STBFL: Chapter 16

92K 2.4K 223
                                    

STBFL: Chapter 16

Vanalein Rhyme Romeo

Sarado ang pintuan. Bawal akong abalahin dahil busy ako. Seryoso dapat 'tong ginagawa ko.

"Aray!!" Sigaw ko, grabe bakit ko ba pinag dadaanan 'to ngayon? Kung may pera lang ako hindi ko 'to mararanasan! Juice colored ang tagal pa ng sahod ko pero kailangan na 'to!

"Ako nalang kasi ang gagawa!" Panunuya saakin ni Andres, pinanlisikan ko siya ng mata bago ko siya inirapan. Oo nandito siya sa kwarto ko at sa sobrang kapal ng mukha niya ayaw niyang lumabas kahit na sinabi kong may gagawin akong pribado!

"Kapal ng mukha mo. Kung hindi dahil sayo hindi ko 'to mararanasan!" Hiyaw ko sakanya. Ngumisi lang siya at umiling at halos mapapitlag ako nang hilahin niya ang tiyani sa kamay ko at pilit niya akong pinahiga sa kama ko! Naka sleeveless at short lang ako ngayon dahil kailangan!

"Andres ano ba?!!" Sigaw ko sakanya pero tinawanan niya lang ako at ipinagtulakan niya pa ako lalo sa kama ko! Nilagyan niya ng unan ang ulo ko at itinaas niya ang kili-kili ko at siya na ang nagbunot ng buhok doon!

Grabe! Nag iinit yung mukha ko sa kahihiyan! "Ako na!!!" Naiinis na sigaw ko sakanya at naglikot ako ng naglikot! Pero hinawakan niya akong mabuti at ipinagpatuloy ang ginagawa!

"Grabe Vana, ilang linggo mo na 'tong hindi na-haharvest?" Pang aasar niya saakin, sinapak ko siya pero tinawanan nanaman niya ako!

"Kapal mo ha! Kung hindi kita nakilala hindi ko pagdadaanan 'to! Edi sana magpapawax nalang ako! Tiis ganda ako ngayon dahil sayo! Wala akong pera!" Paghihimutok ko, "Aray!!" Sigaw ko nang hilahin niya yung isang buhok.

"Shhh, ang kati non Andres!" Hiyaw ko sakanya na nagpahalakhak sakanya, "Nakakaenjoy 'to ah." Tumatawang aniya, ngumuso ako at hinayaan ko nalang siya tutal naman kasalanan naman niya yan!

"Bakit ayaw mong magshave nalang?" Suhestiyon niya, "Ano ka ba. Nakakaitim daw ng kili kili yon sabi nila Jhomarie, kaya ayan! Bumili nalang ako ng tiyani. Bwisit ka!"

Ngumiti lang siya at umiling iling habang patuloy sa pagbubunot, nakakaramdam ako ng antok sa ginagawa niya kaya naman ipinikit ko na ang mata ko.

____

Marahan kong iminulat ang mata ko at halos mapabalikwas ako nang makita kong natutulog sa tabi ko si Andres! Nakapatong ang kanang braso niya sa may baywang ko habang himbing na himbing siya sa pagtulog.

Ang haba talaga ng pilik mata niya, matangos rin ang ilong niya. Yung labi niya lalaking lalaki tignan, yung jawline niya. Yung messy hair niya ngayong tulog siya ang nagpaawang sa bibig ko, pero natigilan ako nang marahan niyang imulat ang mata niya.

"Hindi kaya matunaw ako?" Natatawang sabi niya sa namamaos na boses, hindi ako makapag salita. Ewan ko! Parang nanigas ako sa hinihigaan ko ngayon dahil nahuli niya akong titig na titig sakanya!

Pumikit ulit siya at ngumiti at halos mapalunok ako ng sunod sunod nang hilahin niya ako palapit sakanya at niyakap niya ako ng mahigpit!

Nagpupumiglas ako pero hindi niya ako pinakawalan! "A-Andres ano ba?!" Sigaw ko sakanya! Pulang pula na ngayon ang mukha ko dahil sa pinag gagagawa niya at hindi ko alam kung bakit panay ang hampas ng puso ko sa loob nito!

"Uhmm, payakap lang. Pinagod mo ako pagbubunot ng buhok sa kili kili mo eh." Pang aasar niya saakin na mas lalong nagpainit sa mukha ko!

Hinila niya pa lalo ako at niyakap ng mas mahigpit pa, nang biglang narinig kong may nagbukas ng pinto!

"Ayyy! Sorry po Ma'am! Na-nanjan na po yung mga kaibigan niyo!" Nahihiyang sabi ng kasambahay namin, kumunot ang noo ko.

"Hindi ka ba marunong kumatok?!" Hiyaw ko, "Kumakatok siya, hindi mo lang naririnig." Pagtatanggol ni Andres at mas lalo pa akong niyakap, dumausdos ang kamay niya sa likod ko na naghatid ng kakaibang sensasyon sa buong katawan ko dahil sa init ng palad niya!

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon