Chapter 26

1.7K 51 0
                                    

Chapter 26
Asterin’s POV

There’s so many event that we encounter together, my boring life became a life you’re going to look for everyday. Everyday became really memorable. Every second with him is really unforgettable.

“What about this one, you look good. It will suit you.”sabi niya at tinuro ang isang damit habang nandito kami sa mall. Hindi ko naman mapigilang mapangiti.

“Sus, ang usapan sasamahan lang kitang bumili ng kit, hindi mamili ng damit ko.”natatawa kong saad sa kanya. Napanguso naman siya ngunit dahil wala rin naman kaming magawa ay namili lang din kami ng mga damit at tumingin tingin pa nang kung ano.

“I’ll pay, I didn’t give you a gift on your real birthday.”sabi niya kaya napangiwi ako sa kanya.

“Alam mo ilang beses mo na ‘yang pinalusot.”natatawa kong saad at nailing na lang sa kanya. Ang ending hindi talaga nakipagtalo ang mokong kaya siya itong nagbayad doon, nang matapos kami’y nagtungo na rin sa kung saan talaga kami pupunta ngayon.

Hinintay ko lang ‘to habang nakamasid lang sa paligid. Hindi naman siya nagsasawang eexplain kapag nagtatanong ako kung para saan ang mga binibili niya, it’s actually fun dahil ang dami kong natutunan pagdating dito. Maya-maya lang ay nagtungo na rin kami sa art section ng mall para magtingin tingin, I was busy looking for some materials when I notice Esai na nagsusulat sa ilang sticky note na hindi niya pa nababayaran. Agad ko namang hinila ang sleeve ng damit niya dahil sa hiya. Nakatingin kasi sa kanya ang isang saleslady.

“Hoy, hindi talaga kita isasama kapag papasok akong bookstore.”pabulong kong saad sa kanya dahil nahihiya na, hindi ko alam kung bored ba ito masiyado o ano. Napailing na lang ako ngunit natigilan nang mapatingin nang iabot niya ang sticky note sa akin.

“I’ll pay for it.”aniya ngunit nanatili ang tingin ko sa sulat.

Would you like to be my prom date, Elin?

Ps. Yes or yes?

Hindi naman ako napagsalita dahil do’n at napatitig pa sa kanya. Nanliit ang mga mata ko habang tinitignan siya.

“Is this really serious?”tanong ko at napanguso. Well, I don’t really expect to someone to ask me to be their date. Mayroon namang iilan na nagtanong sa akin, but the idea of them dating me because of my sister, dinecline ko rin ang offer nila or maybe I was really waiting for someone to ask me.

“Hmm, I don’t know how to ask you, it took me a week so...”aniya na hindi pa makatingin ng maayos sa mga mata ko. Napatawa naman ako ng mahina roon ngunit ramdam ko ang tuwa dahil sa paganyaya nito.

“l don’t think we should? People will probably say something about us.”sabi ko naman kaya nanliit ang mga mata niya.

“Tell me what you think not what others want.”sambit niya.

“Of course, I want to be your date too.”ani ko kaya agad siyang napangiti bago pa siya nakapagsalita’y may umimik na mula sa gilid namin.

“Ma’am, Sir, babayaran niyo po ba ‘yan?”tanong niti kaya napatawa ako ng mahina.

“Opo, pasensiya na po.”sabi ni Esai na napahawak pa sa kanya batok. Hinayaan na rin naman kami ng sales lady. Natatawa ko namang tinignan si Esai dahil namumula na ang mukha nito sa kahihiyan.

“So you’re my prom date now, right?”nakangiti niyang tanong ng medyo kumalma na. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Isang malawak na ngiti ang pinakawalan nito.

Nagpapalipas na lang ng oras dahil hihintayin sina Mama at Tita. Nauna lang naman kasi kami dahil kay Esai, bumili kasi siya ng ilang gamit for his camera. Maya-maya lang ay nakita ko ang text mula rito.

“Nandito na raw sila.”sambit ko sa kanya at pinakita ang text ni Mama sa akin. Napatango naman siya kaya sabay kaming naglakad patungo sa entrance ng mall.

Nalalapit na kasi ang prom ng grade ten and twelve. Kasama ni Mama si Tita, sila ang mamimili ng damit na susuotin namin. Agad naman akong sinalubong ni Ate Elai na siyang malapad ang ngiti sa akin, nandito rin si Ate dahil kasama rin namin siyang titingin ng damit.

“Ano na, Esai? Galaw galaw!”natatawang saad ni Ate Elai habang inaakbayan ang kapatid.

“Did you already ask her?”pabulong niya pang tanong ngunit naririnig din naman namin. Napatingin pa sa akin si Ate habang bumubulong kaya siniko siya ni Esai.

“Ano, Asterin? Tinanong ka na ba nito?”natatawang tanong ni Ate Elai sa akin.

“Ako na ang magtatanong dahil sobrang bagal ni Esai.”sabi niya pa.

“May date ka na ba? Prom date mo na lang tutal wala naman ata kayong partner na dalawa.”aniya pa kaya nagkatinginan kami ni Esai at parehas na natawa.

“Actually, Ate, he already ask me.”sabi ko kaya agad na nanlaki ang mga mata ni Ate Elai. Natatawa nitong inakbayan si Esai na naiiling sa kanya.

“Hala, binata na talaga ang bunso namin.”natatawa niyang saad.

“Ma! Tinanong na ni Esai si Asterin.”nakangising saad ni Ate Elai kaya pinamulahan naman ako ng mukha nang mapatingin sina Mama sa amin. Nakangiti si Tita habang hindi ko naman alam kung ano ang ekspresiyon ng mukha ni Mama.

Hindi tuloy natuloy ang usapan nilang magsasabay kami para tumingin ng ilang damit dahil nagpaalam si Mama at Tita sa isa’t isa ngunit tinanong din naman kung ano ang kulay ng damit. Akala mo’y sila ang magsusuot dahil sila lang naman ang nag-uusap at nagkakaintindihan. Ang ending tuloy, kumain muna kami rito sa mall dahil nag-uusap pa sila tungkol doon.

Nang matapos ay saka lang kami nagtungo nina Ate kung nasaan si Trinity. Siya kasi ulit ‘tong magdedesign ng mga gown namin. Well, kung hindi kakayanin ay titingin na lang siguro ako sa mga gawa niya dahil sigurado akong hindi magpapaubaya si Ate, gusto no’n na siya pa lang ang unang susuot ng gown. Katulad nga ng inaasahan ko’y ganoon ang nangyari.

“Ayos lang po, titingin na lang po ako.”sabi ko at ngumiti kay Trinity.

“What about this gown? The late miss universe wore this one.”sabi niya kaya agad naman akong humanga roon.

“I think I’ll take that one kahit si Asterin na lang po ang gawan niyo.”ani Ate kaya napatingin kami sa kanya. Humahanga naman siya habang nakatingin sa gown. Pinagbigyan naman siya ni Trinity, ayos lang naman sa akin kahit ano. Kahit paano’y naexcite din ako sa nalalapit na prom ngayon dahil kay Esai. Kung wala siguro siya’y hindi naman ako maeexcite na sabihin ang mga details na gusto ko tungkol sa gown.

Kilala naman daw si Trinity kaya alam kong magaling talaga ito lalo na’t nakita ko na rin naman ang ilang gowns na gawa niya. Nagtagal din kami roon dahil gusto ni Mama perpekto ang lahat.

Lumipas ang mga araw at dumating na nga ang pinakahihintay naming prom, I was really excited na hindi ko alam na mararamdaman ko.

Ate’s wearing a mermaid blue gown that let her present her perfect body. Hindi ko mapigilang mamangha habang pinagmamasdan siya.

Nang mapatingin ako sa salamin, akala ko’y maiinggit naman ako at hihilingin na sana’y magkaroon din ako ng magandang mukha tulad niya, ngunit nang tignan ko ang sarili, napangiti na lang din ako, naririnig naman ang tinig ni Esai na sinasabihan ako ng maganda. Yes, that’s right, I’m pretty. I don’t really need to compare myself to anyone else. When I learn to appreciate myself more, I realize na it will start on you, you should know how to see your worth more than anyone else. The rest will follow. May mga bagay na hindi nakikita ng ibang tao na ikaw lang ang nakakapansin.

You should always think that you know yourself better. Napangiti na lang ako at habang nakatingin sa repleksiyon ko sa salamin. I look really good, I give myself that. Wearing a boat neck gown that shows a little peak of my cleavage, katulad din ng napagusapan ni Mama at Tita, red ang kulay nito.

“Nandito na si Esai, Asterin.”sabi ni Mama kaya naman napatango ako at nagmadali ring lumabas ng kwarto.

“Act classy and elegant, Asterin, huwag kang umastang parang isang asong naghihintay ng kanyang amo!”ani Mama sa akin kaya napanguso ako roon. Hindi ko naman ‘yon intensiyon, ayaw ko lang paghintayin si Esai and at the same time I was really excited.

“Hi!”nakangiti kong saad nang bumaba na ako sa hagdan. Nakita ko namang nakatitig lang siya sa akin, there’s really something in his eyes, as if it was shouting that you’re pretty, that I look good sapamamagitan lang ng pagtitig niya sa akin. Unti-unting namuo ang mga ngiti sa kanya labi.

“I don’t know what to say…”pabulong na saad niya.

“You look extra gorgeous today, I’m really lucky that I’m your date.”nakangiti niyang saad. Nailing na lang ako ngunit mas lumapad lang din ang ngiti mula sa aking mga labi.

“Sus, bolero.”natatawa kong saad pero alam ko sa sariling sa bawat pamumuri nito’y mas lalo lang tumataas ang confidence sa sarili.

“Of course not. You know what I like the most about you today?”tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pinto.

“I like the smile you wear.”sabi niya kaya nailing na lang ngunit lumapad din ang ngiti sa akin.

“Wait, hindi lang ngayon. I always like that about you.”aniya pa kaya pinagtaasan ko siya ng kilay. Nag-usap lang kami patungkol sa kung ano habang ramdam ko rin ang kaba nang papunta na kami sa venue.

Nawala lang ‘yon nang hawakan ni Esai ang kamay ko. Bahagya niya pang pinisil ‘yon, tila ba sinasabing kumalma ako. Nginitian niya pa ako nang makitang nakatitig ako sa kanha.

“Don’t be nervous, let’s just enjoy the night.”nakangiti niyang saad. Parang wala lang naman ‘yon sa kanya, naglakad na kami patungo sa loob, may mga nakatingin pa sa amin, parang wala lang naman na bumabati si Esai sa mga nadadaanan namin, how to be confident like him no? Nakayuko lang ako ngunit huminto siya ng mapansin ‘yon.

“I told you, you’re beautiful, Elin. Stop thinking about what they say.”sabi niya habang nakahawak sa baba ko. Napatango naman ako roon bago dahan dahang nag-angat ng tingin. Well, hindi naman kasi sa akin umiikot ang mundo, I don’t really have to think about what they say.

Nagsimula na rin naman ang event kalaunan habang kami naman ni Esai ay abala lang din sa kung ano.

“I’ll take a picture of you.”sambit ni Esai sa akin. Tumango naman ako, nasanay na, na kinukuhanan ng litrato nito. Nagpeace sign lang naman ako habang nakatingin sa camera. Napangiti naman siya sa akin do’n. Ito nanaman siya sa pamumuri ng pamumuri sa akin.

“Tayo namang dalawa.”sabi ko at kinuha ang camera niya sa kanya. Hindi siya ‘yong judgemental na taong kapag alam ang isang bagay, tatawanan na lang ang iba. Malapad lang ang ngiti namin do’n hanggang natawag siya for being the prom king. Mas lalo naman akong napangiti ng husto dahil kahit hindi naman bihisan talagang gwapo ang isang ‘to.

Nang magtungo siya sa taas, tinawag naman si Crisha for being the prom queen. Hindi ko naman maitatanggi na talagang maganda ‘to, ang makurbang katawan ay kainggitan ng marami. Hinanap naman ng mga mata ko si Ate dahil siya ‘tong gustong gusto na maging prom queen tonight. Nakita ko siyang pumapalakpak do’n at nakangiti pa pero kabisadong kabisado ko na ‘yan. Plastik naman ang ngiti nito. Bago pa siya makaalis ay hilera na agad ang nakapila para lang isayaw siya. Lumapad naman ang ngiti niya roon, napangiti na lang din ako dahil kahit paano’y hindi naman siya ang araw nito.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may nakalahad na ng kamay sa akin.

“Hi, Asterin, may I have this dance?”sambit ng taong hindi ko naman ganoon kakilala. Tumango na lang ako at tahimik na tinanggap ang kamay niya.

“You look pretty tonight.”aniya habang nagsasayaw kami.

“Salamat…”sambit ko. Ni hindi rin ako nakaupo dahil may ilan sa mga kaklase ko ang nag-ayang magsayaw, akala ko’y mababanggo lang ako. It’s not that bad din naman pala.

“Hi, Asterin!”malapad ang ngiti ni Kuya Mave nang hawakan niya ang kamay ko.

“Uy, Kuya.”nakangiti ko ring saad at ngumiti. Nagsayaw lang kami habang nagkukwentuhan hanggang sa may nagsalita na sa gilid. Hindi ko naman mapigilan ang malapad nan ngiti nang makita si Esai.

Bago pa kami makapagsayaw ay huminto na ang tugtog kaya naman hanggang sa makauwi’y busangot ang mukha nito. Hindi ko alam kung natatawa ba ako roon o manghihinayang din dahil sa kanya.

“Good night, Esai, thanks for tonight.”sabi ko at nginitian siya.

“Let’s just dance here…”aniya kaya nanlaki ang mga mata ko roon. Seryoso naman ang mukha nito, walang halong pagbibiro. Natawa na lang ako at napatango. Ni hindi man lang ‘to nag-abalang magpatugtog.

Tanging maririnig lang ay ang ihip ng hangin at ang tibok ng puso na tila ba’y sumasayaw sa ritmo ng sayaw. Ang buwan ay nakasilip pa, tila nakangiti habang pinagmamasdan kami.

Shadow of PastWhere stories live. Discover now