”nakangiti niyang saad at natawa pa sa akin.

Dumating din naman ang araw na aalis kami, napatingin ako sa pintuan nang kinakatok na ako ni Ate para lumabas.

“Ang bagal mo namang kumilos, Asterin, padating na ang mga ‘yon.”sambit niya pa.

“Opo, palabas na po.”aniko nang tuluyan nang masuot ang sapatos, 2 days lang din naman kami roon kaya isang punong backpack lang ang dala ko. Napatingin naman ako sa maleta na dala dala ni Ate, pinagtaasan niya ako ng kilay dahil do’n ngunit umiling lang naman ako at nauna ng bumaba.

“Good morning, Asterin!”nakangiting bati ni Ate Elai.

“Good morning po.”bati ko naman sa kanya pabalik. Mukhang wala naman dito si Kuya Koa, si Esai lang ang nakita ko na siyang agad akong nginitian nang makita. Nginitian ko lang naman din siya pabalik, this time I’m aware sa nararamdaman ko but still I know my limitation.

He was just good to me siguro’y dahil kaibigan ng Mama niya si Mama or siguro’y kahit paano’y tinuturing na rin naman niya akong kaibigan. ‘Yon na din naman kasi ang turing ko sa kanya. Dapat pala noong una pa lang ay nagset na ako ng boundary between the two of us, dapat ay pinigilan ko na agad. Pero wala naman na akong magagawa dahil ito na ang nararamdaman ko, ang dapat ko na lang na gawin ay huwag ng hayaan pa itong lumala.

“Hi,”nakangiti niyang bati sa akin bago kinuha ang backpack ko.

“Hey, how’s your sleep?”panimula ko at ngumiti rin pabalik sa kanya, casual lang kaming nag-usap, I don’t really let my emotion shows. Kung ano man ang nararamdaman ko, akin na lang ‘yon.

“Where’s Koa?”tanong ni Ate na siyang nasa likod namin. Napatingin naman sa kanya si Esai at Ate Elai. Inirapan lang siya ni Ate Elai kaya si Esai na ang sumagot. Hinila naman na ako ni Ate Elai para tabihan siya.

“I like your update last night, it was really good.”pabulong na saad sa akin ni Ate Elai nang makapwesto kami rito sa likod, may driver naman kasi silang kasama. Naupo si Ate saka si Esai sa unahan namin. Kita ko pa ang pagngisi ni Ate Elai sa kanya.

Shadow of PastOnde histórias criam vida. Descubra agora