STBFL: Prologue

229K 3.2K 361
                                    

Dedicated kay @jhelabsxyou siya po ang nasa likod ng book cover ko sa More Than Just A Bet at syempre sa bagong story ko ngayon na Save The Best For Last, uyy thank you! Hihihi! <3



Save The Best For Last

Prologue

Tom Andres Santos


May mga tao na kahit sobrang mahal mo, kailangan mong bitawan dahil hindi sila para sayo.

May mga bagay na kahit nakasanayan mo nang gawin kasama siya kailangan mo pa rin kalimutan dahil makukulong ka sa mga alaalala niya.

Yung kahit hindi mo siya gustong bitawan mapipilitan kang bitawan siya dahil hindi siya masaya sayo.

Sa tinatawag nilang pag ibig o pagmamahal, ako na yata ang pinakamalas diyan. Psh, it's funny that I am a man who can buy whatever I want and need sa kahit anong oras na gusto ko, pero isa lang talaga ang hinding hindi mabibili ng pera...

And that is the fcking damn LOVE.

Nagmahal ako ng totoo, pero hindi ko naman sinasabi na ginago ako. Maybe, she's not the right one for me, hindi rin naman niya kasalanan kung hindi niya ako kayang mahalin, pero hindi ko maiwasan tanungin kung ganun ba ako kahirap mahalin? Na palaging taga salo ng babae sa tuwing nasasaktan ng iba?

Masakit kapag palagi kang second choice lalo na kapag wala yung first choice. Damn it, nakakatawa pero masakit talaga.

Mahirap kapag pinagpilitan mo ang sarili mo sa taong hindi ka naman magawang mahalin dahil sa huli ikaw at ikaw parin ang lalasap sa salitang...

"Masasaktan nanaman ako."


Pero...

Wala akong pinagsisihan sa dalawang babaeng minahal ko ng totoo..

Kumbaga lesson learned na rin. H'wag ipilit ang ayaw, masasaktan ka lang. H'wag kuhanin ang hindi sayo, mabibigo ka lang. H'wag pumulot ng pag aari ng iba, ibalik mo sa lost and found dahil may nakaabang na kukuha niyan. Lahat ng bagay sa mundo may kaakibat na salitang 'limitasyon'. 

Nakakaloko lang isipin na dumaan lang sila sa buhay ko para saktan ako ng sobra sobra. Pero sa huli masasabi kong..


"It's alright. Masaya naman siya kasama ng iba, kaya magiging masaya na rin ako."

Tss, ang martyr? No, dahil kapalit ng sakit na nararamdaman ko noon, natutunan kong mag-let go na walang hinihinging kapalit.


Sa ngayon, iisipin ko nalang yung sinabi ng kapatid kong madaldal na...

"On the way na siya Kuya, nalate lang ng 100 years, filipino time daw kasi."


Who ever she is...I'll make sure that she will be the last girl na mamahalin ko ng sagad sa buto. I'll promise na kaiinggitan siya ng marami sa pagmamahal na ibibigay ko sakanya.


I'm going to save the best for last...kaya kong ibigay lahat ng kakayahan ko para sakanya, whatever she wants basta kakayanin ko ibibigay ko, hanggang sa masabi kong, this is the love that will last forever.

****

A/N: Hi guys! Eto na talaga may sariling story na si Tom Andres, hahaha. Ang tanong happy ending na kaya? :O . Hahaha. Prologue lang muna ha? Tatapusin ko muna yung Just Fall In Love Again, ayun salamat guys! ;)

Love lots.

Ate Abo.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon