STBFL: Chapter 24

90.7K 2K 104
                                    

STBFL: Chapter 24

Vanalein Rhyme Romeo

"No, Vanalein, hindi yan ang gusto mo. Sinasabi mo lang yan dahil galit ka." Punong puno ng pagmamakaawa ang boses niya at pilit niyang inaabot ang kamay ko pero kusang umaatras ang dalawang paa ko palayo sa kanya.

"Vana..." Tawag niya sa akin, mariin kong ipinikit ang mga mata ko at umiling iling. "S..sana nga galit lang ako, sana nga. Just, just go away, Andres! Ayaw kitang makita!" Hiyaw ko sa kanya.

"Love, please. Gusto ko nasa tabi mo lang--"

"LEAVE!" Matigas na sigaw ko sa kanya! Panay ang pagkirot ng puso ko at sa tingin ko ay ayaw huminto ng pagsakit non.

"Rhyme!" Narinig ko ang malakas na sigaw ni Kuya Kiel at Kuya Diel, nakita ko ang pagkabuo ng galit sa mga mata ni Kuya Diel nang makita niya si Andres.

"Anong ginagawa mo dito?!" Galit na utas ni Kuya Diel at akmang susugurin si Andres pero mabilis akong pumagitna sa kanila.

"Ano ba?! Dito pa talaga kayo mag aaway sa harap ng kabaong ni Dad?! Dito pa talaga?!!" Suway ko sa kanila, laking pasasalamat ko dahil kami palang ang tao dito sa funeraria, walang sino man ang makakakita ng gulong nangyayari sa pamilya ko.

Mabibigat na paghinga ang narinig ko sa kanilang tatlo, "Andres, leave." Ulit ko, ibinagsak ko ang mga mata ko sa sahig dahil hindi ko kayang pagmasdan ang bigo at nakikiusap na mga mata niya, pakiramdam ko ay tinutusok ako ng milyong milyong karayom. Pero kasabay non ang hinanakit na kumukuyom sa puso ko.

Pero laking gulat ko nang humakbang siya palapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko, nanatili akong nakatungo kahit pa nagwawala ang puso ko. "Naiintindihan kita, naiintindihan ko kung bakit ka ganyan. I'm sorry, I'm really sorry." Namamaos na sambit niya kasabay ng pinipigilan niyang paghikbi at umalis na siya palabas ng funeraria.

Pero bakit kahit anong sorry ang marinig ko mula sa kanila ni Kuya ay ayaw makinig ng puso ko? Gustong gusto kong makasama si Dad, dahil marami pa akong gustong patunayan sa kanya. Marami pa akong oras na gustong makasama siya. Gusto ko makita niya lahat ng balak kong gawin sa buhay ko.

Napaupo ako at hinayaang lumandas ng lumandas ang luha ko. Ikinuyom ko ang kamao ko at naramdaman ko nalang na niyakap ako ng dalawang kapatid ko.

"Wala na si Mama, pati si Dad nawala pa." Humahagulhol na bulong ko. "Paano na? Kuya, hindi pa kami okay ni Dad." Mahinang bulong ko pero sinagot lang nila ako ng napakahigpit na yakap.

"Condolence, Rhyme." Nasa harapan ko ngayon sila Bea, tinanguan ko lang sila. Wala ako sa wisyo para makipag usap sa kahit na sino. Nananatiling nakatuon ang dalawang mata ko sa kabaong kung saan nakahiga ngayon ang katawan ni Dad, panay ang kuyom ko sa kamao ko sa sobrang inis ko sa sarili ko. Ang dami kong pagsisisi, bakit hindi ko ginawa noon pa yung mga gusto ni Dad? Bakit kung kailan huli na ang lahat at saka pa ako hahabol habol sa kanya.

"Eat, Rhyme!" Singhal sa akin ni Kuya Diel ngayong nasa hapag kami, umuwi kami para ayusin ang sarili para sa libing ni Dad. Kita ko ang pagod sa mga ng dalawang kapatid ko lalong lalo na at sila nalang ang magtutulungan sa mga naiwan ni Dad.

"Wala akong gana."

"For pete's sake! Ilang araw ka ng hindi kumakain, puro tubig ka lang. Sa tingin mo ba matutuwa niyan si Dad?" Suway sa akin ni Kuya Diel, tumungo lang ako at hinayaang kagalitan niya ako. Walang tigil pa rin ang luha ko at naiinis na ako dahil pakiramdam ko ay ang hina hina ko.

Tumayo ang dalawang kapatid ko upang daluhan ako, "Hindi magugustuhan ni Dad yang ginagawa mo sa buhay mo. Gusto mong makabawi sa kanya hindi ba? Bakit hindi mo ipagpatuloy yang buhay mo? Bakit mo pababayaang gawin ulit yung mga ginawa mo noong nawala si Mama? Damn it, Rhyme, ibinilin ka sa akin ni Dad nung hinatid natin siya sa airport, at kagaya ng ipinangako ko kay Dad, hindi kita pababayaan. Ano ba? Tutulungan kita, pero kailangan ko rin ng tulong mo. Dahil hindi ko din kakayanin 'to kung ganyan ka lang." Sermon sa akin ni Kuya Kiel at ramdam kong pinipigilan niyang kumawala ang mga luha sa kanyang mata.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon