STBFL: Chapter 1

204K 3.5K 545
                                    

STBFL: Chapter 1

Vanalein Rhyme Romeo

Nakakapagtaka lang ang buhay ng mga kaibigan ko ngayon, lahat sila ay broken hearted. Nakakaantok ang boring ng buhay nila, puro lovelife, puro iyakan pero kung sabagay may mga natututunan ako sakanila. 

"Rhyme alam mo kapag naranasan mong mainlove lilipad ka." Wagas na sabi ni Bea kaibigan ko.

"No, titirik ang mata mo!" Sigaw ni Jhomarie, nagtawanan silang lahat! Magig ako ay natawa, hindi purket no boyfriend since birth ako eh wala akong nalalaman sa mga pinagsasasabi nila, diyos ko ikaw ba naman magkaroon ng dalawang kapatid na lalaki na nagkalat ang FHM magazine sa kwarto at ang mga bunganga ang babastos.

"Pero ano na bang nangyari kay Stephen?" Usisa ni Jhomarie saakin, bigla akong natigilan sa pag inom ng tequila pero kaagad din akong nakabawi at tinungga ng mabilis iyon saka bumaling sakanya.

"Yon? Ewan ko." Ngumingising sabi ko, sinabi ko lang na no boyfriend since birth ako pero hindi ko sinabing hindi pa ako naiinlove, oo na minsan na akong nabroken hearted pero hindi ko kailanman ipinakita na nasaktan ako, korni kaya non.

Biglang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon..

"Hello? Sino 'to?" Diretsong tanong ko, "Dammit Vana, where the hell are you? Kanina pa naghihintay dito yung fiance mo." Sermon saakin ng Kuya ko, gusto kong sumuka  sa sinabi niya fiance, niloloko ko lang naman si Dad na bigyan niya ako ng asawa para magtino ako. 

"Sinong may sabing magpapakasal ako?" Tumatawang tanong ko, "Vana! Pumunta ka na dito sa restaurant natin kung gusto mo pang magamit ang kotse mo, and one more thing wala ka ng credit cards at atm." Nanlaki ang mata ko sa ibinalita saakin ni Kuya Kiel magsasalita pa sana ako pero mabilis na nagbusy sa kabilang linya.

"Hoy saan ka pupunta?!" Sigaw ng dalawang kaibigan ko nang kumaripas ako ng takbo palabas ng bar at halos sabunutan ko ang sarili ko nang makita kong wala na ang kotse ko sa parking lot! Dammit! I hate my Dad! Bakit ba pinapakialamanan niya ang buhay ko? 

Mabilis akong pumara ng taxi para makarating sa restaurant namin at pagdating ko don halos magkakasunod na paglunok ang ginawa ko dahil walang tao don kundi sila Dad, actually pinasara nila ang buong resto para dito sa arrangement na 'to, seriously? Anong taon na ngayon at may ganito pa!

Nagmartsa ako papasok sa resto at kaagad bumungad saakin ang ngiting ngiting mukha ni Kuya Kiel at Kuya Diel, mga nang aasar. Bumaling saakin si Dad at kunot noo niyang pinagmasdan ang itsura ko saka umiling iling pero kaagad siyang tumikhim at lumapit saakin.

"Ang nag iisang anak kong babae, si Vanalein." Pakilala niya saakin sa kabusiness partner niya, don't tell me yan ang pakakasalan ko? Gosh, ang shonda naman. "Hello po!" Bati ko, ngumiti ito saakin. "Siya si Mr.Go Vanalein." Ani Dad, ngumiti ako ng plastic.

"Ah eh, kayo po ang fiance  ko? Pasensya na po hindi ako pumapatol sa matanda." Ngumingising sabi ko. "Vanalein!!" Suway saakin ni Dad! Humalakhak naman sila Kuya Kiel at nag apir tss mga gahaman! Binayaran siguro sila ni Dad para sumunod sa mga kagustuhan nito!

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon