Save The Best For Last: Finale

106K 2.6K 142
                                    

Save The Best For Last: Finale

Vanalein Rhyme Romeo Santos

Panay ang ngisi ko ngayon pagkalabas na pagkalabas palang namin ni Andres sa hospital. Imbis na ako ang kabahan ay siya pa itong namumutla.

"Huy, uminom ka ng tubig." Suway ko sa kanya habang ngumingisi ako. Inabot ko sa kanya ang isang maliit na bote at nilagok niya yon ng sandali lang.

Bumaling siya sa akin at tinitigan niya ako ng sobrang lalim, yung mga titig niyang sobrang pinagpapasalamat kong nararanasan ko ngayon dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin ng buong puso.

"Yo..you're pregnant." Nauutal na sambit niya, ngumiti ako at tumango ako sa kanya. Katatapos lang kasi ng check up ko at tama nga ang hinala naming dalawa, buntis ako.

Pero nagkabaliktad kami, dahil ako pa itong napahiyaw sa tuwa at siya itong halos hindi makapag salita na para bang hindi siya makapaniwala sa ibinalita sa amin ng Doctor kanina.

Humakbang siya palapit sa akin, napaatras ako nang haplosin niya ang braso ko ngunit hindi niya ako hinayaan na makawala, lumipat ang dalawang palad niya sa magkabilang pisngi ko at napapikit ako ng marahan nang gawaran niya ako ng napakatamis na halik na siyang nagpatibok sa puso kong sobrang saya.

Tinugon ko ang halik niya at wala akong pakialam kahit pa pinagtitinginan na kami ng ilang tao na dumadaan sa pwesto namin. Hinayaan kong haplosin ng labi niya ang labi ko at nang magsawa kami ay pinagdikit niya ang noo naming dalawa.

"Vanalein, hindi ko maipaliwanag yung sayang nararamdaman ko." Bulong niya sa namamaos na boses. Ngumiti ako at iminulat ko ang mata ko kaya nagtagpo iyon.

"Ngayon ko lang naramdaman yung ganitong saya, ngayon lang." Hindi makapaniwalang mungkahi niya.

Ipinatong ko ang kamay ko sa ibabaw ng matipunong dibdib niya saka hinayaan kong halikan niya ang noo ko.

"I'm gonna be a Dad." Halos kurutin ang puso ko sa saya nang tumulo ang luha ni Andres at pumiyok siya sa pagsasalita dahil sa pinipigilang pag hikbi.

"I'm gonna be a Dad..." Pag uulit niya sa mahinang boses, tumango ako sa kanya at hinayaan kong yakapin niya ako ng sobrang higpit!

"Yes, Andres." Hindi ko na rin napigilan ang pagbagsak ng luha ko sa sobrang kasiyahan.

Isa sa ipinagpapasalamat ko sa Diyos ang pag gawa niya sa salitang pagmamahal, pagpapatawad at muling pagtitiwala. Dahil alam kong hindi magiging masaya ang buhay ng isang tao kung wala ang mga yan.

Kagaya ng sinabi sa akin ni Andres noong lasing na lasing siya noong bago pa lamang kaming magkakilala, kailanman ay hindi mabibili ng pera ang pagmamahal.

Dahil kusang binibigay ang pagmamahal at libre mo lang makukuha iyon, hindi ito basta basta mabibili sa kung saan lang. Pero masasabi kong ito na yata ang pinaka magandang libre sa buhay ng tao. Libre na nga pero masusuklian mo pa at iyon ang pagbabalik mo ng pagmamahal na ipinaparamdam niya para sayo.

Napakaswerte ko dahil alam kong kahit na hindi ako perpektong babae ay minahal pa rin ako ni Andres.

"Eat more." Sambit niya, matapos naming magpunta sa ospital ay dinala ako ni Andres sa isang restaurant at halos suwayin ko na siya sa pag order ng napaka raming pagkain. Dalawa na daw kami ngayon sa katawan ko, ang anak namin at ako.

"Ang dami." Suway ko sa kanya habang ngumunguya ako. "Anong gusto mong drinks?" Aligagang aligaga siya at para bang hindi niya malaman kung anong gagawin niya.

"Andres." Tumatawang tawag ko sa kanya, napatawa nalang din siya sa sarili niya at hindi na niya napigilang halikan ang ulo ko.

"Pasensya ka na sa mister mo, excited lang sa magiging anak." Aniya.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon