STBFL: Chapter 27

Começar do início
                                    

"Thank you, Carmela." Magiliw na sambit ni Andres, kumikirot ang puso ko sa tuwing maririnig kong tinatawag niya si Mela, para bang isang musika yung pangalan ni Mela kapag binabanggit iyon ni Andres ng buong buo. "Pero hindi mo naman kailangang gawin ito." Dagdag pa ni Andres, tumawa si Mela.

"Ano ka ba? Hindi ka pa ba nasanay? College palang tayo dinadamihan ko na ang niluluto ko para sabay tayong kakain." Masiglang sambit ni Mela, narinig kong tumawa si Andres.

Huminga ako ng malalim at bumaba na rin, hindi ko masikmurang marinig na pinag uusapan nilang dalawa ang nakaraan nila dahil pakiramdam ko ay nauupos ako. Pakiramdam ko ay mas lalong lumalaki ang sugat na mayroon sa puso ko.

Diretso ang tingin ko nang nilagpasan ko sila sa dining area pero kitang kita ng gilid ng mata ko ang pagsunod ng titig sa akin ni Andres na nagpapangatog sa tuhod ko.

"Oh, hi, Rhyme! Kain tayo! May dala akong fried rice at saka steak!" Anyaya sa akin ni Mela, lumingon lang ako sa kanila at pinagmasdan ang mga pagkaing dala ni Mela. Gusto kong matawa dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako marunong magluto o ano, kinakain ako ng inggit ng katawan ko. Ni minsan ba Rhyme, naipag luto mo ng matinong pagkain si Andres nung nagsama kayo noon? Nagluto nga ako, pero hindi ko naman sigurado kung totoo bang nagustuhan niya iyon.

Dapat hindi ko nalang siya sinundan nung gabing iyon para naman hindi ko nakita yung pagkakasasa nila sa labi ng isa't isa, edi sana hindi masyadong masakit.

Maglalakad na sana ako patungo sa dirty kitchen nang biglang magsalita si Andres. "Inaanyayahan ka ni Carmela, hindi ka ba sasabay?" Malumanay na ani Andres, huminga ako ng malalim.

"Wala akong gana." Sambit ko at tumungo na ako sa dirty kitchen kung saan may isa pang ref si Andres, kumuha ako ng bote ng tubig doon at tinungga ko iyon bago ako muling lumabas na para bang hindi ko sila nakikita, na para bang hindi ko nararamdaman ang mga titig sa akin ni Andres.

"How about for lunch? Or dinner? Gusto mo ba ng afritada? Or mechado? Ha? Tom?" Bulong ni Mela na ngayon ay naghuhugas na ng pinagkakainan nila. "Ako na diyan." Ani Andres patukol sa paghuhugas.

"I'm fine, magbihis ka na. Mali-late ka na sa office." Natatawang sambit ni Mela, "Alright, afritada for dinner." Sagot sa kanya ni Andres, kumikirot yung buong katauhan ko. Hindi ba nakakatawa? Parang sila yung nagpakasal.

Nagmadali na akong makapasok sa kwarto dahil narinig ko nang pabalik na si Andres.

Nagbihis na rin ako, dahil ngayong araw ako pupunta sa opisina nila Kuya para pag aralan ang business namin sa restaurant, iyon kasi muna ang ipinahahandle sa akin ni Kuya Kiel bago daw ako sumabak sa advertising and automobile business namin.

Pumasok na rin si Andres.

"About Carm--" Natigilan siya sa pagsasalita nang biglang magring ang cellphone ko. Si Stephen tumatawag, nagpasya akong patayin ang tawag niya at mas pinagtuunan ko ng pansin ang pag me-make up ko.

Huminga siya ng malalim at humila ng coat sa cabinet niya.

Isang text message ang natanggap ko kay Stephen.

From: Stephen

I heard na nagpakasal ka na. Are you alright? First day mo rin sa office sabi ni Kiel, may sundo ka na ba?

Nagsimula ako magtipa ng reply for Stephen.

To: Stephen

I'm fine. Magpapahatid nalang ako kay Andres.

Pero natigilan ako sa pag send ng message nang magsalita si Andres.

"May lakad ka ba? Sasabay sa atin si Carmela, sira ang kotse niya. But don't worry, sa gym ko naman siya ibababa, mas malapit lang." Malamig na sambit niya habang abala sa pag aayos ng necktie niya.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Onde histórias criam vida. Descubra agora