STBFL: Chapter 25

83.5K 2K 140
                                    


STBFL: Chapter 25

Vanalein Rhyme Romeo

Naghalo halo na ang lahat ng nararamdaman ko, ni hindi ko na rin alam kung anong dahilan ng pag iyak ko. Basta ang alam ko lang, nasasaktan ako.

"Thanks." Mahinang bulong ko nang abutan ako ni Stephen ng tissue. Nandito lang kaming dalawa sa sasakyan niya at pilit niyang pinapakalma ang kalooban ko.

Huminga siya ng malalim at nanatili ang titig doon sa harap ng parking.

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyo ni Tom. Pero sa tingin ko ay kailangan niyong mag usap." Pangaral niya sa akin, ibinaling ko sa kanya ang mata kong hilam na hilam sa luha.

Mahigpit ang kapit niya sa manibela nang tumitig din siya sa akin. "Rhyme, nakita ng dalawang mata ko kung paano mo titigan si Tom at kahit kailan hindi mo ako pinagmasdan ng ganoon nang aminin mong may nararamdaman ka para sa akin." Aniya na nagpakalabog sa puso ko.

"Don't miss this, h'wag mong hayaang magkaganito kayo dahil lang pareho kayong ayaw makinig sa isa't isa." Aniya at pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.

"Stephen.."

"Pakinggan mo siya. Kung hindi sapat para sa iyo ang dahilan niya at saka mo siya talikuran." Sambit niya at bumaba siya ng kotse niya, umikot siya sa harap at pinagbuksan ako ng pinto saka inalalayan niya akong makababa.

"Natatakot ako." Bulong ko, ngumiti siya at umiling. "Sasamahan kita at kung hindi mo man kayanin nasa likod mo lang ako. Kagaya ng sinabi ko sayo noon, gusto kong makabawi." Aniya at hinila na niya ako sa kamay ko at muli kaming bumalik sa loob ng bar.

Bumalik na sa normal ang lahat at parang walang nangyari kanina na sagutan sa amin sa lugar na ito dahil nagsasayawan na ulit ang mga tao. Malakas ang tugtog at halos hindi na magkarinigan ang mga nag uusap.

Pinunasan ko ang luha ko at panay ang lingon ko sa paligid at nagbabakasakaling makita ko siya. Mabilis ang tibok ng puso ko, para bang pakiramdam ko ay sasabog na ito. Tama si Stephen, kailangan ko munang makinig sa kanya at sa tingin ko kahit anong paliwanag niya ay tatanggapin ko pa rin.

Mahal ko si Andres kaya ako nasasaktan ng ganito. At kailanman ay hindi ko naramdaman ang ganitong katinding pagmamahal para sa iba, maaaring nagustuhan ko si Stephen noon pero hindi sapat ang nararamdaman ko upang masabi kong pagmamahal ang tawag doon sa pagkagusto ko sa kanya. Alam kong iba ngayon, may ipinapahiwatig yung puso ko na para bang ang gusto lang nito ay isang tao at si Andres iyon.

"Rhyme!" Napalingon ako sa sumigaw, "Jhom! Nakita mo ba si Andres?!" Hiyaw ko sa kanya, ngumiwi siya at napatingin siya sa pagkakahawak kamay namin ni  Stephen.

"Uhm, umuwi na siya, kaalis alis lang. Lasing na lasing." Ani Jhomarie, parang gusto ng lumubog ng puso ko.

Bumaling ako kay Stephen, "Alam mo naman ang bahay niya diba? Let's go." Sambit ni Stephen at nagpatianod na lamang ako sa paghigit niya sa akin palabas ulit ng bar! Narinig kong tinatawag pa ako ni Jhomarie pero hindi ko na iyon pinagbigyang pansin pa.

"Get in!" Sigaw ni Stephen at halata sa kanya ang pagmamadali, wala naman kaming hinahabol na dalawa pero gusto ng puso ko na lumipad nalang patungo doon at yakapin si Andres!

Alam kong nabubulag lang ako ngayon sa sakit na nararamdaman ko, maaaring matagal maghilom ito pero kung mas lalo kong palalalimin ang sugat nito ay mas lalo lang akong masasaktan. Halos sumigaw na ako sa saya nang sa wakas ay nakapasok na kami sa subdivision nila Andres, kulang nalang ay kumawala na ang puso ko sa saya!

"Lumiko ka sa kanan!" Sigaw ko kay Stephen, narinig ko ang pagngisi niya dahil mabilis kong tinanggal ang seat belt ko at kulang nalang ay sa bintana na ako ng sasakyan niya lumabas!

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon