STBFL: Chapter 28

98.3K 2.2K 248
                                    

STBFL: Chapter 28

Vanalein Rhyme R. Santos

"I don't think na magiging magandang idea ang pagpasok mo ngayon." Sambit ni Stephen nang nasa loob na kami ng elevator, hindi ko na alam kung paano niya ako napakalma magmula sa pag iyak ko kanina sa sasakyan niya. Hindi lang basta iyak ang ginawa ko dahil alam kong humagulhol talaga ako at nahihiya akong makita ni Stephen iyon.

"No, ayokong umabsent sa first day ko dito sa company namin." Nanghihinang bulong ko, bumuntong hininga si Stephen.

"Your eyes are swollen, mag aalala ang mga Kuya mo." Ramdam ko sa boses ni Stephen na hanggang ngayon ay nahahabag siya sa akin, kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko na magiging magkaibigan pa kami ni Stephen matapos ang lahat ng nakaraan namin.

Matapos ang pag aaway namin ni Lexi dahil sa kanya.

Tumunog na ang elevator, hudiyat na nasa mismong floor na ako ng magiging opisina ko kung saan nandoon din sa palapag na iyon ang opisina ni Kuya Kiel, katabi naman non ang opisina ni Kuya Diel, at sa pinaka mataas na floor naman ang opisina ni Dad.

Kinuha ko kay Stephen ang bag ko. "Sige na, pasensya ka na sa abala." Bulong ko, ngumiti siya sa akin at umiling. "Kulang pa 'to sa mga nagawa ko noon." Aniya, napansin kong may kinuha siya sa bulsa niya. Panyo iyon at inilagay niya yon sa kanang kamay ko. "Sakaling hindi mo mapigilan ang luha mo, gamitin mo muna 'to." Sabi niya na nagpangiti sa akin ng marahan, pupwede palang makangiti ka kahit na sobrang sakit ng nararamdaman mo.

"Sunduin ulit kita mamaya?" Suhestiyon niya, umiling iling ako.

"Hindi na, magpapahatid nalang ako kay Kuya Kiel. Thank you, Stephen." Tanggi ko sa kanya at saka dumiretso na ako sa office ni Kuya Diel para mag-report.

Kita ko ang pagkabigla sa mga mata ni Kuya Diel nang mapagmasdan ang mga mata ko.

"Rhyme." Tawag niya, pero kusa akong ngumiti at umiling ako sa kanya.

"Nasa trabaho tayo, Kuya." Pagbabago ko ng mood niya, ayoko ng pag usapan ang kung ano mang nararamdaman ko ngayon dahil alam kong sa huli ay iiyak lang din naman ako. Tama na muna na ako nalang ang nakakaalam ng mga pinag dadaanan ko sa buhay.

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Kuya.

"Nasabi na ba sayo ni Kiel na kailangan mong umattend ng board meeting ngayon?" Pormal na tanong ni Kuya.

"No."

"Alright, sasama ka sa amin. You don't need to ask a question or answer a question with the board members. All you have to do is to listen, take down all the important details." Litanya ni Kuya saka ibinalik ang tingin doon sa mga pinipirmahan niyang papeles.

"And...your husband will be joining the board meeting." Nanlumo ang pagkatao ko sa sinabi ni Kuya.

"Things will be going to be hard, kung hindi mo kaya h'wa--"

"Kaya ko." Pagmamatigas ko at nakipag titigan ako kay Kuya. "Kaya ko, magagawa ko." Pangungumbinsi ko sa sarili ko, nakita ko nanaman ang pagkahabag sa mata ni Kuya Diel kaya naman nag iwas na ako ng tingin sa kanya.

"Go ahead, Kuya." Sambit ko upang ipagpatuloy pa niya ang iba pang sasabihin dahil alam kong marami rami pa akong dapat malaman.

"And one more thing, nakausap ko si Attorney Pier tungkol sa last will ni Dad." Tumaas ang tingin ko kay Kuya dahil narinig ko ang pangalan ni Dad.

Ngumiti si Kuya ng marahan bago nagpatuloy, "Ikaw ang bagong CEO ng company." Aniya na nagpaawang sa bibig ko.

"Pa--"

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon