Chapter 48

1.8K 70 1
                                    

Chapter 48
Asterin’s POV

“Huh?”gulat si Esai na siyang katabi ko dahil hindi ko naman nasabi sa kanya na sinasagot ko na siya. I want to answer him in a more romantic way pero hindi ata ako mapapakali hangga’t hindi ko pa ito napakikilala kay Papa ngayon. Baka matagal nanaman kasi bago kami makabisita.

Nilingon naman ni Papa si Esai tila kinikilatis nito gayong kilala niya naman na dati pa. Hindi ko alam kung matatawa ako sa naging reaksiyon nilang dalawa o ano.

“Pa, tama na ‘yan, kilala mo naman na po si Esai noon pa.”nakanguso kong saad ngunit mas lalo lang naningkit ang mga mata nito sa amin.

“Aba’t kahit na, bumalik ka rito, Hijo, mag-uusap pa tayo ng masinsinan.”sabi pa ni Papa kay Esai na siyang inilingan ko na lang.

“Sasama ako!”nakanguso kong saad.

“Subukan mo lang saktan ‘yan, nako, sinasabi ko sa’yo.”sabi pa ni Papa kaya napailing na lang ako. Nakailang banta pa siya habang nandito kami sa loob, nang matapos ang usapan namin, mayroon pang nanghingi ng autograph ko. Pinagbigyan ko rin naman ang mga ito.

Nang makalabas kami roon ay alam kong nakatitig si Esai, hindi ko alam kung natakot ba siya sa pinagsasabi ni Papa o ano. Nang makapasok kami sa kotse ay agad niya akong hinarap.

“What was that, Elin? Kailan mo ako sinagot? Bakit hindi ko ala—“bago niya pa matapos ang napakaraming tanong, inilapit ko na ang mukha sa kanya para mahalikam siya sa labi. The kiss last for how many seconds hanggang sa huminto na rin kami.

“I love you…”nakangiti kong saad sa kanya. Dati, hindi ko alam kung pagmamahal ba ang nararamdaman, sobrang lalim ng ibig sabihin nito para sa akin. Akala ko’y attraction lang kung ano man ang meron sa aming dalawa noon but every single day now, parang laging malulunod, laging mahuhulog. I want to try it.

Natulala lang siya ng ilang segundo roon bago binalingan ng tingin. Narinig ko pa ang mahinang pagmura niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

“Minumura mo ba ako, Esai?”tanong ko, umiling naman siya bago niya ako hinalikan muli.

“I love you, Elin.”pabulong na saad niya. Ramdam ko ang malapad na tibok ng puso habang nakayakap dito.

“Shit, you’re really my girlfriend now.”sambit niya pa na nagpatawa sa akin. Yup, you’re also mine now.

“Let’s have a date.”sabi niya kaya nailing na lang ako. Ang lapad ng ngiti nito, akala mo’y nanalo sa lotto.

“Can I hold your hands?”tanong niya sa akin.

“Mamaya na, magdrive ka muna.”natatawa kong saad, mahirap na baka mamaya’y lampungan kami ng lampungan, hindi na makita ang daan. Baka biglang lumiko sa afterlife, aba.

“Saan tayo?”tanong ko sa kanya. Nagkibit lang siya ng balikat bago niya ako dinala sa malapit na simbahan. Hindi matao dahil weekdays ngayon.

Dumausdos ang mga palad nito sa akin saka niya pinagsaklob ang mga daliri namin sa isa’t isa. Hindi ko naman maiwasan ang pagtitig ko sa kanya dahil dito. Nginitian niya lang naman ako bago kami naglakad papasok sa loob. Naupo naman kami sa medyo harap.

“Lord, thank you for answering my prayers. After more than 8 years, she’s now mine…”sambit ni Esai. Napanguso naman ako roon at nagseryoso na rin na nagdasal. I just thank Him for every single thing na ibinigay nito sa akin. Hindi ko naman maiwasan ang pagngiti ko nang tumayo na kami at naglakad palabas ng simbahan.

“Let’s go to---“bago niya pa maituloy ang sasabihin napatingin na kami sa phone ko nang tumunog ito.

“Hello, Mama Ella?”patanong na bungad ko rito.

“Hija, nasaan ka?!”tanong niya sa akin.

“Nasa simbahan po.”sambit ko na naguguluhan.

“Sinong kasama mo?”tanong niya pa muli kaya kunot noo kong sinagot ‘yon.

“Si Esai po, Mama Ella, bakit?”tanong ko sa kanya pabalik.

“Magtungo ka rito sa agency. Asap.”mababakasan sa tinig nito ang pagod kaya sumang-ayon naman ako.

“Uhh, let’s just continue our date next time, pinapauwi na ako ni Mama Ella.”sambit ko sa kanya, hindi naman siya tumutol kahit mukha siyang dismayado, well, naiintindihan ko dahil maski ako’y ganoon din.

“Hmm, you can back out habang maaga pa.”sabi ko na napanguso. Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

“Back out sa?”tanong niya na sinamaan pa ako ng tingin.

“Hmm, you know I don’t know if I have time, baka ano… baka hindi kita mabigyan ng oras.”sambit ko na medyo naguilty dahil ngayon ang unang araw at unang date sana namin ngunit bigla naman akong pinapapunta sa agency.

“It’s completely fine, I know your priorities, hindi mo kailangan na unahin ako sa lahat ng bagay.”nakangiti niyang saad bago niya nilagay ang seatbelt ko. Binilhan niya lang muna ako ng makakakain bago niya inihatid sa agency. Nang makarating kami roon, hinalikan ko siya ng matagal at kinindatan pa bago natatawang nagtungo sa building. Hanggang ngayon naman ay para pa rin siyang naesstatwa sa kinauupuan. Well, it’s my first time too, ni hindi nga ako marunong humalik.

“Good afternoon, BB.”bati ko sa big boss namin. Napalingon naman sila sa akin, kita ko rin si Mama Ella na siyang nasa akin ang mga mata.

“Anong good sa afternoon, Ae? Sinira mo lang lahat ng plano ko para sainyo ni Harvee!”inis na saad nito. Tumaas naman ang kilay ko roon ngunit iritadong iritado niya namang binuksan ang tv, iniabot din sa akin ang phone pati ang ilang litrato. Mga kuha namin ni Esai, sa university, sa bahay, set at maski sa ilang lugar na napuntahan naming magkasama. Marami ‘yon, mayroong mga nakatingin lang kami sa isa’t isa.

Napanguso naman ako ng nakita ang recent post lang, aba’t kanina lang, ‘yong kiss namin ni Esai.

“May pakpak nga ang balita.”natatawa ko pang saad dahil sobrang bilis naman nilang makakalap ng impormasiyon.

“You think it’s funny? You’re causing controversial! May bago pa naman kayong movie ni Harvee, anong gagawin mo ngayon? Paano mo ipopromote ‘yon ngayong ang tingin ng tao sa’yo malandi at pokpok! Kaladkarin!”halos maghesterikal ang big boss dahil do’n.

“At isa pa you’re under the contract! Anytime ay pupwede kitang kasuhan kapag nalaman kong nakipagrelasiyon ka diyan kay Mr. Gallejo.”warning niya pa kaya napatawa ako.

“The contract is already done a couple of days ago, and your new contract? Hindi ko pa pinipirmahan.”sambit ko na naglahad pa ng kamay kay Mama Ella na bahagya lang napangisi dahil alam niyang anytime ay may plano naman na talaga akong umayaw. .

Iniabot ko ang contract na malinis na malinis pa, walang pirma o kahit ano man lang.

“Ano? What the heck, Ae? Anong balak mo? Pumirma sa ibang agency? Hindi ko hahayaang maging malinis ang pangalan mo kung ganoon! Dudungisan ko pa lalo!”iritado niyang saad.

“Oh, hindi mo pa ba dinudungisan sa lagay na ‘to.”natatawa kong saad at nilabas ang phone, pinakita ang live interview ni Harvee ngayong araw. Akala niya ata’y taong bundok ako, walang tv o gadgets, mabuti na lang din ay sinend ni Mama Ella sa akin kaya naman alam ko na agad ang ibig sabihin.

“I gave her my everything… hindi ko alam kung saan nagkulang… kung bakit bigla na lang naglaho ‘yong pagmamahal na mayroon siya… hindi ko alam…”nakita ko pa ang paghilamos ang kamay ni Harvee sa kanyang mukha. Hindi ko maiwasan ang matawa habang nakatingin do’n. Artista nga talaga ang hinayupak.

“Next time na gusto mo ng magandang trato, BB, you should also know how to treat your artist fairly.”natatawa kong saad sa kanya. Kita ko naman ang iritasiyon mula sa mukha nito.

“Of course, papanigan ko si Harvee! Sa kanya ang magiging simpatya ng tao, may bagong movie din ‘yong tao, Ae, intindihin mo naman ang ginawa ko. Para sainyong lahat ito.”sabi niya pa.

“Sorry to say this, BB, but I don’t think so, you should try harder. See you soonest.”nakangisi kong saad sa kanya. For years, she was really a great help ngunit alam ko rin kung paano niya palihim na dinudungisan ang pangalan ko lalo na kapag may mga movies na panibago para maging mainit sa mata ng madla at panoorin ang mga bagong palabas. That’s her marketing strtaegy na hindi naman makatao.

Naalala kong nakikipagsagutan pa si Mama Ella sa kanya kapag ginagawa niya ‘yon ngunit madalas niyang itanggi.

“Congrats!”nakangiting saad ni Mama Ella ngunit nakita ko ang nagdaang pagod sa kanyang mga mata.

“Pasensiya na, Mama Ella.”nakanguso kong saad ngunit nanliit lang ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

“Aba’t anong ibig sabihin ng halikang iyon, Asterin Elin?”tanong niya nang makapasok kami sa kotse niya. Napatikhim naman ako dahil doon, aba’t sobrang bilis kasi masiyado ng balita, ni hindi ko pa nga nasusulit ang pagiging magjowa namin ng sikreto ni Esai.

“Hmm, boyfriend ko na po si Esai, Mama Ella.”sabi ko kaya natigilan niya at agad na nilingon ako na nanlalaki ang mga mata.

“Ano? Bakit hindi mo sinasabi? Kailan pa? Kailan ka pa rin natutong magsikreto sa akin? Aba!”tuloy tuloy na ang naging tanong nito. Napatawa naman ako roon.

“Kanina lang po, Mama Ella…”may itatanong pa sana siya ngunit huminahon din nang sambitin ko ‘yon.

“Ganoon ba? Edi mabuti’t sinagot mo rin sa wakas! Aba’t akala ko’y isang taon ka pang magpapakipot gayong halata namang gustong gusto mo rin!”natatawa niya pang saad, akala ko’y pagagalita ako kanina.

“Papuntahin mo ngayon sa bahay nang makilatis ng mabuti.”sabi niya kaya nailing ako. Aba’t halos araw araw na niya itong nakikita, ngayon niya pa ba gustong kilatisin? Tinawagan ko naman si Esai, agad din ‘tong pumayag nang anyayaan kong magtungo sa bahay. Akala mo’y walang trabaho ang mokong samantalang busy’ng busy naman sa dami ng inaasikaso, nag-aalinlangan pa nga akong tawagan ngunit makulit si Tita.

“Hello po, Mama…”bati ko kay Mama nang tawagan ito.

“Oh, Anak, ang aga mo atang tumawag ngayon?”nakangiti niyang tanong, mukhang abala ito sa pagluluto.

“Wow, naaamoy ko ba agad ‘yang luto mo, Ma, ahh!”saad ko na may ngiti sa aking mga labi.

“Sus, hindi ko alam na bolera ka pala.”natatawa niyang saad.

“Ma… may sasabihin ako.”sambit ko kaya huminto siya at nilingon ako.

“Ano po… may boyfriend na ako…”sambit ko sa kanya.

“Alam ko… akala ko’y hindi mo na ikukwento.”aniya kaya natigilan ako at napatingin sa kanya.

“Nagtungo rito si Esai noong nakaraan, tinanong ako kung pupwede ka raw bang ligawan.”pagkukwento niya kaya mas nagulat pa ako. Hindi ko ‘yon alam.

“Ang sabi ko’y na sa’yo ang desisyon although gusto ko naman talaga siya para sa’yo noon pa man. He was the only person you trust and share your problem with. Natutuwa rin ako sa batang ‘yon.”sambit niya kaya hindi ko maiwasang mapanguso. Hindi niya nabanggit na nagpaalam siya kay Mama at talagang nagtungo pa roon.

“Speaking of Esai, he’s here, Mama, I’ll introduce him to you and Mama Ella.”ani ko nang marinig ang doorbell mula sa labas. Agad naman akong napangiti nang makita si Esai.

“Pasok ka!”anyaya ko sa kanya. May dala dala pa itong maraming pagkain samantalang tatlo lang naman kaming kakain.

“Ma, Mama Ella, si Esai po, boyfriend ko.”pagpapakilala ko sa kanya. Agad naman lumapad ang ngiti no’ng dalawa sa akin. Napailing na lang ako sa mapang-asar na ngisi nila. Nahiya naman ako dahil sobrang dami nilang sinasabi kay Esai, ang daming bilin. Akala mo’y teenager kami kung makapagbawal sila.

“Sana’y biyayaan niyo na kami ng apo.”sabi ni Mama kaya halos masamid ako sa sinabi nito. Napatawa maman si Mama Ella at pumalakpak pa. Nailing na lang ako roon.

Nagkatinginan naman kami ni Esai at agad akong napaiwas ng tingin, si Mama’y hindi ko alam kung matutuwa ako sa laki ng pinagbago nito o mahihiya dahil do’n. Hindi ko rin alam kung masiyado siyang lonely sa paniqui o ano. Pulang pula ang mukha ko dahil sa kanila.

“Hmm, I want to see Asterin pursuing her dream first, Ma’am, but I can settle anytime as long as she’ll be my wife and the mother of my children.”sambit nito kaya hindi ko maiwasang mapalingon sa kanya.

Shadow of PastWhere stories live. Discover now