STBFL: Chapter 2

153K 2.6K 227
                                    

STBFL: Chapter 2

Vanalein's P.O.V

"Mag isa ka! Uuwi nalang ako saamin kaysa maging katulong mo!" Hiyaw ko sakanya, hah! Ano siya sinuswerte? For your information pito ang kasambahay saamin at ang tatlo doon ay ang personal maid ko, isang taga laba, isang taga plantsa at isang tagaluto ng kakainin ko. Tapos siya uutusan niya ako? Humarap siya saakin at humalukipkip, napalunok naman ako ng sunod sunod dahil nagflex ang biceps at triceps niya pero mabilis akong tumingin sa mukha niya but ugh! His face is a big distraction! Nakakainis, bakit ba kasi gwapo siya? Yeah, marunong akong maka-appreciate ng mga magaganda at gwapo, at kapag pangit naman ay talagang sinasabi kong pangit siya.

"Alright, good luck Vana and have a good night." Nakangising sabi niya atsaka pumanhik na siya sa itaas. Padabog naman akong lumabas ng bahay niya at nanakbo ako para mabuksan ko kaagad yung gate, pero biglang may pumasok sa magandang isipan ko nang matitigan ko ang sasakyan niya.

"Hmp, sports car pala ha?" Bulong ko atsaka bumalik ako sa loob ng bahay niya dumiretso ako sa kusina at dahan dahan akong kumuha ng kutsilyo doon, bago pa niya ako mahuli binilisan ko na ang pagtakbo palabas ng bahay niya at binutas ko ang apat na gulong ng kotse niya saka nanakbo na ako palabas ng bahay!

"Ha! Akala niya siguro mapapatino niya ako dahil sa kauutos niya, pwes dun nalang ako sa bahay namin. Kahit away awayin pa ako ni Dad araw araw at least doon may maids ako." Pumara na ako ng taxi, mabuti nalang at may cash pa ako pambayad sa driver, badtrip naman kasi si Dad pati kotse ko pinagdidiskitahan niya.

Narinig kong umiiyak yung taxi driver nung pababa na ako, kaya naman kinuhit ko siya. "Manong bakit po?" Usisa ko dito, "Ah..wala hija, ikaw palang kasi ang naisakay ko sa araw na ito." Namilog ang mata ko, bigla naman akong nakaramdam ng awa sakanya kaya kahit na one hundred eighty lang yung nasa metro ay inabutan ko siya ng one thousand pesos.

"Oh ayan ho Manong, advance merry christmas po ha!" Masayang bati ko, "Naku! Salamat talaga hija!" Aniya atsaka pinaandar na niya ang sasakyan paalis, napahawak ako sa dibdib ko.. Haay, ang sarap tumulong, pero posible kaya yun? Ako palang ang naisasakay niya sa taxi niya ngayong araw, hmm bahala na nga mayaman naman kami.

At dahil pag aari ko din ang bahay na ito dire-diretso akong pumasok kahit pa may guard kami sa bahay, nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong wala ako sa teritoryo nung Andres na iyon, pagkapasok ko sa bahay namin kaagad kong nakita ang mga maids namin.

"Lea! Pagluto mo naman ako ng pagkain." Pakiusap ko sa isang maid namin atsaka umupo ako  sa mahabang sofa. Pero nakatingin lang siya saakin at hindi kumikilos. "Huy! Sabi ko  ipagluto mo ako." Untag ko.

"Sorry po Ma'am pero hindi ko na po pwedeng sundin ang inuutos niyo dahil pagagalitan ako ng Daddy niyo." Sabi nito saakin, namilog ang mata ko at akmang sisigawan ko sana siya pero biglang bumaba si Dad.

"What are you doing here?" Ma-awtoridad na tanong nito saakin. "Natural umuwi, diba dito ako nakatira Dad?" Pagtataka ko, ngumisi si Dad at umiling iling. "Vanalein hija, hindi ba nilinaw sayo ng fiance mo  na sakanya ka na titira habang buhay?" Tumatawang sabi ni Dad, seriously? May katawa tawa ba sa sinasabi niya? Nakakainis ha?

Save The Best For Last [Published under Pop Fiction/Summit Media]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon