Chapter 29

1.5K 62 0
                                    

Chapter 29
Asterin’s POV

“I know you’re not fine, that’s why I’m here asking you to hang out with me.”nakangiti kong saad sa kanya at tinaas pa ang dalawang tingin para sa photography museum na pupuntahan.

Tita Demi finally annul Tito, sinubukan niyang intindihin ‘to sa loob ng isang taon ngunit wala ring nangyari, tila mas lumala pa nga ‘yon dahil alam ni Tito na alam na ni Tita. Akala ata’y may pusong bato ang asawa.

Tinitigan ko naman si Esai na siyang nilingon lang ako at tipid na nginitian. Napabuntong hininga naman ako at umupo sa tabi niya. Nangalumbaba lang ako habang pinagmamasdan siyang abalang abala sa pagkuha ng litrato ng mga product galing sa iba’t ibang small business, maski nga big companies ay gustong gusto rin ang mga kuha nito kaya siya rin ang kinukuha.

“I’ll wait, talk to me when you finally want to.”sabi ko at ngumiti pa. Tumahimik na rin naman ako at naupo rito sa sofa niya. Kinuha ko lang ang aking tablet bago nagsimulang magdrawing do’n. Matagal kaming tahimik na dalawa. Naiintindihan ko naman kung gusto niya lang ng katahimikan o ano, pagbibigyan ko naman siya roon. Kung gusto nitong mapag-isa’y ayos lang din. Hihintayin kong kailanganin nito ng tagapakinig.

Madalas ko siyang sulyapan dahil seryosong seryoso lang ang mukha niya habang nageedit at kumukuha ng litrato. Natapos ang araw na ‘yon na walang nagsalita sa amin, talagang inaabala niya ang sarili sa kung ano.

“Ano? Kumusta si Esai?”tanong ni Mama sa akin kinagabihan.

“Hindi ko po sigurado, Mama, but I think he was really thinking a lot about it.”sabi ko kaya napatango si Mama.

Kinabukasan, nandoon nanaman ako, nag-aalala talaga ko sa kanya. Baka mamaya’y hindi ito kumain o ano.

“Asterin, mabuti’t nandito ka ulit, nasa studio na siya. Doon na nga ata natulog.”sabi ni Tita Demi sa akin.

“Pasok na po ako, Tita.”sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko rin ‘to kauusapin dahil alam kong siya ‘tong apektado sa lahat, iniisip ang kanyang mga anak at isama mo pa ang sakit na nararamdaman niya.

“Salamat, Hija.”aniya at hinawakan pa ang kamay ko. Nginitian ko naman siya dahil do’n.

“Wala pong problema, Tita.”sambit ko bago ako pumasok sa studio ni Esai. Mukha ngang dito siya natulog dahil nakasubsob na ang mukha nito sa kanyang lamesa, hindi ko maiwasang mag-alala habang nilalapitan ko siya. Nakita ko naman ang blanket na nasa sofa, kinuha ko ‘yon bago nilagay sa kanyang braso. Napatitig naman ako sa mukha nito na tila ba pagod na pagod ngunit dahil unfair ang mundo, gwapo pa rin ‘to.

Natigilan naman ako sa pagkabisado ng kanyang mukha nang magmulat ‘to ng mga mata bago niya ako tinitigan. Halos masamid ako sa sarili kong laway bago napalayo sa kanya.

“Uhh, good morning.”sabi ko, umakto pang parang walang nangyari.

“Good morning.”bati niya maman.

“You should eat, I brought you some snacks.”aniko at iniabot ang ilang pagkain na binili ko mula sa fast food chain, talagang pinakiusapan ko pa si Ate na isabay ako, binaba niya lang din ako.

“Thank you.”aniya kaya ngitian ko lang ‘to.

“Let’s eat together.”sambit niya ngunit umiling lang ako.

“Kakatapos ko lang.”sabi ko kaya napatingin na lang siya sa pagkain. Hindi ko rin naman ‘to natiis kaya lumapit din ako para sabayan siya. Tahimik lang naman kaming dalawa. Napatingin pa siya nang makitang patuloy lang ako sa paglagay ng pagkain sa kanya. Nginitian ko lang siya roon. Nagpatuloy lang kami sa pagkain.

Nang matapos ay naging abala na ‘to sa ginagawa habang ako naman ay inabala na lang din ang aking sarili sa pagdodrawing. Next week pa ako magstart sa mga extra lesson ko. Pinag-iisipan ko nga kung sasabihin ko ba kay Mama na gusto kong ihinto ‘yon o ituloy na lang din dahil kahit paano’y hindi ko naman na sineseryoso ‘yon, hindi tulad noon na pursigidong pursigido na lamangan si Ate sa lahat.

“I’ll take a shower.”paalam ni Esai sa akin. Tinignan ko lang naman siya sandali bago tinanguan. Mabuti nga’t hindi ako pinapaalis nito kahit na araw araw ay mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Minabuti ko na lang na abalahin ang sarili sa comics na ginagawa kaysa mangialam ng gamit na nandito lalo na’t wala pa ang may-ari.

“What should I draw next?”tanong ko nang matapos ko ang isang scene. Nag-inat inat pa ako dahil do’n ngunit halos mapatalon sa gulat dahil kay Esai na siyang nakatayo lang sa isang gilid habang nagpupunas ng buhok ng basang buhok. Lumapit naman siya sa akin at tumabi, amoy na amoy ko ang mabangong halimuyak na nanggagaling sa kanya. Matagal bago ito nagsalita, hindi naman ako makapag-isip ng maayos dahil naiisip ko lang kung ano bang gamit nito.

“Is your ticket still valid?”tanong niya sa akin, binasag ang katahimikan na namamagitan sa aming dalawa.

“Yup!”nakangiti kong saad sa kanya at nilabas pa ang ticket na nasa bag ko. Well, hindi ko inalis at baka sakaling magbago ang isip niya. Pinakita ko pa ‘yon sa kanya, parehas kaming napatingin sa date at nagkatinginan. Agad kong napagtanto na kahapon pa pala ang last na araw para roon.

“Hala! I’ll just buy another one.”sabi ko kaya umiling naman siya sa akin.

“Saglit lang ‘yon, promise.”saad ko pa dahil ngayon lang ‘to lalabas ulit.

“Don’t bother, I already pay admission fee. Let’s just go in the art museum.”sabi niya na pinakita pa sa akin ‘yon. Napatitig naman ako sa kanya. I was supposed to be the one na gagawa no’n para pagaanin ang pakiramdam niya.

“Don’t think too much, I also want to go there.”sabi niya kaya tinitigan ko lang siya sandali. Ngumiti pa siya sa akin tila ba sinasabing totoo anh sinasabi.

“Are you sure?”tanong ko. Tumango naman siya.

“Let’s go?”tanong niya pa sa akin kaya agad akong napatango.

“Can I change my clothes first, huwag magbabago ang isip mo, huh?”sabi ko pa. May dala dala na rin akong damit kung sakali mang bigla ngang maisipan niyang sumama, napangiti naman siya roon bago tumango.

Nagmadali naman akong magbihis at mag-ayos bago ako lumabas, nakapag-ayos na rin siya ng madatnan ko kaya napangiti ko na lang siyang niyaya.

Nagpaalam naman na kami kay Tita na hindi nagtungo sa kanyang trabaho, mayroon naman din kasing nag-aasikaso ng caféflowershop, ngunit abalang abala rin ‘to sa mga dokumentong nasa lamesa ng sala nila. Tambak na tambak ‘yon.


“Thank you.”she murmured when she look at me. Nginitian ko lang naman siya bago sumunod kay Esai sa paglabas. Maya-maya lang ay nakarating kami sa museum na pupuntahan.

Naglibot lang din naman kami papasok. Parehas lang kaming abala ni Esai na nililibot ang mga mata. I enjoy going to museum, naaaliw talaga ako kapag pinagmamasdan ang mga artwork na makikita rito.

Tahimik lang kaming dalawa ni Esai habang naglalakad lakad at matagal ding humihinto sa isang painting. Habang nakahinto sa isang malaking painting, binasag niya ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa.

“Alam ko naman ng mangyayari ‘to but I didn’t know that it will hurt this way, I just don’t know how to feel…”pabulong niyang saad. He was finally sharing, I was glad na nanatili ako. Nakinig lang naman ako sa sinabi niya.

“I already know that thing won’t stay the same way, but maybe I was still hoping, I’m hoping na mananatili pa rin ang relasiyon nina Mama sa isa’t isa, na baka pwede pang maayos…”aniya pa. Nakatingin lang naman ako sa kanya habang nagkukwento siya habang siya’y nakatingin sa painting na nasa harapan namin.

“Papa’s always been there, nasanay kami na kasama siya sa lahat ng bagay pero hindi ko alam kung paano o kailan, unti-unti na lang kaming nasasanay na wala ang presensiya nito sa bahay… na baka talagang inihahanda na kami.”pabulong niya pang saad. Malungkot ko naman siyang tinignan dahil sa sinabi.

“At the same time I was glad, I know Mama tried her best. I know she was just putting up all along, hindi naman siya susuko kung hindi napagod.”sambit niya. That’s right, Tita is really strong to put up with everything, I think it’s really painful thinking the love of your life cheated. Imagine, ilang years kayong nagsama then maririnig mo na lang, makikita mo na lang at mararamdaman mo na lang na nagbago na. Na wala na talaga… Esai’s right, hindi naman susuko kung hindi pa pagod.

Natahimik na rin naman kaming naglakad lakad dito hanggang sa yayain ko siya sa kung saan.

“I don’t want to go home. Let’s go.”sabi ko sa kanya at hinila siya patungo sa loob ng simbahan. Tahimik naman kaming pumasok doon.

Lord, pasensiya na, nandito nanaman po ako. I just want to ask for your forgiveness and thank you for everything. Please, guide this guy, don’t give him to much pain.

I look at Esai nang mataimtim lang siyang nagdasal sa isang gilid. Nagpatuloy naman ako sa sinasabi. Matagal lang kaming nanatiling ganoon, kahit nang matapos ng magdasal ay tahimik lang kaming nakatingin sa altar.

Saka lang kami tumayo makalipas ang mahigit trenta minutos, nginitian ko naman siya ng makalabas na kami.

“It’s really refreshing telling everything to him.”sambit ko. Ngumiti naman siya sa akin at tumango.

“Where do you want to go?”tanong ko sa kanya habang naglalakad patungo sa kung saan. Tinignan niya naman ako bago ngumiti muli.

“Thank you… I’m always thankful that you’re here… waiting for me to speak up… not forcing me to tell you things… I will always be thankful that you’re here.”aniya habang nakangiti sa akin.

“As you should.”natatawa kong biro sa kanya. Napangiti naman siya bago niya ako inirapan.

“Got your back always, don’t worry about it.”nakangiti kong saad sa kanya. Napangiti na lang ako sa ilang beses niya pang pasasalamat.

“Can you come with me? I want to buy Mama a lavender.”sambit niya. Agad naman akong napatango roon.

“Pa, ayos lang po, it doesn’t matter… Pa, naman, hindi ko po maaasikaso ‘yang kompanya, you know that it was him who handle that… opo, he’s not a good husband but he was a good businessman, hindi niyo naman po mababago ‘yon.”dinig naming saad ni Tita mula sa kabilang linya. Ang Lolo kasi ni Esai ang may-ari ng isang kilalang kompanya rito sa pilipinas, hanggang ngayon ata’y siya pa rin ang tumatayong chairman doon.
“And? Huwag mong sabihing sa ibang flower shop ka pa bibili.”natatawa kong saad. Nagtungo naman kami sa flower shop ni Tita Demi, mabuti na lang din talaga ay wala siya roon. Naging abala lang kaming dalawa ni Esai bago kinuha ang isang bouquet ng bulaklak at nagtungo na sa bahay nila.

Hinanap naman ng mga mata namin si Tita, nakangiti naman ako habang nakasunod sa kanya. Sinabi naman ng mga katulong nila na na sa kusina ‘to, lalapit na sana kami ngunit agad naming narinig na may kausap ‘to.

“Pa, ayos lang po, it doesn’t matter… Pa, naman, hindi ko po maaasikaso ‘yang kompanya, you know that it was him who did all the work… yes, he’s not a good husband but he was a good businessman, hindi niyo naman po mababago ‘yon.”dinig naming saad ni Tita mula sa kabilang linya. Ang Lolo kasi ni Esai ang may-ari ng isang kilalang kompanya rito sa pilipinas, hanggang ngayon ata’y siya pa rin ang tumatayong chairman doon. 

Sobrang dami ring business na nakapangalan sa kanyang mga apo. Maski si Tita’y kilala bilang isang business 
Sobrang dami ring business na nakapangalan sa kanyang mga apo. Maski si Tita’y kilalang business tycoon, hindi ko nga alam kung bakit pinili na lang nito ng medyo tahimik na buhay ngunit abala rin talaga dahil ang dami na ring franchise ng flower shop niya. Mabuti nga’t nagkakaroon pa ‘to ng oras para tumambay sa bahay pati na rin dito. Well, ano nga bang alam ko?

Makikita pa rin ang pagmamahal ni Tita sa asawa kahit na pa siya na mismo ‘tong sumuko.

Natigilan siya nang makitang nasa likod niya kami, agad siyang nagpaalam sa Lolo nina Esai bago niya pinatayan ng tawag.

“Oh, anak, nandiyan na pala kayo? Bakit hindi kayo nagsasalita? Ano? Nag-enjoy ba kayo?”tanong niya pa sa amin. Ngumiti lang naman ako.

Nagtataka naman siyang napatingin kay Esai nang nakatingin lang ‘to rito bago niya inabot ang bulaklak sa kanyang Mama.

“Start a new life. You also deserve to be happy, Mama.”sabi ni Esai kaya umiiyak siyang niyakap ni Tita. 

Shadow of PastWhere stories live. Discover now