Save The Best For Last: Epilogue

133K 3.5K 389
                                    

Save The Best For Last: Epilogue

Vanalein Rhyme Santos

"Singapore!" Sigaw ko isang gabi kaharap sila Kuya at si Andres, naihilamos ni Andres ang dalawang palad niya sa kanyang mukha at dismayado sa pagsigaw ko.

"Love..." Pagmamakaawa niya.

"Hongkong? Japan? Paris?" Paulit ulit na tanong ko sa kanya, dalawang linggo na ang nakakalipas matapos ang kasal naming dalawa at pinag uusapan namin ngayon kung saan kami mag ha-honey moon.

Ayaw niya sa mga sinasabi kong lugar dahil napuntahan na naming pareho iyon.

"Andres, oo nga at napuntahan na natin. Pero hindi naman tayo magkasama nung mga oras na yon." Pakiusap ko sa kanya, lumalim ang titig niya sa akin at umiling iling.

"It's not about that, Love. Ang sa akin lang kasi naka-book na ako ng ticket patungong Dubai, sayang naman yung ibinayad ko. Pati hotel nakapag book na rin ako." Panghihinayang niya, ngumuso ako at umiling. Ayoko nga dun, lalo na ngayon dahil alam kong summer doon at panigurado akong napaka init. Saka isa pa napuntahan ko na iyon nung high school ako kasama sila Mama at Dad, pati na rin ang dalawang kapatid ko. Ayokong balikan ang lugar kung saan malulungkot lang ako.

"Umubra nanaman yang pagka-kuripot mo." Bulong ko na narinig naman niya, narinig kong humalakhak ang dalawang kapatid ko kaya inirapan ko sila na nagpatahimik sa kanilang dalawa.

Huminga ng malalim si Andres, "Kaya namang pumunta dun sa gusto mo, nanghihinayang lang ako sa nagastos." Malungkot na sambit ni Andres na siyang nagpalambot naman sa puso ko. Kahit kailan talaga wala akong ligtas kapag siya na yung nalulungkot, para bang kusang pumapayag nalang yung puso ko sa gusto niyang mangyari. Kahit siguro itali ako sa kama nitong si Andres magdamag eh hindi ako tatanggi dahil ayokong makitang malungkot siya.

"Oo na. Wala naman akong magagawa diba." Pagsusungit ko sa kanya at saka nagmartsa na ako patungo sa kwarto namin, narinig ko pang huminga ng malalim si Andres dahil sa ipinakita kong pagtatampo. Iniwanan ko silang nag iinuman doon at narinig ko pang kinakantiyawan pa siya nila Kuya Diel na mahina pala siya sa akin.

Panay lang ang ikot ko ngayon sa kama namin at mag iisang oras na akong naghihintay sa kanya.

"Hindi manlang ako sinundan." Pagmumukmok ko, nag walk out ako para sundan niya ako. Pero hindi naman ako sinundan ng magaling kong asawa!

Ipinikit ko nalang ang mata ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

Dahan dahan kong iminulat ang mata ko nang maramdaman kong may dahan dahang tumabi sa akin, sa init at amoy palang ng katawan niya ay alam ko na kaagad na si Andres ito. Pinagmasdan ko siya at doon ko napansing katatapos lang niyang maligo, pulang pula ang mukha niya at dibdib niyang nakabalandra sa akin ngayon. Hindi ko maitanggi na napaka gwapo pa rin niya kahit nakainom siya.

"Anong oras na?" Namamaos na tanong ko sa kanya, "Alas dos palang, mahal. Matulog ka pa." Aniya at isinuot ang sarili sa makapal na blanket ng kama namin, nakapajama lang siya at naka-top less kaya naman naramdaman ng balat ko ang balat niya.

"Ang baho mo, amoy alak ka." Pagsusungit ko sa kanya at tumagilid ako ng higa  upang talikuran siya pero ikinulong niya ako ng yakap, pumulupot ang lalaking lalaking braso niya sa baywang ko at ibinaon niya ang mukha niya sa batok ko. Tumaas ang balahibo ko dahil sa init ng buga ng hininga niya.

"Sungit sungit ng asawa ko, ganyan ba talaga kapag buntis?" Malambing na bulong niya at mas lalo niyang inilapit ang likod ko doon sa matipunong dibdib niya. Hinuli niya ang kamay ko at pinag salikop niya ang daliri naming dalawa.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon