STBFL: Chapter 31

118K 2.6K 182
                                    


STBFL: Chapter 31

Vanalein Rhyme R. Santos

Hinayaan kong yakapin niya ako habang nakadapa ako sa ibabaw niya at hinahaplos ang buhok ko. Rinig ko ang maingay na tibok ng puso niya.

"I will listen." Bulong ko.

Pagod ang mata naming dalawa mula sa kaninang pag iyak, sinunod ko nalang ang maingat na paghila niya sa akin palabas ng company niya, hinayaan ko ring isakay niya ako sa kotse niya at dinala sa isang unit na sa tingin ko ay tinirahan niya sa loob ng isang buwan na hindi namin pagkikita.

Humigpit ang yakap niya sa akin, "I lied." Simula niya.

Tumingala ako sa kanya at tinitigan ko ang maamong mata niya. Ramdam ko ang depresyon doon at ang sakit.

"The time that I kissed Mela, alam kong nandoon ka." Pag amin niya na nagpakirot sa puso ko. Nagsisimula nanamang tumulo ang luha niya at hindi ko alam kung bakit sobrang sakit para sa akin na makitang umiiyak siya ng ganyan.

"Alam kong nanonood ka kasama si Stephen." Patuloy niya, "Ang gago ko eh, nandiyan ka na, abot kamay na kita pero pinairal ko yung lintik na selos ko. Dahil alam kong siya lang ang kasama mo sa mga panahong nawala si Mr.Romeo." Hindi ko na rin napigilan ang luha ko at hinayaan ko ang sarili ko na makinig sa lahat ng sasabihin niya.

"I am so fucking jealous, Vanalein. I know, napaka selfish kong gago, hindi ko kinonsider yung nararamdaman mo. You lost your Dad, syempre kailangan mo ng masasandalan. But, where am I? Sinaktan kita, dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit nawala ang Daddy mo." Hinaplos ko ang ang gilid ng mata niya kung saan may luha at umiling iling ako.

"No..wala kang kasalanan." Umiiyak na bulong ko.

"Kasalanan ko, kung nakinig sana ako sayo umpisa palang, sa..sana kasama mo pa ngayon si Mr.Romeo." I can't stand seeing him like this, ngayon ko lang nakita na ganito kahina si Andres.

"I kissed Mela, dahil akala ko susundan mo ako. Hinintay kong sigawan mo ako nung gabing yon, hinintay kong sampalin mo ako para mailabas mo na lahat ang galit mo sa akin, hanggang sa mawala na lahat ng galit sa puso mo. But, bullshit, that was a wrong moved, dahil mas nawala ka sa akin. Mas lumayo ka sa akin at ramdam kong napapaso ka na sa bawat paglapit ko sayo."

"Bakit hinayaan mong maniwala ako sa kasinungalingan?" Umiiyak na bulong ko.

"Because, I just want what's best for you. Gusto kong ibigay sayo kung anong mas the best para sayo. Yung lalaking hindi katulad ko, yung lalaking kaya kang paligayahin at hindi nanakawin ang kahit anong nagpapasaya sayo. Dahil nung oras na nawala ang Daddy mo, pakiramdam ko ninakaw ko ang kalahati ng buhay mo."

"I want you to save all the best that you have for the last person na mamahalin mo sa susunod na pagkakataon." Nakangiti pero umiiyak na paliwanag niya sa akin.

"But you are that last person, Andres!" Hinaing ko sa kanya at hinampas ko ang dibdib niya. Panay ang hagulhol ko sa kanya at ganoon rin siya sa akin.

"Ikaw ang gusto ko hanggang huli.." Mahinang bulong ko.

"You promised me that I will be your last. Hindi mo lang alam na nung sinabi mo sa akin iyon, sinubukan kong paniwalain ang sarili ko na, ikaw na rin ang huli! Na ikaw na ang huling lalaking mamahalin ko!" Patuloy na pag iyak ko sa kanya. Hinuli niya ang kamay ko at pilit niyang pinagtagpo ang mata naming dalawa.

"How can I be that last person kung nasasaktan kita? Napakadaya ng tadhana, dahil kung kailan sigurado na ako at saka pa ako napang hihinaan ng loob na ipaglaban ka." Pagsusumbong niya na mas lalong nagpalambot sa puso ko.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon