STBFL: Chapter 20

94.5K 2.5K 144
                                    

STBFL: Chapter 20

Vanalein Rhyme Romeo

Isang araw palang ang lumilipas pero parang napaka laki ng pinag bago ng buhay ko ngayong wala sa paligid ko si Andres. Parang iba ang lasa ng pagkain ngayon na niluto ng kasambahay namin. Kadalasan kasi si Andres na ang nagluluto ng mga kakainin ko.

"Fast food again?" Puna ni Jhomarie saakin ngayong kumakain ako sa Jollibee. Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Saan mo ba balak pumunta?" Usisa niya saakin. "Sabi kasi ni Andres, mamasyal daw ako. Hindi ko naman alam kung saan ako magsisimula." Sabi ko sakanya. Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dahil wala si Bea, abala siya sa kanyang trabaho.

"In love na in love lang?" Humahalakhak na ani Jhomarie, hinampas ko ang braso niya at nagpatuloy sa pagkain. Ngumuso ako habang ngumunguya, posibpe palang mamiss ko talaga si Andres, ano bang nangyayari saakin? Dalawang linggo lang naman ang hihintayin mo Rhyme para makasama siyang muli.

"Wooa! Nakakabusog!" Hiyaw ko nang matapos akong kumain, natigilan ako sa paghimas sa tiyan ko nang may makita ako na familiar.

Kitang kita ko ang mahabang buhok niya na naka-pony tail at mukhang katatapos lang niya galing sa work out, narinig kong umorder lang siya ng hot chocolate at nang humarap na siya ay nagtagpo ang mata naming dalawa.

"Rhyme?" Ngiting ngiting aniya atsaka nagmartsa siya palapit saakin, nginitian ko din siya.

"Oh, hi, Mela." Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pagka ilang ngayon, siguro ay dahil alam kong malaki ang pagka gusto niya kay Andres. Nakakaramdam din ako ng inggit dahil alam kong mas maganda siya saakin at kung maganda man ang katawan ko ay mas maganda pa rin ang sakanya dahil sa pag wo-work out niya araw araw.

"How are you? Long time no see, si Tom? Kumusta na siya?" Sunod sunod na tanong niya atsaka naupo siya sa isang bakanteng upuan sa tapat ng mesa namin ni Jhomarie.

"Okay naman ako. Nasa Singapore si Andres, may inaasikasong business." Sambit ko, napatango tango siya habang nakangiti. Ang ganda talaga niya, para bang nanliliit ako ngayon.

"By the way, may gagawin ka ba? Gusto sana kitangh imbitahan, birthday ko bukas. Punta ka, isama mo ang kaibigan mo." Anyaya niya habang nakatingin kay Jhomarie.

"Ah eh.."

"Come on, Rhyme! Minsan na nga lang kita imbitahin, tatanggihan mo pa ba? Sige na, here's my calling card, nandiyan ang address ng bahay ko, simpleng salu-salo lang naman ang magaganap." Iniabot niya saakin iyon at tinanggap ko.

"Oh paano? Mauna na ako ha? Medyo sticky na eh." Natatawang sabi niya tungkol sa katawan niya atsaka umalis na rin.

Walang halong kaplastikan ang pagbati saakin ni Mela. Ewan ko pero kung ako kasi ang nasa posisyon niya at sinabi ko sa babaeng nagugustuhan ng taong mahal ko ang nararamdaman ko ay hindi ko ito kayang harapin. Mela is a nice girl, noon pa man ay magkaibigan na sila ni Andres. Naiinggit ako sa katotohanang mas kilalang kilala pa niya si Andres kaysa saakin.

__

Pagkasend ko ng pictures ko kay Andres sa Viber niya ay mabilis na siyang tumawag at kaagad kong sinagot.

"Love." Ramdam ko sa boses niya ang pagod.

Umupo ako sa kama ko at matamang tinititigan ko ang replesyon ko sa salamin.

"You look beautiful, saan ang punta mo?" Aniya na nagpapula sa pisngi ko. Ang tinutukoy niya ay ang isi-nend ko sakanyang picture ko sa viber. Naka kulay beige akong dress ngayon na hapit sa katawan ko at 3 inches na kulay pulang heels.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon