STBFL: Chapter 3

136K 2.7K 227
                                    

Dedicated kay @dealwithchelle hello! Salamat sa suporta sa mga stories ko! :) <3




STBFL: Chapter 3

Vanalein's P.O.V

Nagkulong nalang ako sa kwarto ko hanggang sa mag gabi na, hindi ko binubuksan ang ilaw. Wala pala siya, nagpaalam siya saakin na may pupuntahan siya at gabi na uuwi sabi ko naman bahala siya sa buhay niya. Pero ang isinagot niya saakin h'wag na h'wag akong magtatangkang lumayas dahil kapag lumayas daw ako wala na akong mababalikan na bahay. Naiinis ako sakanya, kung magsalita kasi siya para siyang Daddy ko napaka ma-awtoridad na kailangan bawat sasabihin niya susundin mo dahil kung hindi may kapalit na parusa.

Maya maya pa ay may sunod sunod na pagkatok akong narinig, nandito na yata ang hari. Agad akong tumayo at pinagbuksan ko siya ng pinto. "Ano?!" Bungad ko sakanya, naamoy ko kaagad ang alak sa katawan niya mukhang galing siya sa bar.

"Kumain na tayo may dala akong pagkain." Anyaya niya saakin, pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi ako kakain." Pagmamatigas ko, kahit anong mangyari hindi ako kakain! Naiinis pa rin ako sa mga pinagsasabi niya saakin atsaka isa pa hindi niya manlang na-appreciate yung mga paglilinis na ginawa ko dito sa napakalaking bahay niya.

"Bumaba ka na." Pagbabanta niya saakin. "Mag isa ka! Napakasungit mo palibasa wala kang sex life." Pagmamatigas at pang aasar ko sakanya.


Naningkit ang singkit niyang mata na mayroong napaka kapal na pilik mata at napapitlag ako nang hapitin niya ako sa baywang ko! Amoy na amoy ko ang mabangong katawan niya na may halo ng amoy ng alak, napapikit ako sa init ng buga ng hininga niya nang magsalita siya.

"Kapag hindi ka bumaba Vanalein baka matikman mo yung tinatawag mong walang sex life." Pagbabanta niya saakin, napalunok ako ng sunod sunod na akala mo may nakabarang bato sa lalamunan ko. Sobrang namilog ang mata ko at halos magwala ang katauhan ko nang magtagpo ang mata naming dalawa, kitang kita ko ang pag aalab ng mga mata niya.

Matitikman? Oh my god... Matitikman?! Gosh kung ano anong iniisip ko! Isa lang ang ibig sabihin non! Rapist siya! Mabilis ko siyang itinulak palayo sa katawan ko pero hindi ko alam kung bakit para na- disappoint ang katawan ko sa ginawa kong pagtulak sakanya.

"Baba, kumain ka. Maghapon kang nakakulong dito sa kwarto." Suway niya saakin atsaka nauna na siyang bumaba, sunod sunod na paghahabol ng hininga ang ginawa ko. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko.

What was that? Bakit ako kinakabahan sa ginawa niya?

"Vanalein!!!" Napapitlag ako sa malakas na pagtawag niya saakin mula sa baba. "Dammit!! Bababa na!!" Pasigaw na sagot ko sakanya!

Sandali kong pinasadahan ng suklay ang buhok ko gamit ang daliri ko atsaka dahan dahan akong bumaba at tumungo sa dinning area kung saan nakaupo siya at titig na titig saakin na parang nagbabanta.

Sinipa niya yung upuan at kaagad lumabas iyon mula sa pagkakapasok sa ilalim ng lamesa, padabog naman akong naupo doon.

May mga pagkaing nakahain sa mesa, sa tingin ko ay lechon ito at liempo. Hinila niya ang plato sa harapan ko at nilagyan niya iyon ng kanin at ulam saka inilapag ulit sa tapat ko.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon