Chapter 10

2.2K 82 6
                                    

Chapter 10
Asterin’s POV

Napatingin naman ako kay Esai dahil do’n, nagkatinginan kaming dalawa, malapad niya lang akong nginitian.

“Wait! Don’t tell me si Kuya Koa ang reference ni Darren?”tanong sa akin ni Ate Elai. Napatango naman ako doon.

“Omg! Kaya pala hindi ko siya bet! Team Reily all the way!”nakangising saad ni Ate Elai. Hindi ko alam kung matatawa ba ako roon o ano. Hindi ko na lang din namalayan ang pagngiti.

“Anong hindi mo ako bet?”nagulat naman kami kay Kuya Koa na siyang may dala dalang mga pagkain, nasa likod niya sina Mama na siyang kasama rin si Tita Demi, mukhang may binili lang sila. Nasa likod din si Ate.

“Can you keep it a secret, Ate Elai?”pabulong na tanong ko sa kanya.

“Huh? Why? You’re talented! You should let them know that.”pabulong na sambit niya sa akin. Umiling naman ako sa kanya dahil do’n. They even know that I was talented when it comes to painting but still, they want me to follow my Ate’s footstep.

“Please.”sambit ko na lang, matagal naman niya akong tinignan bago nginitian.

“Sure!”sabi niya pa at ginulo ang buhok ko. Hindi lang ito maganda, mabait pa. Bahagya naman akong nagulat nang ikawit niya ang kanyang mga kamay sa aking braso. Napatingin naman sa akin si Ate at pinagtaasan pa ako ng kilay. Tinignan niya pa kami mula ulo hanggang paa ni Ate Elai. Napayuko na lang ako.

“Hoy! Anong…”nagliliit ang mga mata ni Kuya Koa kay Ate Elai na siyang pinagtaasan lang naman siya ng kilay.

“Oh.. seems like you’re getting to know each other. Mukhang gusto ka ni Elai, Asterin.”nakangiting sambit ni Tita Demi sa akin.

“I like her, Ma!”malapad ang ngiting saad ni Ate Elai, wala man lang pag-aalinlangan do’n. Napatingin naman ako kay Ate Elai, nakakatakot. Paano kapag nagbago ‘yon? Maliban sa gusto ko talaga ang ginagawa ko, she’s also one of the reason kung bakit ako nagpapatuloy kaya hindi ko alam, baka biglang ayawan niya ako. Tinuring ko na siyang kaibigan kaya nakakapanghinayang kung mawala na lang siyang bigla. Hindi ko alam, pakiramdam ko lahat ng tao’y iiwan din ako kapag nakilala na nila ako.

Na kapag nalaman nilang hindi naman ako maganda, hindi rin talaga magaling sa kahit ano maliban sa pagpipinta, I was just someone who wants to please her parent.

“What’s going on? Nawala lang kami’y para ka ng sawa kung makadikit diyan, Elai.”mapang-asar na saad ni Kuya Koa kay Ate Elai.

“Ano?”masamang tingin ang binaling nito sa kapatid.

“Ano ba kayo? Magtigil nga kayong dalawa, nakakahiya sa Tita Niela niyo.”sabi ni Tita Demi sa kanila.

“Sige na, iwan na namin kayo rito, doon muna kami sa loob.”sabi ni Tita Demi sa amin. Nagpaiwan din naman si Ate rito. Hindi ko naman mapigilang mapatingin sa kanya ngunit agad ding nag-iwas ng tingin nang makitang mukhang iritado ito. Naupo naman kami rito sa garden. Hindi ko tuloy magawang kainin ang cup cake na dala dahil sa patuloy na pakikipagkwentuhan nila.

“Can I look at your sketch?”nakangiti niyang tanong sa akin. Tumango naman ako sa kanya. Nakailang puri pa ata ito kaya hindi ko maiwasang kiligin. Napangiti na lang din ako dahil do’n.

“Ang galing mo talaga.”sabi niya pa at napatangin pa sa akin.

“Hindi naman po, Ate Elai.”sabi ko naman at mapanguso.

“Can you drop the Ate? You know we’re friends since then, ‘di naman tayo nag’po’ ‘po’ sa isa’t isa.”pabulong na saad niya sa akin. Hindi ko naman maiwasang mahiya, hindi ko kasi alam ang age niya. Casual lang kaming nag-uusap na dalawa. Madalas ay pinupuri niya ako, madalas din ay casual akong nagkukwento about sa school, just a normal convo although hindi ko naman ikinukwento ang buong buhay ko. Mga piling impormasiyon lang talaga.

“Let her eat in peace, Elai.”sabi ni Esai sa kanya.

“Hehe, sorry.”sabi naman ni Ate Elai at inabot lang sa akin ang plate ng cup cake. Nahihiya ko naman silang inabutan dahil hindi rin kasi ito gaanong matamis. Baka isipin pa nila’y walang lasa.

“Bakit naman walang lasa?”tanong ni Ate nang tikman ‘yon. Kunot pa ang noo habang nakatingin sa akin.

“Did you bake that?”tanong niya pa sa akin. Umiling naman ako.

“Manang baked that for me, Ate.”sabi ko naman sa kanya kaya agad siyang umirap.

“Oh, I’m sorry about that, hindi ko ba kasi alam dito kay Asterin, ayaw sa matamis, masiyadong mapili.”natatawa pang saad ni Ate dahil kumagat na sina Ate Elai at maski si Esai do’n. Hindi ko naman mapigilang mapayuko roon.

“It’s fine, everyone of us have a different taste.”sabi ni Esai.

“I like it tho. Maybe I’ll ask Manang’s recipe? It taste good! Same taste talaga tayo!”nakangiting saad sa akin ni Ate Elai. Kusa na lang akong napangiti dahil kay Ate Elai. Nagkwento lang ‘to ng kung ano ano sa akin. Talagang masaya siyang kausap, marami ka ring matututunan habang nakikinig ka sa kanyang mga kwento.

“Will you date me?”tanong niya kaya halos masamid kami sa kanya kanyang laway habang nakatingin sa kanya.

“What was that, Elai?”natatawang tanong ni Kuya Koa sa kanya. Naiiling na lang naman si Esai sa kanyang kambal.

“I mean let go out this Saturday..”nakangiti niya pang saad at nangalumbaba habang nakatingin sa akin.

“Please.”binato naman siya ni Kuya Koa nang papel na makita kaya sinamaan niya ‘to ng tingin. Hindi ko maiwasang mapangiti, parang kay hirap din kasing tanggian ni Ate Elai. Totoo ba ito? Ang bait at bonus na lang na maganda pa siya.

“It’s a yes, right?”nakangiti niya pang sambit habang nasa akin ang tingin. Napatango na lang ako at ngumiti rin pabalik sa kanya.

Umalis na rin naman sila kinagabihan, pinapakain na sila rito ng hapunan ngunit hihintayin pa raw nila ang Papa nila. Nang nasa hapag na kami nina Mama’y tahimik lang akong kumakain, habang sila ang nagkukwentuhan. Nang matapos ay tumulong lang ako sandali kina Manang bago paakyat na nagtungo sa kwarto ngunit nakita ko na agad si Ate na siyang naghihintay sa tapat ng pintuan ko.

“Kumusta naman ang kapatid kong papansin? Nalibang ka bang makipagkwentuhan?”nakangisi niyang saad sa akin. Hindi ko alam kung anong problema nito, hindi naman siya ganito dati. Ni hindi nga ako kinakausap nito ng matagal.

“Did you even think about how I felt? Ni hindi mo napapansin na naoout of place na ako roon.”iritado niyang sambit bago niya banggain ang braso ko. Isang malalim lang na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako naglakad paloob ng kwarto. Hindi naman na rin nasundan ang pagpapakirinig nito o ano, kapag nakikita niya ako sa bahay man o sa school ay hindi niya na rin ako pinapansin pa.

“Good afternoon, Asterin.”nakangiting bati sa akin ni Kuya Mave nang pumasok ako sa art room. Binati ko lang din ‘to pabalik. Nagtungo lang sa pwesto ko.

“Patapos mo na?”tanong ni Kuya Mave at ngumiti sa akin habang tinitignan ang painting na medyo matagal ko ring ginagawa.

“What will be the name of that masterpiece?”nakangiti niyang tanong sa akin. Hindi ko naman mapigilang matuwa sa sinabi nito.

“Coolest Uncool.”sagot ko naman at ngumiti lang din sa kanya.

“Really? That’s cool, can’t wait to see the whole thing!”pamumuri niya.

“Thank you, Kuya Mave.”sambit ko. Malapad lang din ang naging ngiti ko dahil do’n.

Naging abala na rin naman ako na hindi ko nanaman namalayan ang oras. Hindi ko tuloy maiwasang mapakagat sa aking mga labi nang mapagtantong maggagabi nanaman.

“Late ka nanamang uuwi,”natatawang saad sa akin ni Kuya Mave nang makita niyang katatayo ko pa lang. Well, mayroon pa ring ilang nandito, abalang abala na rin sila sa kani-kanilang ginagawa.

“Ihatid na kita.”sabi sa akin ni Kuya Mave.

“Hindi na po, Kuya, hindi pa naman po ganoon kagabi,”aniko at nginitian lang siya ng tipid.

“Come on, dadaan din naman ako sa inyo.”sabi niya na nginitian pa ako. Napatango na lang din ako sa kanya. Binuhat niya lang din ang ilang dala kong gamit kahit na pilit kong sinasabing huwag na. Ang bait talaga nito.

“How’s your class?”tanong niya pa, hindi pa rin nawawala ang friendly’ng ngiti nito, ang dali niya lang din pagaanin ang atmospera sa aming dalawa.

“Ayos naman po, Kuya.”sambit ko. Nag-usap lang kami tungkol sa kung ano hanggang sa makarating na sa village.

“Dito na lang po, Kuya, salamat po.”nakangiti kong saad sa kanya.

“Hmm, hatid na kita sa loob.”sambit niya naman ngunit umiling na lang din ako dahil gusto ko rin namang maglakad lakad although madilim na nga.

“Fine, see you in school!”sambit niya at kinawayan pa ako. Ngumiti lang naman din ako pabalik sa kanya at napagsalamat lang. Naglakad lang din naman ako patungo sa bahay. Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang pamumuri nito sa painting ko. Napanguso naman ako para pigilan ‘yon.

Maya-maya lang ay nakarating lang din ako sa bahay namin. Dala dala pa rin ang canvas dahil balak kong tapusin ‘yon ngayong araw, pahinga ko ngayon sa pagdodrawing.

“Asterin.”bahagya naman akong nagulat nang mapatingin kay Mama na siyang mukhang kanina pa ako hinihintay, napatingin pa ako kay Papa na siyang nakatingin lang din sa akin.

“Ma. Sorry po, late na po akong nakauwi.”hingi ko ng paumanhin.

Gulat na gulat lang ako nang lumagutok ang malakas na sampal ni Mama sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pamamanhid ng pisngi dahil dito. Pinigilan ko naman ang luhang gustong kumawala.

“Niela!”sigaw ni Papa sa kanya.

“Ano? Dinidisiplina ko lang ang anak natin! Huwag mo akong pigilan.”iritadong sambit ni Mama at nilingon ulit ako. Kita ko ang pangigigil mula sa mga mukha nito.

“Habang pinagbibigyan ka ata’y siya namang pagiging tamad mo! Kita mo ‘tong grado mo?”tanong niya na halos isungalngal na sa akin ang card ko. Napakuyom naman ang aking mga kamao at mariing kinagat ang aking mga labi upang mapigilan ang paghikbi.

“Kailan ka ba matuto? Bakit hindi mo gayahin ang Ate mo? Akala mo ba’y madali ang hindi nakapagtapos?”tanong niya pa sa akin at hinagis ang card ko. Napatingin naman ako roon, kita kong bumaba ang ilang grado ko. Napapikit lang ako. Fuck.

“Ito ba? Dahil ba rito?”galit na galit niyang tanong at hinila sa akin ang canvas ko. Sinububukan ko namang agawin ‘yon ngunit napatulo na lang ang mga luha ko nang walang sabi sabi niyang sinira sa harapan ko ang painting ko. Hindi ko na napigilan pa ang malalakas na paghikbi habang tinitignan ang sira sirang canvas.

“Niela!”dinig kong sambit ni Papa sa kanya ngunit ano nga bang magagawa no’n kung tapos na?

“Huwag mo akong iyakan! Kung ang grado mo ang kapalit ay handa akong sirain lahat ng painting na mayroon ka, Asterin, hindi ako nagbibiro, tigil tigilan mo ako sa kaartehan mo.”galit niya pang sambit sa akin. Walang kahit na anong salitang lumabas sa akin. Mas lalo lang lumakas ang paghikbi ko nang makita ko siyang aakyatin ang kwarto ko. Agad kong hinawakan ang paa nito.

“Mama, huwag po… please… I’ll do it, magtutor na po ako. Susubukan ko na rin pong mag-aral ng ibang instrumento katulad ni Ate. Sasali akong sports.. kung ‘yan po ang gusto niyo, please, Mama. Huwag po..”umiiyak kong saad at patuloy ang pag-iling sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib dahil dito. Hindi ko alam kung naawa ba ito o ano ngunit tinulak niya lang din ako palayo at umalis sa tabi ko. Sinundan naman siya ni Papa na tinapik lang ako bago umalis.

Naiwan naman akong umiiyak lang sa hagdan, dinaluhan agad ako ng mga katulong ngunit ngumiti lang ako sa kanila at tumayo. Naglakad lang ako palabas ng bahay namin. Hindi pa rin humihinto ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko para bang wala ng balak pang huminto. Nanlalabo na ang mga mata habang nilalagpasan ang isang bulto ng lalaki.

“What’s wrong?”asked by some familiar voice. That’s Esai.

Shadow of PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon