STBFL: Chapter 21

93.8K 2.2K 160
                                    


STBFL: Chapter 21

Vanalein Rhyme Romeo

Mabilis akong bumangon nang sa pangalawang pagkakataon ay nag alarm ulit ang cellphone ko. Diretso ako sa cr upang maligo.

3rd day of class.

Yes, kagaya ng napag usapan namin ni Andres nag enroll ako ng Culinary Arts major in Pastry and Baking. Hindi ko alam pero kung dati ay tamad na tamad akong bumangon noong nag aaral pa ako ng college, ngayon naman ay excited ako sa bawat pagpasok ko, bawat araw kasi may mga natututunan akong bago.

May mga bagong kakilala na rin ako.

Kumbaga, may mga bagong tao na pumasok sa bagong mundo ko.

"Rhyme! Nakapag research ka ba ng para sa frosting? Nakatulog kasi akong kaagad pagkauwi kagabi." Nanghihinayang na sambit ni Jhe.

"Oo, meron ako. Nasa laptop ko, pati yung recipe para sa vanilla cake. Strawberry flavor ng frosting ang napili ko." Masayang sambit ko sakanya, totoo pala yung sinasabi nila na kapag gusto mo yung isang bagay hindi ka makakaramdam ng katamaran dito. Napapatawa nalang ako sa sarili ko dahil noong nag aaral pa ako halos hilahin pa ako ni Mama mula sa kama para lang pumasok.

"Magka-group naman tayo kaya wala ka nang poproblemahin." Pag papagaan ko sa loob niya, yumakap siya saakin at nag thank you.

"Ano nalang gagawin ko kung wala ka?! Yung napakagaling na pastry Chef pa naman ang Professor natin ngayon." Kita ko ang pamumula sa pisngi ni Jhe nang banggitin niya iyon, mas nauna siya saakin ng dalawang linggo kaya naman lahat ng Chefs na nagtuturo saamin ay kilala na niya.

"I'm so excited! Gising na gising nanaman ang diwa ko nito!" Hiyaw ng isa pa naming kaklase.

Magsasalita na sana ako pero natigilan ako nang pumasok na ang sinasabi nilang Chef, at halos mapaangat ang labi ko nang makita ko kung sino siya.

"Good morning Chefs!" Ngiting ngiting bati niya sa lahat at kaagad naman siyang sinagot, pero ako nanatili akong nakatulala sakanya.

Inilibot niya ang paningin niya at napaangat din ang kanyang labi nang huminto ang mga mata niya saakin. "Rhyme?" Kunot noo pero nakangiting tawag niya saakin, napakagat ako sa ibabang labi ko at tumango. Bumaling naman ang buong atensyon saakin ng klase na naging dahilan ng pagka balisa ko.

"Kilala mo si Chef Stephen?" Usisa ni Jhe sa tabi ko, hindi ko malaman kung saan ko ba itatago ang sarili ko dahil halos lahat sila ay nakatingin saakin.

Kaagad nakabawi sa pagka gulat si Stephen at naging Professional ang dating sa pagtuturo na naging dahilan para maalis ang atensyon saakin ng lahat.

Sinimulan nanamin ni Jhe ang pag gawa ng Strawberry Frosting habang hinihintay ko naman sa convection oven ang vanilla cake na ni-bake ko kani-kanina lamang.

"Just gently mix the frosting Chefs! Maninigas yan kapag nasobrahan sa halo." Suway ni Stephen sa ilang mga estudyante, naglalakad lakad siya ngayon sa buong baking station habang hawak hawak ang isang baking tools, maging siya ay sinasabayan kami sa pagbe-bake. Lumapit siya saamin ni Jhe at binuksan niya ang convection oven sa pwesto namin.

"5 minutes more pwede niyo na 'tong ilabas, para mapalamig niyo pa. Don't put the frosting into your cakes lalo na kapag mainit pa, matutunaw lang ang frosting, sayang lang." Ani Stephen at isinara ulit ang convection oven, nag iwas ako ng tingin sakanya, ganun din siya pero hindi nawala ang ngiti sakanyang labi.

Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Stephen, pero sa kabila non magand pa rin ang ngiti niya sa mga estudyante niya. Posible pala na may hindi pa pala ako alam sa isang tao na matagal kong nagustuhan noon? Ni hindi ko alam na Chef pala siya at nagtuturo siya sa isang Culinary school.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon