STBFL: Chapter 19

90.2K 2.5K 188
                                    

STBFL: Chapter 19

Vanalein Rhyme Romeo

Napasinghap si Mateo sa lamesa niya dahil sa sinabi ni Andres. Samantalang ako naman ay nanatiling nakatitig sakanya. Kung may maninipa lang sa tuhod ko ngayon panigurado babagsak na kaagad ako, may kung anong sayang nababalot sa puso ko pero kasabay non ang pangamba.

Nahahati ako na para bang hindi ko malaman kung anong isasagot ko sakanya. "Kailangan ko na sigurong lumabas muna! Hindi ko mapigilan ang tili ko!" Hiyaw ni Mateo na halatang hindi na mapigilan ang kakiligan. Naramdaman kong umalis na siya sa office namin.

Naglalaban ang mata naming dalawa ni Andres, punong puno iyon ng pag asa na para bang sigurado na siya saakin.

"Andres." Tawag ko sakanya, napahawak ako sa table ni Mateo at doon ko ikinapit ng mariin ang kamay ko. "I..I'm not ready." Bulong ko na nagpabagsak sa balikat niya, kita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni Andres.

"I..I mean, yes. I do really love you. Pero hindi ko alam kung handa na ba ako sa ganitong kasal." Paliwanag ko sakanya, unang una biglaan ang lahat. Nagdesisyon si Dad na magkaroon ako ng fiance upang mapatino ang baluktot kong pag uugali. Oo nga at napapayag ako ni Dad sa ganoong set up, pero kailanman ay hindi ko pa naiisip na ikakasal ako sa madaling panahon.

Hindi ba pwedeng enjoyin nalang muna namin ang kung anong mayroon kami? Na mas kilalanin namin ang isa't isa? Ayokong dumating sa punto na kung kailan na kami nakatali sa isa't isa atsaka pa kami magkakaroon ng problema. Gusto ko kapag kinasal ako yung buong buo ang loob ko, yung tipong wala na akong pakiyeme sa mga itatanong ni Andres, yung tipong isang tanungan lang niya 'oo' na kaagad ang maisasagot ko sakanya.

"Vanalein.." Malambot na bulong niya, "Nasa tamang edad na tayo, you're 26 and I'm 28. What's wrong with that? P..paanong hindi ka pa handa?" Naguguluhan na tanong niya.

"That's the point Andres, 26 na ako pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong gusto ko sa buhay ko. I don't even like my job right now. Hindi ba pwedeng mag enjoy nalang muna tayo sa kung anong mayroon tayo? You'll wait for me right?" Mahinahon na paliwanag ko sakanya.

"Gusto ko munang hanapin ang sarili ko, I'm not like you, na sa murang edad mo palang alam mo na ang lahat ng gusto mo. Naiinggit ako sayo dahil nakakamit mo na ang pangarap mo. Ngayon, kung kailan tumatanda na ako atsaka palang ako nag iisip ng para sa sarili ko and that is because of you. You make me realize na hindi basta basta ang buhay, na hindi habang buhay tatanda akong mayaman." Paliwanag ko sakanya, hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sabihin sakanya ang mga bagay na iyon. I know, nasasaktan ko siya ngayon dahil nireject ko ang proposal niya, pero hindi naman ibig sabihin non ay hindi ko na siya mahal.

God know's how much I love this man in front of me. Oo nga at hindi siya ang kauna unahang minahal ko, pero alam kong iba ito. I can see my future with him, pero gusto ko kapag dumating na kami sa point na mag asawa na kami buo ko na ang sarili ko.

"A..are you breaking up with me?" Naniningkit pang lalo ang singkit na mata ni Andres na namana niya sa Daddy niya. Lumunok ako at umiling.

"I'm not. Kailangan ko lang ng time Andres. Time for myself." Sagot ko sakanya, ayokong mawala siya. Hindi sagot ang pakikipag hiwalay ko sakanya para lang mahanap ang sarili ko, I'm not a fan of a cool off thingy or I need space sayings. Dahil kaya ko namang hanapin ang sarili ko habang nasa isang relasyon ako. Bonus na nga iyon dahil alam kong susuportahan niya ako.

"You're going to support me right? Sabi mo hihintayin mo ako." Tanong ko sakanya na naghahanap ng kasiguraduhan.

Mariin niyang ipinikit ang mata niya at tumango tango. Nang muli niyang imulat iyon ay kaagad ko pa ring napansin ang lungkot doon.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon