STBFL: Chapter 7

131K 2.6K 274
                                    

STBFL: Chapter 7

Vanalein Rhyme Romeo

Alas singko palang ng madaling araw pero gising na gising na kaagad ako! Hindi ako makapaniwalang isang kuripot na Andres ang manlilibre saakin ng apat na araw na bakasyon sa Tagaytay, grabe excited na excited na ako dahil after 3 years matitikman ko na ulit ang napaka sarap na nilagang baka doon sa Tagaytay, maging yung sinigang na hipon at laing, yung ube tart, choco mousse tart. Isipin ko palang ang itsura ng mga pagkain doon ay naglalaway na ako.

Paikot ikot na ako dito sa sala nang marinig kong bumukas na ang pintuan ng kwarto ni Andres, napansin kong kagigising lang niya dahil gulo gulo pa ang buhok niya, napaka seksing nilalang lang nitong lalaking ito.

"Ang aga mo." Bati niya saakin, pero nginitian ko lang siya at sinigurado kong magandang ngiti ang ibinigay ko sakanya, mahirap na baka mamaya magbago pa ang isip niya na isama ako!

"Ready na ba ang mga gamit mo?" Aniya atsaka bumaba siya, tumango tango lang ako sakanya bilang sagot.

Sinuri niya ang back pack na nakapatong sa center table ng sala.

"Magdala ka ng gamot, baka mamaya magkasakit ka pa doon." Paalala niya.

"Hindi ko kailangan non Andres dahil malusog ako!" Masiglang sagot ko sakanya, humalukipkip siya at pinagmasdan niya akong mabuti.

"What?" Usisa ko sakanya.

Umiling iling siya, halatang inaantok pa siya. "Maliligo lang ako sandali, tapos aalis na tayo." Paalam niya saakin.

Pinagmasdan ko lang siya na umakyat, bakit ganon? Bakit parang wala siya sa mood? Pero bahala na, ang importante makapunta ako sa Tagaytay! Excited na ako sa normal na lamig doon.

"Okay ka lang?" Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko nang makasakay na ako sa kotse niya, ang tahimik pa rin kasi niya at mukhang hinang hina siya.

Tinanguan niya lang ako at nagsimula na siyang magmaneho, pinagmasdan ko siyang mabuti at halos mapasigaw ako nang mapansin kong napipikit siya!

"Andres! Ano ka ba?! Mababangga tayo!" Hiyaw ko sakanya, pumreno siya ng malakas at mariin niyang ipinikit ang mata niya.

"Marunong ka bang mag drive?" Nahihirapang tanong niya saakin, "O-of course." Walang atubiling sagot ko sakanya.

Napansin ko ang sunod sunod na paglunok niya, tinanggal niya ang seatbelt niya at sumandal ng maigi.

"Ikaw ang magdrive." Utos niya saakin na nagpalaki ng mata ko. Magrereklamo na sana ako pero napansin kong nakapikit pa rin siya at para bang may masakit sakanya.

Ipinatong ko ang palad ko sa ibabaw ng noo niya at nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong nilalagnat siya!

"Gosh, may lagnat ka. H'wag na tayong tumuloy!" Pag aalala ko, napapitlag ako nang alisin niya ang kamay ko sa noo niya at marahan niyang pinisil iyon, grabe napaka init niya at para bang sobrang taas ng lagnat niya.

"No, tumuloy tayo. Ikaw nalang muna ang magdrive Vana, just be careful. Siguraduhin mong makakarating tayo ng buhay sa Tagaytay." Nakapikit na bulong niya, hinila ko ang kamay ko at hinampas ko ang dibdib niya.

"Napaka ano mo Andres! Anong tingin mo saakin reckless driver?! Tabi nga ako na ang magdadrive, pinagdadala mo ako ng gamot eh ikaw pala itong magkakasakit." Suway ko sakanya atsaka bumaba na ako para alalayan siyang lumipat sa passenger seat, ang init init ng katawan niya, para bang inaapoy siya ng lagnat magmula siguro kagabi.

"Ikabit ang seatbelt." Paalala ko sakanya, pero ako na mismo ang nagkabit non sakanya, pinagmasdan ko siya, mukhang hilong hilo siya dahil mas pinili niyang ipikit na lamang ang dalawang mata niya kaysa makipag talo pa saakin.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon