STBFL: Chapter 23

79.6K 2.1K 184
                                    

STBFL: Chapter 23

Vanalein Rhyme Romeo

"See you next class!"

Nag unahang magsilabasan ang mga kaklase ko sa Culinary. Lecture lang kami ngayon kayo ang ilan ay medyo inaantok. Pero ako ay gising na gising ang diwa kahit pa wala akong tulog magmula kagabi.

Maagang umalis sila Kuya Diel kanina patulak sa Singapore at hindi ko maiwasan ang matinding kaba sa mga bigong itsura ng dalawang kapatid ko. Pilit akong nagtatanong sa kanila pero niyayakap lang nila ako binubulungan na hindi ko pa pwedeng malaman.

Natatakot ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Rhyme!" Napapitlag ako sa sigaw ni Jhe kaya mabilis akong lumingon sa kanya, nanakbo siya palapit sa akin dahil papalabas na pala ako ng school at ni hindi ko manlang napagtanto iyon.

"Oh?" Walang ganang tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at iniabot sa akin ang cellphone ko na nagpaangat sa labi ko.

"Naiwan mo, ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa wala sa sarili." Suway niya sa akin, kaagad kong kinuha iyon at inilagay ko sa bag ko.

"Thanks." Walang ganang sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad, sinabayan naman ako ni Jhe at sa tingin ko ay napapansin niya ang pananahimik ko ngayon.

Niyaya din ako ni Stephen na mag-coffee kanina pero tinanggihan ko iyon at sinabi kong kailangan ko munang mag isa ngayon. I just don't wanna talk to anyone. Naiinis ako sa pakiramdam na ganito, na para bang ang daming itinatago ng mga tao sa paligid ko at para bang napaka useless kong tao.

"Ms.Rhyme, ready na po ang pagkain." Anyaya sa akin ni Raquel, bumaling ako sa kanya. "I don't wan't to eat." Malamig na sambit ko at muling ibinalik ang tingin sa flat screen tv namin dito sa sala at pinagpatuloy ang paglilipat ng channel.

"Pero, Ms.Rhyme, gabi na po. Hindi po kayo nag breakfast at naglunch." Aniya na hindi ko pinansin. Hindi ako nakakaramdam ng gutom, dahil panay lang ang inom ko ng tubig sa tuwing nararamdaman ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa sobrang kaba.

"Hindi ako gutom. Tumawag na ba sila Kuya?" Pagwawala ko ng usapan.

Huminga ng malalim si Raquel.

"Hindi pa po, Miss." Aniya at iniwan na ako sa sala.

Tinignan ko ang cellphone ko na nakapatong doon sa center table at hanggang ngayon ay wala pa ring message o tawag mula kay Kuya at kay Andres. Magmula nang huling message sa akin ni Andres ay hindi ko na siya sinagot pa. I know something is going on, at alam kong itinatago din sa akin ni Andres iyon..

Sinubukan kong si Dad ang kontakin pero naka-off ang cellphone niya kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng inis.

Ganoon rin sila Kuya. Ang hirap kapag yung mga tao sa paligid ko ang tingin sa akin ay isang bata. Isang bata na hindi dapat malaman ang mga nangyayari sa paligid niya.

Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at umayos ng higa sa malaking sofa namin.

May kumikiliti ng paa ko kaya naman panay ang galaw ko non. Pero kahit anong gawing iwas ko ay pilit pa rin ang pangingiliti sa akin non, sa alaala ko ay si Mama lamang ang gumagawa noon sa akin kaya napabalikwas ako ng bangon at halos manlaki ang dalawang mata ko nang makita ko siya.

"Mama?!" Hindi makapaniwalang sigaw ko, binigyan ako ni Mama ng isang matamis na ngiti at naglakad siya papalapit sa akin.

"Ma! Kailan ka pa nakabalik?" Naiiyak na tanong ko sa kanya, pero hindi niya ako sinagot, sa halip ay umupo siya sa tabi ko at niyakap niya ako. Hinalikan din niya ang buhok ko.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon