STBFL: Chapter 27

90.9K 2.2K 239
                                    

STBFL: Chapter 27

Vanalein Rhyme R. Santos

"Tama na!" Sigaw ko nang akmang sasaktan nanaman ni Kuya Diel si Kuya Kiel!

Mabilis na nakarating sa kanya ang balita tungkol sa nangyaring kasal namin ni Andres. Madaling kausap si Mr.Go, bumalik na ang lahat ng pag aari ng pamilya namin at iyon ang hindi matanggap ni Kuya Diel, dahil bumalik nga iyon pero kapalit naman non ay ang ikasal ako sa lalaking sinisisi naming magkakapatid sa pagkawala ni Dad.

"Rhyme naman!" Singhal ni Kuya Diel at sa unang pagkakataon nakita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata niya, ni minsan kasi hindi ko nakita si Kuya na umiyak kahit nung libing ni Dad ay hindi niya ipinakita sa akin na napanghihinaan siya ng loob.

"Bakit ba hindi ka marunong makinig? Magagawan namin 'to ng paraan, bakit ba pinangungunahan mo?" Ginulo ni Kuya ang buhok niya at napaupo siya sa sofa saka marahas na naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha.

Kinuyom ko ang kamao ko at pinigilan kong h'wag tumulo ang luha ko. Simula ngayon, pinapangako ko na sa sarili ko na hindi na ako iiyak, hindi ko na ipapakita sa mga kapatid ko na napanghihinaan ako ng loob.

"Kuya, desisyon ko naman 'to. Nasa tamang edad na ako para magdesisyon sa buhay ko." Bulong ko.

"Pero nangako kami ni Kiel kay Dad na hindi ka namin ibibigay sa kung sino lang!" Galit na sigaw niya.

Pinagmasdan ko si Kuya Kiel na ngayon ay nakatuon ang mga mata sa sahig at isinasa-walang bahala ang suntok na natanggap mula kay Kuya Diel.

"At saan ka titira? Sa bahay ng Santos na yon?" Sermon sa akin ni Kuya nang makita niyang naka-empake na ang mga gamit ko.

Humugot ako ng malalim na paghinga at tumango bilang sagot. Narinig ko ang malulutong na pag mumura ni Kuya Diel.

Ilang sandali pa ay nakarinig na ako ng sunod sunod na pagbusina, alam kong si Andres na yon kaya naman tumayo na ako at hinila ko na ang dalawang maleta ko. Hindi kumilos ang dalawang kapatid ko.

H'wag kang iiyak Rhyme.

Papalabas na ako ng pintuan nang bigla akong hinila ni Kuya Diel sa braso ko at hinarap niya ako sa kanya.

"Babawiin ka namin ni Kiel sa kanya, hintayin mo lang." Namamaos na sambit ni Kuya, ngumiti ako at umiling.

"Kaya ko na ang sarili ko, Kuya. Matanda na ako, sabi mo nga I'm not your baby princess anymore. Isipin mo nalang pakakawalan mo na ako." Nanginginig ang boses ko sa pagsasalita pero nagawa ko pa ring pigilan ang pagtulo ng luha ko.  Kumuyom ang panga ni Kuya Diel at kitang kita ko sa mga mata niya ang paninisi niya sa kanyang sarili.

Marahan kong tinanggal ang pagkakahawak ni Kuya sa braso ko at nilingon ko si Kuya Kiel na ngayon ay nakatalikod na at paakyat na sa kanyang kwarto. Naninikip ang puso ko ngayong nakikita kong nasasaktan ko ang mga kapatid ko, pero kasabay din non ang pagiging masaya dahil alam kong mahal na mahal nila ako.

"Rhyme.." Umiiyak si Kuya Diel kaya naman iniwasan ko na ang mga titig niya dahil alam kong iiyak lang din ako kapag hindi ko pa hinayaang umalis dito.

Hinila ko na ang maleta ko at nakita ko si Andres na malamig ang titig sa akin habang nakatayo doon sa gilid ng sasakyan niya, nag iwas ako ng tingin. Padabog niyang binuksan ang passenger seat at kasunod non ang pagkuha niya sa maleta ko.

Sumakay na ako sa harap at hinintay na makasakay na rin siya.

Tahimik naming narating ang bahay niya at ako na mismo ang kumuha sa mga gamit ko para mauna na akong pumasok sa loob ng bahay. Papasok na sana ako sa dating kwarto ko nang hilahin niya ang mga gamit ko at tinitigan ako ng masama.

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon