STBFL: Chapter 17

105K 2.7K 339
                                    

STBFL: Chapter 17

Vanalein Rhyme Romeo

Nanatili kaming nakatitig sa isa't isa habang nasa tainga naming pareho ang cellphone. Hindi ko alam pero ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, ayaw huminto sa paghampas.

"Why?" Malamig pa rin ang tono ng pananalita niya at yung mga titig niya tumatagos na sa katauhan ko.

"J..Just don't leave me." Nanginginig na ang boses ko sa pagsasalita, ni hindi ko maamin kung ano bang gustong iparating ng puso ko ngayon na nagwawala.

"Stay with me." Dagdag ko, "Vanalein, why do you want me to stay?" Ramdam kong desperado na ang boses niya, para bang may gusto siyang ipaamin saakin at alam niya kung anong sagot ko.

Nanginginig ang tuhod ko, nararamdaman ko na rin na nagtutubig ang gilid ng mata ko, naiinis ako sa sarili ko, bakit hindi ko magawang aminin?!

"Answer me Vanalein." Pakiusap niya, lumunok ako ng sunod sunod.

Pero hindi ako sumagot, narinig kong unti unti na niyang pinaandar ang kotse niya habang titig na titig siya saakin.

"M-mahal kita Andres!" At halos tumulo na ng sunod sunod ang luha ko nang masabi ko ang ipinagwawala ng puso ko, "Don't leave me!" Humahagulgol na hiyaw ko sakanya, pakiramdam ko may kung anong nahugot sa loob ng puso ko nang masabi ko sakanya ang mga salitang iyon.

Narinig ko ang marahan niyang pagpatay sa makina niya at ang pagpatay niya ng cellphone niya. Panay ang hikbi ko pero ayokong ialis ang tingin ko sakanya ngayong papalapit na siya saakin.

Napapikit ako nang punasan niya ang luha ko gamit ang thumb niya, "Shhh..." Bulong niya, "Stop crying, para namang nagluluksa ka dahil sinabi mong mahal mo ako." Bulong niya, umiling iling ako.

Hinampas ko ang dibdib niya at mas lalo akong umiyak ng umiyak, marahan siyang ngumiti at tumungo siya upang mahalikan ang nanginginig kong labi dahil sa kakaiyak. Isang marahan na halik na nagpahinto ng iyak ko, pero kasabay pa rin non ang paghikbi ko.

Hindi ko alam kung bakit ba ako umiiyak nang sabihin ko sakanyang mahal ko siya. Siguro dahil natatakot lang akong masaktan nanaman ako sa pangalawang pagkakataon. Pero mas natakot ako nang makita kong tatalikuran niya ako kanina ng ganun ganun nalang.

Tinugon ko ang maingat na halik na ibinibigay niya saakin, nakakapanghina, kung nalasing ako sa unang paghalik niya saakin noon, mas matinding pagkalasing ang nararamdaman ko ngayon sa bawat haplos ng labi niya sa labi ko.

Magkasabay naming ipinikit ang mata naming dalawa at napasinghap ako nang hilahin niya ako palapit sa katawan niyang mainit ngayon. "A..Andres." Bulong ko sa pangalan niya.

Kusang naglakad ang mga paa namin patungo sa kwarto ko at mabilis niya akong isinandal sa likod ng pinto para mas lalong palalimin ang halik saakin. Humaplos ang kamay niya sa gilid ng baywang ko pababa sa hita ko at halos mapalunok ako ng sunod sunod nang maramdaman kong pinag hiwalay niya ang dalawang hita ko gamit ang kanang hita niya. Napahigpit ang kapit ko sa tshirt niya at napakagat ako sa ibabang labi niya! Bago ang pakiramdam na ito saakin, may hinahanap ako na gusto kong mahanap pero hindi ko mawari kung ano iyon. Hindi ko napigilang magpakawala ng mahinang pag ungol nang maramdaman kong gumalaw ang hita niya doon saakin.

"Uhmmm.."

Rinig na rinig ko ang mabilis na paghinga naming dalawa! Pero habang tumatagal unti unting bumabagal ang halik niya saakin at inilayo niya ang hita niyang kaninang naglalaro doon saakin, marahan niyang ipinagdikit ang hita ko.

Pinaulanan niya ng maliliit na halik ang labi ko at halos magwala ang puso ko nang sabihin niyang...

"Papakasalan muna kita, bago kita angkinin ng buong buo." Bulong niya at marahan niyang hinaplos ang pisngi ko, pinagdikit niya ang noo naming dalawa. At kahit na yung ilaw lang sa labas ng poste ang nagiging liwanag namin ngayon nararamdaman ko pa rin ang malalalim na titig niya saakin. Panay ang pagbuga ng mainit na paghinga niya sa mukha ko dahil sa mabilis niyang paghinga. Napapikit ako nang muli niyang halikan ang labi ko.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon