STBFL: Chapter 35

127K 2.5K 154
                                    

STBFL: Chapter 35

Vanalein Rhyme R. Santos

Kinabukasan ay maaga akong gumising para pumunta sa shop namin ni Stephen, saka isa pa ay nangako ako sa kanya na sasamahan ko siyang mag lunch pagkatapos ng meeting namin sa mga staff namin bago mag open ang shop.

"Ihahatid na kita." Sambit ni Andres habang abala siya sa pag aayos ng necktie niya. Lumapit ako sa kanya at iniharap ko siya sa akin para ako ang mag ayos non, napangiti ako dahil ramdam ko ang malambing na pagtitig niya sa akin.

"Stop staring." Nakangiting bulong ko, pero nginisian niya lang ako. Sinabi ko noon sa sarili ko na hindi lang si Dad at dalawang kapatid ko ang ipag aayos ko ng necktie, kundi pati na rin ang lalaking makakasama ko habang buhay.

"I just can't understand kung bakit mas lalo kang gumaganda sa paningin ko, samantalang araw araw naman kitang nakikita." Pambobola niya.

"Ahh!" Humahalakhak na sigaw niya nang sikipan ko ang pagkakatali sa necktie niya pero kaagad ko ding niluwagan iyon.

"Ang aga aga mong mambola." Naiiling na sagot ko sa kanya, naramdaman kong humaplos ang kamay niya sa baywang ko kaya naman mas lalo akong napangiti.

"H'wag na muna kaya akong pumasok, h'wag ka na rin munang makipag kita sa ex manliligaw mo." Mapanuyang aniya na nagpahalakhak sa akin, sinabi ko kasi sa kanya na si Stephen ang katatagpuin ko at nakita ko ang pagseselos sa mga mata niya kagabi pero kahit ganoon ay napaliwanag ko sa kanya ang dahilan at natutuwa akong bandang huli ay siya pa mismo ang nagsabi na kailangang mapag usapan yung shop namin ni Stephen kung kailan bubuksan para magkaroon pa ng iba pang branch, my Andres will always be Andres, na adik sa trabaho but at the same time masasabi kong nama-manage niya ang oras niya sa trabaho at oras niya para sa aming dalawa.

"Andres!" Natatawang sigaw ko dahil sa katamaran niya.

"Seriously, Love. Gusto ko dito lang tayo sa kwarto, alam mo na." Humina ang boses niya doon sa huling sinabi niya at hinawi niya ang buhok kong nakalugay ngayon. Hinampas ko ang dibdib niya nang matapos kong ayusin ang necktie niya.

"Tumigil ka nga diyan!" Humahagikhik na sigaw ko sa kanya pero niyakap niya lang ako ng sobrang higpit.

"Sige na..." Paglalambing niya, napangiti ako dahil nakikita ko ang paglalambing ni Andres na parang isang bata, humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya at binigyan ko siya ng sandaling halik at halos habulin niya ang labi ko nang lumayo ako sa kanya!

"Tara na! Male-late na tayo!" Pang aasar ko sa kanya at inunahan ko na siyang lumabas ng kwarto, napailing nalang ako nang marinig ko ang malalim na paghinga niya mula doon sa kwarto.

Hinintay ko siyang makalabas. Tamad na tamad siyang naglalakad ngayon palapit sa kotse niya at hindi ko maiwasan ang pagtawa sa itsura niya.

"Nakakatawa." Bulong ko sa sarili ko, "Ihahatid na kita." Anyaya niya, umiling ako at nginitian ko siya, magkaiba ang way ng company niya sa shop namin ni Stephen kaya naman hindi ko siya pinayagan na ihatid pa ako saka isa pa ay namimiss ko na ring magmaneho.

Lumapit siya sa akin at hindi na ako nagprotesta pa sa halik na ibinigay niya sa akin, umagang umaga ay nilalasing niya ako sa halik na yon. Nang ihiwalay niya ang labi niya sa akin ay hinaplos niya sandali ang pisngi ko.

"Mamayang gabi ulit." Natatawang sabi niya, natawa ako at hinampas ko ang braso niya!

"Lakompake, Andres!" Humahalakhak na sigaw ko sa kanya! Tumawa siya at nagustuhan ko ang tawa na iyon.

"Galingan mo kasi, para sa susunod sa ilalim ka naman." Nagluha ang mata ko sa kakatawa at hindi ko napigilang ihampas sa kanya ang hawak kong folder!

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon