STBFL: Chapter 34

112K 2.5K 148
                                    

STBFL: Chapter 34

Vanalein Rhyme Romeo Santos

Natigilan ako sa pag iyak nang marinig ko yon. Bigla akong kinabahan na para bang may halong saya na hindi ko maintindihan. Maging siya ay natahimik habang yakap yakap ako mula sa likod ko, humigpit pa nga lalo ang yakap niya sa akin at naramdaman kong hinalikan niya ang balikat ko.

"Andres...hindi pa ako nagkakaron ulit." Nahihiyang pagtatapat ko sa kanya.

Naghari nanaman ang katahimikan sa buong kwarto pero ilang sandali pa ay humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at naupo siya.

"I will show you something." Sambit niya at inalalayan niya akong makaupo din sa kama, inayos niya ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ko at inalalayan niya akong makatayo.

Lumabas kami ng kwarto at dinala niya ako doon sa dating kwarto na tinutulugan ko, pagkapasok palang namin doon ay hindi na magkamaliw sa pagtibok ang puso ko, para bang ang saya saya nito.

Nakita ko na ito kahapon pero iba pa rin ang pakiramdam ngayong pinagmamasdan ko ang buong kwarto na punong puno ng gamit ng mga bata, may crib doon at may kama na rin. May mga stuff toys at ilang learning books na sa tingin ko ay may sounds kapag binuksan.

Naramdaman kong yumakap siya mula sa likod ko at sandali niyang binigyan ng halik ang leeg ko.

"Gusto kong magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ka." Sambit niya habang yakap yakap pa rin ako, tumulo ang luha ko pero kasabay non ang pag ngiti ko nang haplosin niya ang tiyan ko.

"At sa tingin ko magsisimula na." Siguradong aniya, damang dama ko ang mainit na paghinga ni Andres sa may leeg ko habang nagsasalita siya kaya naman mas lalo kong nagugustuhan iyon.

Pinagmasdan ko ang ng gamit at nakakaramdam ako ng excitement at kasabay non ang pangamba.

"Natatakot ako, Andres. P..paano kung hindi ko kayang alagaan? P..paano kung hindi ako maging mabut--"

"Shhh, ano ka ba, Love." Hinigpitan niya ang yakap sa akin, "Sigurado akong magiging mabuting isang ina ka, nararamdaman ko yon. Dahil sa pagmamahal mo palang sa akin alam kong mas malalim ang magiging pagmamahal mo para sa anak natin." Paliwanag niya, totoong natatakot ako, mag tu-twenty six years old na ako pero hindi ko alam kung paano magsimulang bumuo ng isang masayang pamilya. Kaya ko ba? O makakaya ko ba?

Pinagsalikop niya ang daliri naming dalawa at saka bumulong siya sa tainga ko na talaga namang hinangaan ko ng sobra sobra.

"Sabay nating bubuuin ang pamilyang para sa ating dalawa, magkasama nating haharapin lahat ng saya at lungkot na darating sa pagiging mag asawa natin." Paninigurado niya sa akin at dahan dahan niya akong iniharap sa kanya para matitigan sa mga mata ko.

Hinaplos niya ang pisngi ko at napapikit akong nang angkinin niya ng sandaling halik ang labi ko.

"Mahal na mahal kita, Vanalein." Bulong niya at muling hinalikan ang labi ko ng sobrang lalim. Ipinikit ko ang mata ko at hinayaan kong tugunin ng labi ko ang masarap at mainit na pag halik niya sa akin.

Nabitawan ko ang kumot na hawak hawak ko na nakabalot sa buong hubad na katawan ko pero nabalewala iyon nang buhatin niya ako at ipinulupot niya ang dalawang binti ko sa baywang niya at saka siya naglakad patungo sa kwarto naming dalawa.
Hindi nagbitiw ang labi namin sa paghalik kahit na magkasabay kaming tumalbog sa kama.

"Andres.." Hinihingal na tawag ko sa kanya pero isang malalim na pag ungol lang ang isinagot niya sa akin.

Bumaba ang halik niya sa leeg ko patungo sa kanang dibdib ko habang ang kaliwang kamay naman niya ay nagpapakasawang haplosin ang kaliwang dibdib ko.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon