STBFL: Chapter 10

112K 2.6K 386
                                    

STBFL: Chapter 10

Sinubukan kong ihakbang ang paa ko, pero nanginginig ang buong kalamnan ko sa takot at kaba.

"Come on." Narinig kong sabi ni Stephen habang hawak hawak ang kamay ko, nakatali na kaming dalawa pero magkahiwalay kami, magkahawak kamay lang naming susuungin ang zipline.

Lumunok ako ng sunod sunod at nginitian ko siya ng marahan, napatingin naman ako mula sa baba at napapikit ako ng mariin nang makita ko kung gaano kataas ito!

Umatras ako ng dalawang beses, namamawis ang kamay ko at ramdam ko rin ang malamig na pamamawis ng katawan ko.

Tumingin ulit ako sa baba at nakita ko si Andres na nakatingala saamin, maging si Mela ay nakatingin saamin.

"Ready?" Bulong ni Stephen, pero bago pa man din kami maitulak ng lalaki patungo sa zipline, naramdaman ko na ang pagbagsak ng katawan ko.

"VANALEIN/ RHYME!" Yun lang ang huling narinig ko at nagdilim na ang buong paligid ko.

__

Sabi nila kapag nagmahal ka at nasaktan ka pwede ka ulit bumangon, kumbaga may tinatawag nga tayong second chance.

Second chance kung saan pwede mong itama ang mga maling nagawa mo.

Second chance para magawa ang mga bagay na hindi mo nagawa nung kasama mo siya.

Second chance para magpatawad, at second chance para malinawan ka kung ano ba talagang nararamdaman mo.

Marahan kong iminulat ang mata ko, nasa isang puting kwarto ako at amoy ospital. Tumingin ako sa paligid ko, may bulaklak doon sa katabing table ko.

"Oh, gising ka na pala." Si Mela, na kalalabas lang mula sa mini kitchen. Kaagad siyang tumawag ng Doctor para ma-obserbahan ako.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin ang Doctor pagkatapos akong tignan.

Nananakit ang katawan ko at maging ang buong binti ko sobrang sakit.

"A-anong nangyari?" Medyo namamaos ang boses ko.

"Dalawang araw kang walang malay Rhyme, gusto mo bang kumain?" Usisa saakin ni Mela habang naghihiwa ng apple. Umiling lang ako sakanya bilang sagot, gusto ko sanang itanong kung nasaan si Andres pero may pumipigil saakin.

"Maswerte ka at sumabit ang paa mo sa tali, kung hindi patay ka na ngayon." Simula ni Mela, inayos niya ang kumot ko at hinaplos niya ang braso ko.

"Nahimatay ka mula sa taas, nahulog ka at hindi papala nakalock lahat ng tali sa katawan mo kaya naman aksidenteng dumulas ka, kung hindi sumabit ang paa mo sa tali malamang bumagsak ka na doon sa zipline." Kwento niya saakin.

Doon ko lang naalala na nahimatay pala ako kasama si Stephen, nasaan kaya siya ngayon?

"Nag alala sayo si Tom, saka yung kasama mong lalaki sa taas nag alala rin sayo, kaya lang.." Natigilan siya kaya naman tinignan ko siya sa mata.

"Sinubukan ka niyang dalawin, pero binugbog siya ni Tom." Aniya na nagpalaki sa mata ko, uupo sana ako pero pinigilan ako ni Mela dahil bigla akong umaray, nakaramdam kasi ako ng pagkirot mula sa likod ko.

"Binugbog niya si Stephen?" Hiyaw ko.

Tumango si Mela, "Pinigilan ko naman siya, pero malakas kasi ang loko. Alam naman daw na takot ka sa height bakit isinama ka pa." Kwento ni Mela, parang may kung anong kumalabit sa puso ko dahil sa sinabi ni Mela.

Natahimik kaming dalawa ni Mela, nginitian niya lang ako habang marahan niyang pinipisil ang kamay ko.

"Rhyme.." Bulong niya, tinignan ko siya at nakita ko ang pag aalala sa mga mata niya.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon