STBFL: Chapter 32

107K 2.5K 133
                                    

STBFL: Chapter 32

Tom Andres Santos

Mahimbing ang tulog niya. Ilang beses ko bang kinasabikan na mapag masdan siya ng ganitong kalapit? Ilang beses kong kinasabikan na makitang natutulog siya sa tabi ko.

Hindi ko na mabilang.

Hinila ko siya palapit sa akin at hinayaan kong yumakap ang payat niyang braso sa katawan ko. Isang halik ang iginawad ko sa noo niya bilang tanda ng paghingi ko ng kapatawaran sa kanya.

Hanggang ngayon ay hindi ko magawang patawarin ang sarili ko sa kasalanang nagawa ko. Pakiramdam ko ay ninakaw ko ang isang importanteng parte ng buhay niya.

"Carmela, help me." Paghingi ko ng tulong kay Carmela nang makarating siyang agad sa Singapore.

"Gagawin ni Tito ang lahat, pero Tom, malala na ang sakit ni Mr.Romeo." Isang matinding kaba ang naramdaman ko.

Halos mahigit dalawang oras ang hinintay namin para matapos ang operasyon, pero sa loob ng isang oras na iyon, isang pag iling lang ang natanggap kong sagot mula sa Doctor. Kinuyom ko ang kamao ko at hindi ko alam na kusang tumulo na ang luha ko.

Matinding takot ang nararamdaman ko, dahil alam kong sa pagkawala ni Mr.Romeo ay haharapin ko ang galit ng babaeng pinaka mamahal ko.

Ang gago ko, I should have listen to her, hindi magandang ideya ang ginawa kong pakikipag merge kay Mr.Evanco.

Mr.Evanco was the ex lover of Mrs.Romeo, at hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap nito na kay Mr.Romeo napunta ang babaeng minamahal niya.

"Carmela, how can I tell her about this?! Masasaktan ko siya." Pilit kong tinatanong si Carmela, pero niyakap niya lang ako.

"Maiintindihan ka niya, wala kang kasalanan, Tom! Ginawa mo ang lahat!"

"I did! Pero hindi sapat!" Sigaw ko!

Natatakot akong maging siya ay mawala sa akin. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman ang ganitong takot, I don't wanna lose her. Pero isang napaka selfish na desisyon ang ginawa ko.

Itinago ko sa kanya ang lahat ng nangyari, ginawa ko ang lahat para mapagtakpan. Hindi ko sinasagot ang mga tawag at text niya.

I miss you..

Piniga ang puso ko dahil sa text niyang iyon, bullshit, miss na miss ko na siya pero wala akong karapatan na maramdaman iyon para sa kanya.

"Malalaman din niya ang lahat, ipagpaliban mo man ngayon o bukas, malalaman at malalaman din niya." Sambit ni Carmela habang pinagmamasdan ko ang screen ng cellphone ko na ngayon ay panay ang ring mula sa pangalan niya.

"I don't wanna lose her, Carmela. Alam mong mahal na mahal ko siya."

Huminga ng malalim si Carmela at hinawakan ang kamay ko. "I know, but you have to face it. Alam kong sa una ay magagalit siya sayo, time will heal all her wounds." Aniya, tinignan ko siya at nakita ko ang pangamba sa mga mata niya kahit hindi niya sabihin.

"Cheer up, Tom. Kung hindi ka magpapakatatag, hindi mo magagawang ipaglaban si Rhyme." Payo niya.

"It's not your fault, hindi mo hiniling na mawala si Mr.Romeo, tadhana na ang nagdesisyon." Pag aalo niya sa akin.

Una kong sinabi sa dalawang kapatid niya ang kasalanang nagawa ko at alam kong matindi ang galit na dala dala nila nang sunduin nila ang labi ni Mr.Romeo.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon